Hindi ako nakatulog agad matapos ang usapan namin. Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame, paulit-ulit na iniisip ang sinabi niya. Isang taong kayang sirain tayong dalawa. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakakaba, ang katotohanang may ganoong tao o ang katotohanang isasama niya ako roon. Pero tama siya sa isang bagay. Wala na itong atrasan. Kung may nagtatangkang gamitin ang restaurant ko bilang butas sa sistema nila, hindi lang ito laban para sa pride ko. Hindi lang ito tungkol sa pagmamay-ari. Kaligtasan ko ito. Kinabukasan, mas maaga pa ako sa alarm ko nagising. Tahimik ang bahay. Ramdam kong wala na si Theo sa tabi ko. Bumangon ako at agad nagbihis. Hindi ako nagsuot ng pangkaraniwang damit pang-restaurant. Instead, nagsuot ako ng simpleng blouse at slacks na neutral. Wa

