DESTEEN'S POV: Inalalayan siya ng kanyang daddy para maupo sa upuan saka kumuha ito ng tubig at inabot sa kanya. Agad naman niya iyong tinanggap at ininom. "Just sit here," maingat na sabi ng ama. Halata sa mukha nito ang pag-aalala. "I'll prepare another food. Wala ka bang gusto? Any food you prefer?" Sa tanong na iyon ng ama biglang pumasok sa kanyang isipan ang avocado. "I want avocado, dad," sagot niya sa ama. "I want crashed avocado mixed with condensed milk and honey. Put some peanut butter on it..." Ewan basta nalang pumasok sa isip niya ang mga pagkain iyon. Curious siya sa lasa. ".... and spread it on bread. Like some sandwiches? Can you do that?" Napangiwi ang kanyang ama sa kanya. "Pregnant woman really have a weird taste buds." reklamo ng ama pero sumunod din naman ito s

