chapter 2 Ang pagkikita

1127 Words
Nanatili akong nakatayo sa gitna ng dining area, tila ba napako ako sa aking kinatatayuan. Nang mga sandaling iyon. Ang pag-alis ni Kuya Samuel at ang malakas na pagbukas at pagsara ng pinto ay paulit-ulit na umuukit sa aking isipan. Parang bawat yabag niya palayo ay ramdam ko ang bigat ng aking dibdib. Sakit na Hindi magawa ipaliwanag nino man at maging ang sarili ko. Tahimik ang paligid, ngunit ang katahimikang iyon ay nakakabingi. Si Daddy ay muling naupo, inayos ang kanyang amerikana na para bang walang nangyari. Ang mga mata niya ay malamig, walang bakas ng pagsisisi. Si Mommy naman ay nakatayo sa isang tabi, nanginginig ang mga kamay habang pilit pinipigilan ang hikbi. Si Ate Rina ay hawak-hawak ang kanyang anak, patuloy na hinahaplos ang likod nito upang patahanin, ngunit kitang-kita sa kanyang mga mata ang galit at takot na matagal nang naipon. Ako… ako ang hindi makagalaw. Para bang sa isang iglap, hindi na ako si Victoria na estudyanteng ang iniintindi lang ay exams, deadlines, at kung anong isusuot kinabukasan. “Victoria,” malamig na tawag ni Daddy, dahilan upang mapapitlag ako. “Umupo ka. Tapos na ang drama.” Drama. Iyon lang ba ang tawag niya sa lahat ng nangyari? Tahimik akong umupo, nanginginig ang aking mga kamay habang pilit sinusubo ang pagkain na matagal nang nawalan ng lasa. Ang bawat subo ay parang bato na pilit kong nilulunok. Hindi ko magawang tumingin kay Daddy; takot na takot akong makita sa kanyang mga mata ang desisyong matagal na pala niyang pinaghandaan. ang ipag kasundo ako sa isang lalaki na never ko pa nakita at nakilala. Matapos ang almusal, isa-isa kaming umalis sa hapag-kainan. Walang nagpaalam. Walang nag-usap. Para kaming mga estrangherong nagkataong magkakasama sa iisang bubong. Pagdating ko sa aking silid, agad kong isinara ang pinto at isinandal ang aking likod dito. Dahan-dahan akong dumulas pababa hanggang sa maupo sa sahig, yakap ang aking mga tuhod. Doon, sa wakas, pinayagan kong bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit ako? Bakit parang wala akong karapatang tumanggi? Kensington. Paulit-ulit kong binigkas sa isip ang apelyidong iyon. Kilalang-kilala ang pamilyang iyon sa mundo ng negosyo. Makapangyarihan, mayaman, at walang sinasanto kapag usapang kontrata. Ang pakikipag-alyansa sa kanila ay parang huling baraha ni Daddy. Ngunit ako ang kapalit. Maya-maya, may marahang katok sa aking pinto. “Victoria,” mahinang tinig ni Mommy. “Pwede ba kitang makausap? ” Pinunasan ko ang aking mga luha at pilit inayos ang aking sarili bago ko buksan ang pinto. Nakita ko siyang nakatayo roon, maputla, may bakas pa ng iyak sa kanyang mga mata. “Anak…” agad niya akong niyakap, mahigpit, tila ba natatakot na baka tuluyan na akong mawala. “Pasensya ka na. Hindi ko ginusto ang lahat ng ito.” Gusto kong maniwala sa kanya. Pero ang tanong, bakit hinayaan niya? “Mommy,” nanginginig kong tanong, “totoo ba? Ipapakasal talaga ninyo ako? ” Hindi siya agad sumagot. At doon ko nakuha ang sagot. “Hindi pa final,” mahina niyang sabi. “Meeting pa lang mamaya. Kilalanan lang.” “Kilalanan? ” mapait akong napatawa. “Alam naman nating pareho na hindi lang iyon ang pakay.” Napayuko siya. “Kung may magagawa lang ako…” “Meron, Mommy,” mahina ngunit mariin kong wika. “Piliin ninyo ako. Kahit minsan lang.” Tumahimik siya. At sa katahimikang iyon, mas lalong sumikip ang aking dibdib. "I'm sorry, anak. Ayoko mangyari ito, at ng dahil sa akin pati ikaw ay nalagay sa alinlangin. Pero wag Kang mag Alala, anak. Babawi ako sayo. Sa ngayon hayaan na lang muna natin ang daddy mo. Pag bigyan na lang muna natin siya. Para din Naman sa inyo Ang ginagawa niya." "Pero mommy," Naiiyak na wika ko. "Patawarin mo ako anak, pero sa pagkakataon na ito, hindi ito ang tamang panahon para isipin natin ang mga sarili natin. Ito ay para sa ikabubuti nating lahat. Kaya sana ay pumayag ka na lang," mahinahong wika niya at saka niya ako iniwan sa aking silid. Nang makaalis si Mommy, agad akong nagbihis para pumasok sa unibersidad. Kahit papaano, iyon na lang ang lugar kung saan pakiramdam ko ay may kontrol pa ako sa sarili kong buhay. Ngunit buong maghapon, hindi ako mapakali. Hindi ko marinig ang sinasabi ng propesor. Hindi ko mabasa ang nasa harap ko. Ang isipan ko ay puno ng tanong. Sino ang lalaking iyon? Ano ang magiging kapalit ng kasunduang ito? At hanggang kailan ako magiging sunud-sunuran? Pagkatapos ng klase ay lumabas na ako ng aming classroom. Nakita ko ang ilang studyante na nag sisigawan kaya't lumapit ako para malaman ang dahilan ng hiyawan nila. At Doon ko nakita ang isang napakagwapong lalaki. Na ngayon ko lang nakita sa paaralan na iyon. Nakaakbay siya sa isang babaeng mestisa, at sa tingin ko ay nagmula sa isang kilalang pamilya. Agad nagtama ang tingin namin ng gwapong lalaki, at doon ay pakiramdam ko ay hinihigop ako nito palapit sa kanya. Unti-unting bumilis ang t***k ng aking puso na tila naging abnormal na ang bawat pintig nito. Nang makalagpas na sila sa akin ay hindi ko napigilan kagatin ang ibabang labi ko. Habang nakatanaw ako sa papalayong likod niya. Pagdating ng alas-sais ng gabi, tulad ng sinabi ko kay Daddy, umuwi ako ng bahay. Ngunit imbes na diretso sa aking silid, agad akong sinalubong ng isa sa mga kasambahay. “Miss Victoria, naghihintay na po ang Daddy ninyo sa sala.” Huminga ako nang malalim bago ako naglakad papunta roon. Naroon sila. Si Daddy, tuwid ang postura, parang isang heneral na naghahanda para sa digmaan. Katabi niya si Mommy. At sa tapat nila, isang magarang mag-asawa ang mga Kensington. Sa gitna nila ay isang lalaki, nakaupo nang tahimik, ngunit ramdam ang presensiya. Bahagya nagulat ako ng Makita ko siya sapagkat ang lalaking ito ay ang tao na nakita at hinangaan ko kanina lang sa paaralan. Bumilis muli ang aking puso ng sandaling iyon. Bagay na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko tuloy alam kung mananatili ako nakatayo doon o lalapit ba ako sa kanila para magpakilala. Matangkad siya. Malinis manamit. Ang kanyang mga mata ay malamig ngunit mapanuri. Parang kaya niyang basahin ang buong pagkatao ko sa isang tingin pa lang. “Victoria,” pakilala ni Daddy, “ito ang magiging kabiyak mo. Si Theo Kensington.” Nagtagpo ang aming mga mata. At sa sandaling iyon, alam kong ang buhay ko ay papasok na sa isang larong hindi ko kailanman ginustong salihan. Ngumiti siya, isang ngiting hindi ko mabasa kung ngiti ba talaga o isang pagpapanggap. “At last,” wika niya, malamig ngunit magalang, “ikaw pala ang mapapangasawa ko.” Parang may humampas sa aking dibdib. Mapapangasawa. Hindi bilang dalawang tao nagmamahalan kundi isang kasunduan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD