DESTEEN'S POV: Makalipas ang ilang minuto na pamamalagi sa may veranda nila ay inaya siya ng binata na pumasok na sa loob dahil baka daw magkasipon siya dahil malamig at mahamog pa sa labas. Inihatid pa siya ng binata sa may tapat mismo ng silid niya. Nakatayo siya sa may pintuan ng kwarto niya at nakaharap sa binata. "Salamat sa pagsama sa 'kin kanina sa labas," aniya. Liam smiled, "my pleasure, miss." Desteen rolled her eyes, "andyan na naman ang pagiging pormal mo. Nakakainis." Liam chuckled. "Ang bilis talaga uminit ng ulo mo ano? Para kang angry birds, yung madaling magalit." She crook her brows. "You watch angry birds?" tumawa siya. "Gosh Liam, pang bata lang 'yun." He stays silent for a bit before answering. "H-hindi lang naman bata pwedeng manood noon, ah." depensa pa n

