DESTEEN'S POV: Kahit nang makarating sila sa mall ay nagbabangayan pa din ang dalawa. It was a long drive before they got in mall. Wala kasing malapit na mall sa village kung saan sila nakatira. Kailangan pa nilang mag-drive ng dalawang oras mahigit para mapuntahan ang pinakamalapit na mall. Iniwan ni Desteen ang dalawang gurang na bata kung mag-isip sa parking lot. Daretso agad siya sa loob ng mall at naghanap ng nagtitinda ng damit para sa maternity dress. Nakakita naman agad siya ng stall para sa mga damit. Pumasok siya doon at naghanap agad ng damit. Nakatanggap pa siya ng text mula sa kanyang ama, nag tatanong kung nasaan na daw siya. Hindi nga niya ni-reply-an ang ama. Alam naman niya na meron tracking device ang cellphone niya kaya malo-locate agad siya ng ama. Nakapili na siya

