DESTEEN'S POV: Nagising si Desteen na parang hinahalukay na naman ang kanyang tiyan. Palagi nalang ganito ang nangyayare sa kanya tuwing madaling araw. Dali-dali ngunit maingat niyang tinakbo ang kanyang banyo. Kung hindi pagduduwal ay ang pag-ihi naman ang gumising sa kanya tuwing umaga. Nagmumog siya saka tinitigan ang kabuohan ng sarili. Hinimas niya ang may umbok na tiyan. Time really flies. Tatlong buwan na ngayon ang tiyan niya. May baby bumped na rin kaya mas nagiging excited siya. Tatlong buwan na pero parang may kulang sa kanya. "I really miss you, Alas...." Bumalik ulit siya sa kanyang higaan para sana matulog ulit. Alas-tres palang ng madaling araw kaya medyo inaantok pa siya. Naka-ilang posisyon na siya sa pagtulog pero hindi pa siya dinadalaw ng antok. Kinuha nalang

