“Art!” salubong na bati ni Diana sa lalaki pagkapasok pa lang nito ng pintuan ng kuwarto kung saan naroon siya nakahiga. Marahan siyang bumangon at sinalubong nang mahigpit na yakap si Art na tinugunan naman nito ng halik sa ulo niya pagkaupo sa tabi niya. “I missed you!” dagdag niya pa. Hindi niya rin napigilan ang pagluha dahil pakiramdam niya ay nadagdagan ang kakampi niya, although hindi naman nagkulang ang lalaki maging ang asawa nitong si Liz na ipakita ang suporta sa kaniya sa lahat ng pagkakataon. “Hey, what’s the tears for?” natatawang sambit ng lalaki matapos kumalas sa yakap niya at titigan siya. Bahagya pa nitong pinahid ang luha sa pisngi niya bago siya kinabig at hinagod ang likod niya. “Tama na at baka makasama pa sa baby n’yo,” anito para pakalmahin siya. Kung hindi pa tu

