Nagising ako ng maramdaman ko ang matinding pananakit ng aking katawan. Pakiramdam ko ay nakipagbugbugan ako sa sampung kalabaw dahil sa tindi ng sakit na iyon. Pero ang pinakamasakit sa lahat ay yung nasa pagitan ng aking mga hita. Pakiramdam ko hindi ako makagalaw ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung nananaginip lang ako pero bumalik sa mga alaala ko ang lahat ng nangyari. Napakuyom ako ng aking kamao dahil sa matinding sakit. Hindi lang ng katawan kundi ng aking puso. Maya-maya ay naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ng taong nasa likuran ko. Maingat na nilingon ko siya, at nung makita ko siya ay doon na nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Galit ang tanging nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ko hindi ko siya kayang patawarin dahil sa ginawa

