Chapter 19

1598 Words
[RAFAELA'S POV] "Gusto kitang gawing cast ng movie na 'to as Lance's love interest." A-anong sabi niya? As Lance's love interest? Anong ibig niyang sabihin? Di ko kasi ma-gets. "H-ha?" yun lang ang nasabi ko. "What I mean to say is as Lance's past love interest." aniya. Hindi ko pa rin ma-gets eh. "A-ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko kay Direk. "It means isasali kita sa cast ng movie not just an extra. Ikaw ang magiging ex-girlfriend ng character ni Lance." - Director Tim *shock* Nanlaki naman ang mga mata ko nang maintindihan ko na ang sinabi ni Direk. "A-ano po? Ex-girlfriend ni Lance?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes, yun ay kung gusto mo." sagot niya. Hindi ako makapagsalita. Parang hindi ako makapaniwala dahil sa alok niya. "Gawin mong boyfriend mo si Lance Jerold Kim." Bigla namang pumasok sa isip ko ang pinapagawa sa 'kin ni Jameson my loves. "Ayaw mo ba?" aniya. "Hindi naman sa gano'n. Pero bakit ako Direk?" tanong ko sa kanya. Marami naman diyang ibang magagaling pero ako ang pinili niya. "As what I have said. I'm interested on you. Pasado ang visual mo sa pag-aartista and I can feel na may talent ka rin sa pag-arte." sagot niya. Napatango lang ako. Mali siya ng feel. "I'll give you time to think. Let's meet later in the cafeteria at lunch time." sabi pa niya. Sa totoo lang ay nagdadalawang-isip ako sa offer niya. Maganda rin itong way para mapalapit pa ako lalo kay Lance, pero hindi ako magaling umacting for pete sake. At saka hindi ko preferred ang umacting dahil mas gusto kong mag-perform on stage. *tenenenenenenenen!* Tumunog bigla ang phone ko. May nag-text. *** From: Jameson my loves Sabay tayo later mag-lunch baby. Magkita tayong dalawa sa may parking area. *mwah* *** Hindi ko naman mapigilang kiligin nang mabasa ko ito. Enebe! Beket eng sweet niye? Ne-mess segere nye eke. Pero paano yan? Pupuntuhan ko rin sa cafeteria mamayang lunch si Director Tim. Di bale na nga, saglit ko lang naman kakausapin si Direk. Sa ngayon, kailangan ko munang mag-isip para sa magiging desisyon ko mamaya. [JAMESON'S POV] Kanina pa ako badtrip dahil sa nangyari kanina. Kainis! Bakit nagbago ang Director ng movie namin? Nag-back out kasi bigla si Direk Lodi dahil may health problem niya. Ang mas nakakabadtrip pa. Yung lalaking pa talagang yun. Si Tim Ramirez. Kailan pa siya naging Director? Siya ang lalaking pinagseselosan ko dati. *flashback* "f**k!" sambit ko sabay bato sa pader ang cellphone ko. Damn it! Gusto kong suntukin ang lalaking kasama ni Kisses sa magazine. Bakit ang daring ng post nila d'on? And she's almost n***d there. Bakit siya pumayag na magpa-photoshoot na halos nakahubad na siya? Nakita ko sa trending list ng twitter ang #NewKissesAlonte. Na-curious naman ako sa nakita ko kaya tinignan ko ang mga tweets na may #NewKissesAlonte. Halos mag-init ang ulo ko sa galit sa mga tweets na nakikita at nababasa ko lalo na ang mga daring post nina Kisses at ang isang lalaking model. Kinain na ako ng selos ko. Sino ba yang lalaking kasama ni Kisses ko sa magazine? Dahil sa nakita ko ay napagdesisyunan kong lumabas muna para magpahangin. I wear my cap and shades para walang makakilala sa 'kin. Nang nasa labas na ako ay akala ko magiging okay na ako pero hindi pa rin ako mapakali. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang litratong yun. May mga tao ngang nakatingin sa 'kin. Baka iniisip nilang baliw ako. Kinuha ko ang phone ko para i-trace ang location niya ngayon. I need to see her. Baka ito lang ang way para mawala 'tong nararamdaman kong inis ngayon. Kinuha ko ang kotse ko sa parking area and I started the engine para sundan ang location niya ngayon na nasa phone ko. *drive* *drive* *drive* *preno* Napatigil ako sa pagmamaneho dito sa park. Nandito ang location niya ngayon. Lumabas ako ng kotse para hanapin siya. *hanap* *hanap* *hanap* *tigil* Ayun siya. Nasa tapat siya ng isang food cart na nagbebenta ng fishball, kikiam, kwek kwek at iba pang tinutusok na pagkain. Pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya ang lalaking yun. Ang saya-saya pa nila habang kumakain ng fishball. Kailan pa sila naging close? Mas lalo akong nainis at kinain ng selos ko. Hindi ako makakapayag na mapunta siya sa iba. She's mine only. Only mine. Agad akong bumalik sa kotse ko. Bumili muna ako ng isang stem ng rosas para sa kanya. Aabangan ko siya sa bahay nila pag-uwi niya. Nang makarating ako sa bahay nila ay sinalubong ako ng Daddy niya. "Good evening po Tito." magalang kong bati sa kanya. "Ikaw pala Jameson. Pasok ka sa loob." sabi sa 'kin ng Daddy ni Kisses. Pumasok naman ako sa loob at pumunta kami sa living room ng bahay nila. "Hintayin mo na lang dito si Kisses. Pauwi na rin yun mula sa lakad niya." - Daddy ni Kisses "Sige po." tipid kong tugon. Ilang minuto ang nakalipas nang makauwi na si Kisses. "J-jameson? A-anong ginagawa mo rito?" nauutal pa niyang tanong nang makita niya ako. She looked surprise to see me. Pero hindi ko siya sinagot at nilapitan ko siya. "Para sa'yo." sabay bigay ko sa kanya ang isang stem ng red rose na binili ko kanina. Alanganin naman niya itong tinanggap. Nagtataka siya siguro kung bakit nandito ako ngayon after what I've done to her. "Why are you here?" tanong niya ulit sa 'kin. "Let's date." sagot ko sa kanya na ikinanganga pa niya. Sinampal pa nga niya ang sarili niya dahil sa sinabi ko. Lihim naman akong napatawa dahil do'n. Bahala na. Ayoko munang isipin ang taong nagpapadala sa 'kin ng itim na liham para pagbantaan akong layuan siya. Hindi pwedeng mapunta sa iba ang babaeng mahal ko. *end of flashback* Naalala ko na naman ang panahong nagselos ako sa lalaking yun dahil sa pagiging close niya kay Kisses. Dahil sa nakita ko that time ay nabali ko ang pangako ko sa nagbabanta sa 'kin na layuan ko na siya. Nalaman niya ang ginawa kong pagbalik kay Kisses kaya pinagbantaan na naman niya ako. Mas lalo kong nasaktan si Kisses dahil do'n. Napatingin naman ako sa lalaking yun at nakita kong may kausap siya. Ang girlfriend ko. Hindi si Kisses kundi si Rafaela. Bakit niya kausap ang girlfriend ko? Magkakilala ba silang dalawa? At bakit ganito ang nararamdaman ko? Pareho noong unang ko silang nakitang magkasama dati ni Kisses sa park. Imposible. Ginagamit ko lang naman si Rafaela kaya bakit kailangan kong maramdaman 'to? Inis lang 'to at hindi selos. Tama, tama. [RAFAELA'S POV] - LUNCH BREAK - Pagkarating ko sa cafeteria ay hinanap ko agad si Director Tim. Mukhang wala pa yata siya rito. "Rafaela!" May biglang tumawag sa pangalan ko. At nakita ko si Kisses na kumakaway sa 'kin. "Kisses!" ang nasabi ko at agad ko siyang nilapitan. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya nang malapitan ko na siya. "Pinatawag kasi ako ng leader niyo sa Music Club. Tutal nandito ka rin lang naman ay sabay ka na sa 'kin." aniya. "Ha... A-ano kasi Kisses. H-hindi ko..." May tumabing na isang anino. Napalingon si Kisses sa likod niya. Naputol ang pagsasalita ko dahil dumating na pala si Director Tim. "T-tim? Is that you?" ang nasabi ni Kisses nang makita niya si Direk. "Kisses?" ang nasabi naman ni Director Tim nang makita niya si Kisses. *confused* Teka, magkakilala silang dalawa? "Ikaw nga Tim! Long time no see." masaya pang sabi ni Kisses. "Magkakilala pala kayong dalawa ni Rafaela?" tanong ni Direk kay Kisses. "Yup friend ko siya. Kilala mo rin pala siya." sagot ni Kisses. "Yes, nakilala ko pa lang siya kanina." tugon naman ni Direk. "Bakit ka nga pala nandito sa DCU?" - Kisses to Director Tim "Ako ang bagong direktor ng movie na kukunan dito. Nag-back out kasi ang dating direktor dahil sa health problem." - Director Tim to Kisses "Talaga? Pati pagiging direktor ay ginawa mo na ring raket?" - Kisses to Director Tim "Yup. This is for our wife's future." - Director Tim to Kisses "Pero ang yaman niyo niya para gawin mo 'tong trabahong 'to. Naging temporary Professor ka na, naging part-time model ka na rin, tapos ngayon ay pagdidirektor naman. How to be you ba?" - Kisses to Director Tim "Hahahaha! Just be yourself Kisses. Hindi ko na kasalanan kung pinagpala ako. At saka ayoko ring umasa sa Dad ko. Hindi pa naman akin yung ari-arian niya eh." - Director Tim to Kisses "Ang yabang mo pa rin hanggang ngayon. Pero magiging iyo rin naman yan in the future." - Kisses to Director Tim "Hangga't hindi pa yun akin ay maghahanap muna ako ng pwede kong pagkakitaan." - Director Tim to Kisses "At hanep din ang pinapasukan mong mga raket. Parang kang Barbie na boy version. Maraming careers. Hindi na ako magtataka pa kung gawin mo ring raket ang pagiging piloto." - Kisses to Director Tim At nagtawanan lang sila habang nag-uusap. Feeling ko nga ay nakalimutan na nila ako. Hello! Nandito po ako. *tenenenenenenen!* May nag-text sa phone ko. *** From: Jameson my loves Where are you now baby? Nandito na ako ngayon sa may parking area. *** Ay oo nga pala. I almost forgot. Sabay pala kaming mag-lu-lunch ngayon ni Jameson. Nag-uusap pa rin sina Kisses at Director Tim na parang may sariling mundo sila. Bahala sila diyan. Mukhang na-miss yata nila ang isa't isa. Agad ko namang pinuntahan si Jameson sa parking area ng DCU. Pero pagkarating ko sa parking area ay iba ang nadatnan ko roon. Si Lance. At nakatingin siya ngayon sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD