NAGBUGA si Diana ng hangin mula sa kaniyang dibdib nang ganap nang umangat ang private plane na kinalululanan nila ni Matt at Luisa kasama ang magulang ng nobyo niya at ng kasama nitong dalawang bodyguard na matagal nang naninilbihan sa pamilya nila. Tatlong araw bago sila bumalik ng Pilipinas ay pumunta muna ang magulang ni Art sa Thailand para suportahan sila—physically and emotionally—at para din mapagplanuhan nila kung ano ang mga nararapat nilang gawin at sabihin pagdating ng Pilipinas. Sa pananatili ng magulang ni Matt sa resthouse, napagtanto niyang sobrang bait talaga ng mga ito at hindi mapagmata sa ibang tao. Bagay na alam na naman niya pero iba pa rin ‘yong nakasama niya ang mga ito sa iisang bubong. Sabi nga nila, doon mo makikita ang tunay na ugali ng isang tao, kapag nakas

