[RAFAELA'S POV]
It's my very first day in taping. Nakaramdam ako ng excitement at the same time kaba dahil first time kong umarte. Plus the fact na makakasama ko si Lance dahil halos lahat ng ni-memorize kong script ay scene namin ni Lance. May kissing scene pa nga. Dapat last month pa 'tong taping na 'to pero ang dami kasing nangyari kaya na-delay. Tapos nag-extend pa ang taping ng isa pang buwan dito sa DCU dahil do'n sa mga pangyayari.
"Be ready Rafaela." sabi sa 'kin ni Director Tim.
Habang inaayusan ako ng makeup stylist ay kinausap naman niya ako.
"Grabe Miss Rafaela, ang galing niyo pong mag-rap, kumanta at sumayaw. Ang astig ng performance niyo po. Paano niyo po 'yon natutunan?" - Makeup Stylist
"Bata pa lang ako ay hilig ko na ang pagkanta at pagsayaw."
"Napakatalented niyo po talaga Miss Rafaela. Hindi ko akalaing magaling din kayo sa pag-arte." - Makeup Stylist
"Actually, kinakabahan talaga ako dahil first time kong umarte."
"Naku Miss Rafaela, yakang-yaka mo 'yang role na 'yan. I'm sure na kapag malaman ng mga tao na may role ka sa bagong movie nina Sir Lance at Sir Jameson ay box office na agad ito sa first day of release pa lang." - Makeup Stylist
"Hehehe! Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Magiging box office ang movie nila dahil maganda itong panoorin at hindi dahil sa 'kin."
"Ang humble niyo po pala Miss Rafaela. Kaya nga idol na idol ko po kayo." - Makeup Stylist
"Thanks. Pero nagsasabi lang naman ako ng totoo."
Pagkatapos akong ayusan ng Makeup Stylist ay pinatayo niya ako.
"Ang ganda niyo po Miss Rafaela." puri nito sa 'kin.
"Halika na Rafaela. Sisimulan na natin ang first scene mo." - Director Tim
Pumwesto na ako sa set kung saan kukunan ang pag-arte ko.
"Scene 1, Take 1. Lights, Camera, Action!" - Director Tim
Nagsimula na akong maglakad habang kinukunan ako ng cameraman.
"Ibigay mo na sa 'min lahat ng mga gamit mo lalo na ang cellphone at wallet mo." sabi ng isang extra na gumaganap na isa sa mga kidnapper.
Nakita kong may tatlong extrang lalaki as kidnapper na pinapaligiran ang isang weird looking guy na lalaki which is double yata ni Lance. May suot siyang weird na wig na kulay brown, nerd eye glasses, at pati na rin braces. Para siyang nerd version ni Lance.
"Paalisin niyo na po ako parang awa niyo na." - Double ni Lance
"Ano ka ba bata. Hindi naman halata sa itsura mo pero alam naming bigatin ka. Nag-aaral ka nga sa Dela Cruz University." - Kidnapper 3
"Ibibigay ko po sa inyo ang mga gamit ko basta huwag niyo lang po ako patayin." - Double ni Lance
Kaboses din niya si Lance.
"Madali naman kaming kausap bata. Basta ibigay mo lang sa amin ang pera at cellphone mo." - Kidnapper 1
"I-ito na po." - Double ni Lance
At umeksena na ako. To the rescue ang eksena ko rito.
"Nakita rin kita sa wakas bata ka! Akala mo siguro makakapagtago ka sa 'kin ha!" galit kong pag-arte.
"At sino ka naman Miss? Wag kang makialam dito." - Kidnapper 2
"May pakialam ako dahil kilala ko 'yang lalaking 'yan. May utang lang naman siya sa 'king malaking halaga." arte ko.
"What are you saying Miss?" - Double ni Lance
"Makisabay ka na lang sa 'kin kung gusto mo pang mabuhay." bulong ko sa double ni Lance na kunwari ay hindi niya naintindihan.
Arteng napatampal ako sa noo.
"O hindi ka naman kilala ng lalaking 'to Miss. Umalis ka na lang kung ayaw mong madamay." - Kidnapper 2
Ngumiti ako sa mga kidnappers. Yung pinaka-sweet na ngiti. "Ah hehehe! Alis na ako." Kinuha ko ang kamay ng double ni Lance at hinigpitan ko 'yung hawak ko sa wrist niya. "Aalis ako, kasama siya."
Tapos bigla akong tumakbo habang hatak-hatak ang double ni Lance. Ang mga kidnappers naman ay hinahabol kami. Ewan ko pero parang may kakaiba sa puso ko nang hawakan ko ang wrist ng double ni Lance.
"Cut! Wow, that was a fantastic performance Rafaela. Hindi ko akalaing marunong ka ring umacting." puri sa 'kin ni Director Tim.
"Thank you po." tugon ko sa kanya.
Inayusan muna ako ng Makeup Stylist para sa susunod na take.
"Tama nga po ako Miss Rafaela. Ang galing niyo pong umarte. Partida first time mo pa 'yan at wala ka pang workshop. In no time, may makakatapat na ang bruhang Elisa na 'yon." - Makeup Stylist
"Si Elisa?" naging interesado kong tanong nang marinig ko 'yon.
"Opo si Elisa, ang sama talaga ng ugali ng babaeng 'yon. Mapanglait siya at masyadong mababa ang tingin niya sa 'kin. Tinawag pa nga niya akong hampaslupa dati eh. Pero buti na lang at pinagtanggol ako dati ni Sir Jameson. Pero napagalitan naman ako ni Sir Lance at pinagtanggol niya ang babaeng 'yon. Halata ngang may gusto siya kay Elisa kasi the way kung mag-alala siya noon ay parang ang OA lang." - Makeup Stylist
May kumirot naman sa puso ko nang marinig ko ang kwento ng Makeup Stylist.
"I see." 'yon lang ang sinagot ko.
"Be ready for the next take Rafaela." ani Director Tim sa 'kin.
Tumango naman ako at pumwesto na ako sa susunod na set kung saan nagtatago na kami ng double ni Lance mula sa tatlong extrang kidnapper.
"Continuation of Scene 1, Take 4. Lights, Camera, Action!" - Director Tim
"Waaaaa! Ligtas na tayo!" sinubukan kong umarteng maging masaya pero hindi ko magawa dahil sa narinig ko kanina mula sa Makeup Stylist.
"Cut! More lively Rafaela." sabi sa 'kin ni Director Tim.
Naulit ang take na 'yon pero hindi ko pa rin makuha ang sinasabi ni Director Tim.
"Again Rafaela. More lively. Ayos ka lang ba? Parang kanina lang ay okay naman ang acting mo pero ngayon ay nawala na ang facial expression mo." - Director Tim
"Pasensiya na po." sagot ko.
"Ten minutes break muna." - Director Tim
Pagkatapos ay pupuntahan ko na sana ang gawi ng Makeup Stylist nang may humawak sa isang kamay ko.
*heart beats*
Pamilyar sa akin ang kamay na 'yon.
Nilingon ko naman agad ang humawak sa kamay ko.
Pero nanlumo ako nang makita kong ang double lang pala ni Lance ang humawak sa 'kin.
"M-may kailangan po ba kayo?" magalang kong tanong sa kanya.
"Can we talk Rafaela?" tanong niya habang nakatingin ito sa 'kin.
Kuhang-kuha niya talaga si Lance.
"S-sige. Anong pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya.
Pero nagulat na lang ako nang hilain niya ako.
"T-teka, saan mo ako dadalhin?"
"Somewhere private." - Double ni Lance
Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa isang dressing room. Teka, sa kanya ba 'to?
"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya.
Tinanggal muna niya ang suot niyang wig, salamin at braces.
And I was shock to see Lance face.
OMG!
Kamukha niya rin si Lance.
"Wow! Pareho kayo ng mukha ni Lance." manghang sabi ko at hinawakan ko pa ang magkabilang pisngi ng double ni Lance.
"Pfft! Hahahahaha!" - Double ni Lance
Napakunot naman ang noo ko nang bigla itong tumawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"It's me. Lance. Hahahahaha! Akala mo siguro ibang tao ako." aniya.
*shock*
Hanggang sa ngayon ko lang na-realize na siya talaga si Lance.
*heart beats*
Kaya pala may kakaiba sa puso ko kanina.
Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa 'kin. Hindi ko man lang namalayang nasa likod ko na pala siya.
"I'm sorry. I'm really sorry Rafaela." narinig kong sabi niya.
Hindi ko naman mapigilang malungkot at kumawala ako sa yakap niya. "Bakit ka naman nag-so-sorry sa 'kin Lance. Naiintindihan naman kita kung bakit hindi mo ako nilalapitan. Alam kong masaya ka na sa piling ni Elisa. 'Wag kang mag-alala dahil okay lang ako." I lied.
Hindi naman siya sumagot. Kahit masakit sa 'kin ay kailangan ko siyang pakawalan. Huli na para sa aking umasang mamahalin din niya ako.
"A-ano ba ang pag-uusapan natin?"
"W-wala. Gusto lang kitang makasama sa huling pagkakataon." sabi niya na ikinatigil ko naman. Ang masaya niyang mukha ay napalitan agad ng kalungkutan.
"A-anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Simula ngayon ay kalimutan mo nang nakilala mo ako." malungkot na sagot niya na ikinadurog naman ng puso ko.
Hindi ko matanggap ang sinabi niya.
Pagkatapos ay tinalikuran na niya ako.
Nang wala na siya sa paningin ko ay doon sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko.
Lance.