Pagkasara ng pinto ay para ring may kung anong bumagsak sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam kung galit ba ang mas nangingibabaw o takot. Marahil pareho. Pinikit ko ang aking mga mata at mariing napahawak sa aking tiyan. Naroon ang marahang t***k ng buhay na unti-unting lumalaki sa loob ko, ang tanging bagay na nagbibigay sa akin ng lakas sa kabila ng lahat. Narinig ko ang mga yabag niya pababa ng hagdan. Unti-unting lumayo ang tunog hanggang sa tuluyang naglaho. Naiwan akong mag-isa sa silid na matagal ko nang nararamdamang hindi ko naman talaga tahanan. Huminga ako nang malalim. Bakit ba sa tuwing lalapit siya, mas lalo akong naguguluhan? Bakit sa tuwing susubukan kong maging matatag, may parte sa akin na gustong maniwala sa kanya? Hindi, hindi ako pwedeng maging marupok. Dahan-daha

