Chapter 45

1409 Words
[RAFAELA'S POV] Nagdaan ang ilang araw ay hindi na kami nagpapansinan ni Lance. Kung nagpapansinan man kami ay doon lang sa pag-arte namin sa harap ng mga camera. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako lalo na noong na-confirmed na kahapon na may relasyon silang dalawa ni Elisa. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko dahil do'n. Tapos may mga times na bumibisita sa set si Elisa at sweet na sweet talaga sila sa isa't isa na ikinaiingit ko. Despite na tumataba siya ay mahal pa rin siya ni Lance. Kung sabagay, si Lance naman ang dahilan kung bakit tumataba si Elisa dahil pinapakain niya ito. Ang weird nga ng kinakain ni Elisa eh. Pero kahit tumataba si Elisa ay maganda pa rin siya. Tatlong linggo rin akong nagtiis hanggang sa natapos na ang role ko. Namatay ang role ko sa movie nila dahil na-r**e ako ng isang guro. Nang matapos na ang role ko ay hindi ko na ulit siya nakita dahil nag-focus na lang ako sa pag-aaral at sa training ko bilang idol. Gusto ko nang makalimutan 'tong nararamdaman ko sa kanya. "Waaaaaaa! Huhuhu!" Nagulat naman ako nang makita kong umiiyak si Kisses. Inaya niya akong pumunta sa restobar ng kaibigan niya. "Bakit ka umiiyak Kisses? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. "Huhuhu! Paano ko ba 'to sasabihin sa 'yo?" - Kisses "May problema ba? Nag-away ba kayo ni Jameson?" "Hindi naman pero..." - Kisses "Pero..." "Waaaaaaaa!" - Kisses "Tell me, anong nangyari?" "B-buntis ako." aniya sabay tungo. *shock* Ganoon na lang ang paglaki ng mga mata ko nang marinig ko 'yon mula kay Kisses. "ANO! BUNTIS KA!" Pero bago pa ako maka-react ay may sumigaw na mga tao sa gilid namin. "D-dave, T-tim, Mitchell." - Kisses "Buntis ka Kisses? Sino ang ama? Si Jameson ba?" parang hindi makapaniwalang tanong ng lalaking blonde ang buhok. Mitchell ang pangalan niya dahil may nametag itong suot. Tumango lang si Kisses. "Kyaaaaaaa! Congrats sa inyong dalawa." masayang sabi ng isang beki. Dave ang pangalan nito. "Huhuhu! Hindi ako masaya. Paano kung ma-disappoint ko si Jameson kapag nalaman niyang buntis ako?" malungkot na tugon ni Kisses. "Ano ka ba Kisses, 'wag ka ngang negative. I'm sure matutuwa 'yon kapag nalaman niyang daddy na siya. Kyaaaaaaaaaa!" - Dave "Tama si Dave, Kisses. Baka nga magtatalon pa 'yon sa tuwa na parang nanalo sa lotto kapag nalaman niyang buntis ka." sabi naman ng gwapong lalaki na si Tim. Hindi po si Director Tim ang tinutukoy ko. "Pero paano kung magalit siya sa 'kin dahil ikakasira ng career niya ang pagbubuntis ko?" - Kisses "Hay naku Kisses. Sabihin mo na lang kaya sa kanya nang maaga para malaman mo ang reaksyon niya. At saka malalaman pa rin naman niyang buntis ka dahil hindi mo maitatago ang totoo lalo na ang tiyan mo." sabi ko sa kanya. "Agree. Lalaki ang tiyan mo kaya malalaman pa rin niya ang katotohanan." - Tim "Huhuhu! Pero hindi pa ako handa." - Kisses "Kung hindi ka pa talaga handa, okay lang na hindi mo muna sabihin sa kanya. Pero kailangan mo 'yan sabihin kay Jameson kung handa ka na." aniko kay Kisses. "S-sige, sasabihin ko sa kanya kapag handa na ako." - Kisses "By the way, congrats sa inyo ni Jameson. Ninang na ako ha?" "Ako rin girl." - Dave "We should celebrate guys. Libre ko na ang pagkain." - Tim "Woah! Party time." - Mitchell At naging masaya ang gabi namin lalo na si Kisses na magiging future Mommy na. Kahit papaano ay sandali kong nakalimutan si Lance. [KISSES' POV] Pagkauwi ko sa aking tinutuluyang unit ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Jameson. Seryoso ang itsura niya habang nakatingin sa 'kin. "A-anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong sa kanya. "Pack your things Kisses. Aalis ka na rito." sabi niya na mas ikinagulat ko naman. "A-aalis na ako rito. Bakit?" "Sa akin ka na titira simula ngayon." - Jameson Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. "A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "Just follow what I said babe." seryosong sagot niya at binigyan niya ako ng matalim na tingin. Sinunod ko naman siya dahil nakaramdam ako bigla ng takot. Bakit kaya niya ginagawa 'to? *** [RAFAELA'S POV] Nagdaan ulit ang mga araw ay natapos na ang taping ng bagong movie nina Jameson, Lance at Elisa dito sa DCU. Lilipat na sila ng location ng taping nila. Dahil do'n ay hindi ko na talaga nakita pa si Lance. "Malapit na pala ang birthday ko Rafaela. Ito ang invitation." ani Lucas at may ibinigay siya sa 'kin. Kinuha ko naman ito ang tiningnan ang binigay niya. *** Lucas & L.J.'s Double Birthday Party Celebrafion Location: Kim's Residence Date: xx/xx/20xx Time: 7:30 PM *** "Sana makapunta ka kahit nandiyan siya." sabi sa 'kin ni Lucas. Ang tinutukoy niya ay si L.J., ang lalaking ninakawan ako ng yakap at halik sa pisngi noong bata pa ako. "Oo naman. Pupunta ako sa birthday party niyo." sagot ko sa kanya. "Great! See you on Saturday." - Lucas Sa totoo lang ay naka-move on na ako sa ginawa sa 'kin dati ni L.J. kaya okay lang na makita ko ulit siya. Kumusta na kaya siya? Ano kaya ang itsura niya ngayon? [JAMESON'S POV] "Gusto ko ng hilaw na mangga Jameson. Gusto ko yung bagong pitas." utos na naman sa 'kin ng magiging asawa ko. Kahit napapagod na ako ay okay lang sa 'kin dahil mahal ko naman siya. "Anything for you babe." I said to her. "Pati na rin cake. Yung ampalaya flavor." - Kisses At doon na nanlaki ang mga mata ko. Teka, saan naman ako kukuha ng cake na ampalaya ang flavor? Ganito pala kapag buntis? Lingid sa kaalaman niya ay alam ko nang buntis siya. Halata naman eh at saka aksidente kong nakita ang pregnancy test na may two lines sa unit niya dati. Grabe ang saya ko no'n nang malaman kong buntis siya. Parang nanalo ako ng 10 billion dollars. Pero kailan kaya niya sasabihin sa aking buntis siya? Well, I can wait naman. Pumunta ako sa bahay ng kakambal kong si Jameshin at ng asawa niyang si Shancai para pumitas ng hilaw na mangga. Mayroon silang plantation business na pinatayo nila last year. "Congrats nga pala sa inyo ni Kisses, bro. More babies to come." may halong birong bati sa 'kin ni Jameshin. "Hahahaha! Gago! But I'll take that as an advice." Nang makakuha na ako ng hilaw na mangga ay pinuntahan ko naman ang kaibigan kong Chef na si Danielle sa kanyang restaurant para magpa-bake ng Ampalaya Cake. "Talaga! Waaaaaaa! Congrats sa inyo ni Kisses. 'Wag mong kalimutang kunin akong Ninang ha at ako na rin ang bahala sa pagkain kung ikasal na kayong dalawa soon." masayang sabi ni Danielle. "Sige." "Ito na ang ampalaya cake mo. Bibisita ako sa condo mo soon para kamustahin siya." - Danielle Nang makuha ko na ang ampalaya cake mula kay Danielle ay pumunta muna ako sa supermarket para bumili ng paborito niyang stick-o. Nakikita kong lagi niya itong kinakain. Pagkatapos kong bumili sa supermarket ay bumalik na ako sa condo ko. Baka naiinip na ang asawa ko sa kakahintay. Pagkarating ko sa parking lot ay bumaba na ako sa kotse dala ang mga pagkain. *kriiiiinnnnnnggggg!* May tumawag sa phone ko. Ang dami kong dala kaya hindi ko na nasagot pa ang tawag. Nang makarating ako sa condo ko ay napansin kong bukas ang pinto. "Babe, nandito na ako." tawag ko sa kanya nang makapasok na ako sa loob. Pero hindi siya sumagot. Nasaan na ba siya? *kriiiiinnnnnnggggg!* Tumunog muli ang phone ko. Nang mailagay ko ang mga dala kong pagkain sa mesa ay sinagot ko ang tawag. "Hello?" ("Hello Jameson.") Narinig ko ang boses ng dati kong manager. "Ikaw pala. Bakit napatawag ka?" tanong ko sa kanya. ("Nanganganib ang buhay niyo ngayon Jameson. Narinig kong balak kidnapin ni boss si Kisses ngayon.") Parang binomba ang puso ko nang marinig ko 'yon mula sa dating manager ko. H-hindi. Binaba ko agad ang phone ko at hinanap sa bawat sulok ng condo ko si Kisses pero hindi ko siya nakita. Nakaramdam ako bigla ng kaba at takot. Nasaan ka na babe? May nakita akong itim na sobre sa couch. Kinuha ko ito at binuksan. *** "Kung gusto mo pa siyang makitang buhay ay sundin mo ang lahat ng i-te-text ko sa 'yo." - B.M. *** Nanginig ako sa takot nang mabasa ko ang liham.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD