PAGBALIK ni Matt sa silid niya ay naabutan niyang tulog pa rin si Diana. Marahan siyang lumapit sa kama at maingat na umupo roon para hindi niya maistorbo ang pagtulog ng nobya. She's sleeping like an angel at medyo humahagok pa. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito at pinakatitigan. Napangiti siya sa sarili. He's really lucky having her in his boring life. “Whatever happens, I promise you, I will never leave you. I will not let anyone harm you. I will fight for you!” sumpa niya bago siya nagpakawala ng hangin pagdaka’y tumalungko at hinalikan sa labi ang dalaga bago ito muling pinakatitigan. Humugot siya nang malalim bago umiling-iling. Hanggang ngayon, disappointed pa rin siya sa kinahinatnan ng pag-uusap nila ng kaniyang abuela kanina. Pagkatapos niyang pakinggan ang drama sa buha
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


