bc

The Billionaire's Hidden Bride

book_age18+
53
FOLLOW
1.1K
READ
family
HE
escape while being pregnant
opposites attract
second chance
arranged marriage
heir/heiress
drama
like
intro-logo
Blurb

Prologue: Si Victoria Alverez-De Vera ay nagmula sa isang prestihiyosong international high society. Isa siya sa mga anak ng isang dating tanyag na bilyonaryo.Isang pamilyang hinahangaan at kinaiinggitan noon. Ngunit nagbago ang lahat nang tuluyang malugi ang kompanya ng kanyang mga magulang, at kasabay nito ang unti-unting pagbagsak ng kanilang pangalan sa mundo ng mga elite.Samantala, si Theo Kensington, isang makapangyarihang bilyonaryo na nagmula sa Estados Unidos, ay nakatakdang magmana ng napakalawak na kayamanan ng pamilya Kensington. Matagal nang magkaibigan ang mga magulang ni Victoria at ang pamilya ni Theo.Isang ugnayang binuo ng negosyo, impluwensiya, at lihim na kasunduan.Ngunit may isang kundisyon ang lahat.Ipinahayag ng matandang Kensington, ang makapangyarihang lolo ni Theo, na hindi niya ipagkakaloob ang kahit anong bahagi ng kanilang ari-arian hangga’t hindi siya nagkakaroon ng apo mula sa kanyang dalawang apo. Sina Theo at Ethan. Sinabi niya na kung sino man sa kanila ang unang makapagbibigay ng tagapagmana, sa kanya mapupunta ang buong kayamanan ng pamilya.Dahil dito, na pagkasunduan ng mga magulang nina Theo at Victoria ang isang kasal na hindi bunga ng pag-ibig, kundi ng pangangailangan. Isang kasalang inaasahang magliligtas sa naluluging pangalan ng De Vera at magtitiyak ng mana para sa pamilya Kensington.Ngunit sa unang araw pa lamang ng kanilang pagsasama, naranasan ni Victoria ang matinding pighati. Mula mismo sa lalaking itinuring niyang asawa. Sa halip na seguridad at pag-asa, sakit at kalungkutan ang kanyang naging kapalit.May pag-asa pa kaya silang magkasundo?Magagawa pa kaya nilang bumuo ng isang anak na magsisilbing patunay ng kanilang pagsasama?O tuluyan na ba silang malulunod sa galit, hinanakit, at mga lihim na hindi kailanman inamin?Sa pagitan ng kayamanan at pag-ibig, kapangyarihan at damdamin. Isang tanong ang mananatili. Maaari bang magsimula ang isang masayang pamilya mula sa isang sapilitang kasunduan?

chap-preview
Free preview
chapter 1
Isang matinding sikat ng araw ang tumama sa aking mga mata ng magising ako isang umaga. Agad ko kinapa sa ibabaw ng nightstand ko at aking makapal na salamin. At dahan-dahan tumayo. Naglakad ako patungo sa aking bathroom upang gawin ang morning routine ko. Kinuha ko ang aking toothbrush at nagsipilyo ng ngipin, at saka ako nag-umpisa maligo. Nang matapos ay lumabas na ako ng aking silid. Napahinto ako sa pag lalakad ng marinig ko ang malakas at Galit na Galit na boses ni daddy. "Anong klase ba ng trabaho ang ginagawa mo, Amanda? Bakit nagkaganito? Napakalaki ng pera na nawawala sa negosyo natin." Galit na galit na wika ni Daddy kay Mommy. "Hindi ko alam kung paano nangyari iyan, maniwala ka sakin. Wala ako alam diyan." "Kung hindi mo ito alam, paano nagkaganito? T*nga ka ba na basta basta ka na lang pumipirma ng hindi man lang binabasa ang mga papel?" Tanong ni Daddy. "Sumosobra kana ng pananalita mo ahh... Baka nakakalimutan mo Hindi ka mapupunta sa position mo na iyan kung hindi sa pamilya ko," galit na wika ni Mommy. "Wag mo isumbat iyan sakin dahil kung hindi sa pag susumikap ko, hindi lalago ang negosyo ninyo, na ngayon ay unti-unting bumabagsak dahil sa kapabayaan mo!" Galit na bulyaw ni Daddy kay Mommy. Agad ko naramdaman ang kamay na bigla na lang nagtakip sa aking tenga. At agad ko narinig ang seryosong boses ni Kuya Samuel. "Halika na sa dining area at Kumain na Tayo. Hindi ka dapat nakikinig sa usapan ng matatanda," seryosong wika nito at hinila na ako nito pababa ng hagdan. Pag dating namin sa dining area ay nadatnan namin si ate na pinakakain ang aking pamangkin. "Nag-aaway na naman ba sila?" tanong ni Ate sa amin. "Ano pa nga ba? Lagi naman nila ginagawa iyan. Ehh… Hindi ka pa ba nasanay?" Seryosong wika ni kuya. "Dahil na naman ba sa negosyo?" "Oo, alam mo na nanganganib na naman ang negosyo natin." "At ano ang plano nila? Ang ipakasal itong si Victoria?" "Ipakasal ate?" takang tanong ko. Tumingin ito sa akin ng seryoso. "Oo parang ginawa nila sa amin." "Rina, ano ba pinag sasabi mo diyan? Manahimik ka nga." "Bakit totoo Naman? Hindi ba nag anak lang Naman yata sila para ipang bayad sa utang nila?" "Rina!" Galit na boses ni Daddy ang bigla na lang namutawi sa buong dining area. Agad napahinto sa pagsasalita si Ate at sabay-sabay na napatingin kami kay Daddy. Nasa likod nito si Mommy na mukhang galing pa sa pag-iyak. "Itigil na ninyo ang walang kwentang usapan ninyo at maupo na kayo sa upuan para kumain." Seryosong wika nito sa amin. Kaya agad namin ito sinunod dahil sa matinding takot namin dito. Naupo ako sa tabi ni kuya habang si Mommy ay naupo naman sa tapat ko at katabi nito si ate. Si Daddy Naman ay nasa gitna habang nakamasid sa amin. Sinimulan na namin ang aming pagkain hanggang sa mapahinto ako ng pagkain nang banggitin ni Daddy ang aking pangalan. "Victoria anak, anong oras ang uwi mo mamaya?" Agad ako napahinto ng aking pagkain at napatingin kay kuya. Bago ako tumingin kay Daddy na may pagtataka, ngayon lang kasi niya ako tinanong tungkol sa pag-uwi ko dahil wala naman siyang pakialam sa mga ginagawa ko. Ang importante lang sa kanya ay nag-aaral ako ng maayos. "Ahh... Eh, mga 6:00 pm po." "Ganoon ba? Sige, ipapaschedule ko ang meeting natin ng 8:00." "Meeting ano po meeting, Daddy?" Takang tanong ko. "Makikipagkita tayo sa mga Kensington upang makilala ka ng anak nito." "Kensington?" Takang tanong ko ulit. Narinig ko ang malakas na pagbagsak ng kutsara at tinidor ni kuya at padabog na tumayo sa kinauupuan nito. At Galit na hinarap si Daddy. Sa pagkakataon na iyon ay nakita ko ang galit na galit na awra ni kuya. Kaya agad ako nakaramdam ng matinding kaba dahil dito. Napatayo ako at napahawak sa braso ni kuya para pakalmahin ito. "Daddy, wala na ba kayong maisip na paraan para makaligtas sa paglubog ng negosyo natin? At iyan na lang ang tanging nakikita ninyong paraan?" Galit na wika nito kay Daddy. "Kuya, tama na, wag mo kausapin ng ganyan si Daddy," naiiyak na wika ko. Tumayo sa kinauupuan niya si Daddy at galit na hinarap si kuya. "Bakit may naiisip ka bang paraan huh? Wala nang makapagsasalba sa kumpanya kundi si Victoria lang kaya wag kang mangeelam sa decision ko." "Ganyan kaba talaga ka walang puso? Sarili mong anak nais mo ibenta para lang sa kumpanya? Hindi pa ba sapat na sinira mo na ang buhay namin ni Rina? Pati ba naman buhay ni Victoria nais mo rin sirain? Nasan ang puso mo!" Galit na wika ni Kuya Kay Daddy. Dahil sa galit ni Daddy ay mabilis na lumapit ito kay Kuya at dinakot ang damit nito sa bandang dibdib at malakas na sinuntok ang mukha nito dahilan para mapasubsob ito sa lamesa. Natapon ang mga pagkain sa lamesa habang si Ate naman ay mabilis na binuhat ang anak niya at niyakap ito habang patuloy na umiiyak. Kami naman ni Mommy ay inawat si Daddy, at nang mailayo na ni Mommy si Daddy kay Kuya ay agad ko dinalihan at niyakap si Kuya. "Tama na kuya, itigil mo na ito," umiiyak na wika ko habang kita ko ang dugo sa gilid ng labi ni kuya. Pinunasan niya ito at muli ibinaling ang tingin kay Daddy. "Tandaan mo ito, Dad, hindi na ako makakapayag sa nais mo. Hindi kami pambayad sa mga utang mo. Anak mo kami, Daddy. At sana magpaka-ama ka naman para sa amin. Hindi ko na hahayaan na diktahan mo ang buhay namin, at hindi na rin ako papayag na pati buhay ng kapatid ko, si Victoria, ay sirain mo pa." Seryosong wika ni kuya bago nito tinanggal ang kamay ko sa braso niya at iniwan kami doon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.5K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.1K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.6M
bc

MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER (SPG)

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook