NARAMDAMAN ni Diana ang mahigpit na paggagap ni Matt sa palad niya habang kaharap nila ang abuela nito na si Donya Gabriella de Avila. Bagama’t alam naman niyang batid na ng matanda ang pagdating nila, hindi pa rin nalingid sa kaniya ang mainit na paghagod ng mata nito sa kaniya, literal na mula ulo hanggang paa, pag-ibis pa lang nila kanina sa sasakyan. “Mama,” untag ni Mr. Matthias sa ina nito dahil obviously, ayaw alisin ng matandang babae ang pagkakatingin sa kaniya na tila ba sinadya nitong ipakita sa kaniya para sindakin siya. “Oh,” anang matanda saka pa lamang inalis ang pagkakatitig sa kaniya at lumipat ng tingin sa katabi niyang si Matt. “I’m glad that you’re finally okay,” pormal at seryosong sambit nito kahit pa nga iba ang mababasa sa mga mata nito. Her eyes were full of emo

