[JAMESON'S POV]
Tanaw ko mula sa loob ng kotse ko si Lance na hinihintay ako. Ako ang nagpapunta sa kanya rito. Kunwari ay hihiramin ko ang script ko mula sa kanya.
Pero ang totoo ay plano magkita silang dalawa ni Rafaela.
Tinawagan ko rin si Rafaela na sasabayan ko siya sa lunch...
...which is a lie.
Kapag magkita na silang dalawa ay doon ko na gagawin ang next step ko. Kaya ko ginagawa 'to sa kanila para magkatuluyan na silang dalawa. Not because I ship them like a loveteam. Ito'y para mabawasan na ang problema ko na ikinagagalit talaga ng agency ko especially my manager.
Kapag magkatuluyan na sila, mas makakahinga na ako nang maluwag dahil hindi na maaagaw ni Lance sa 'kin sina Kisses at Elisa. Babagsak din ang popularity niya because he's dating an ordinary girl. At saka kapag makipaghiwalay na ako kay Rafaela, imbes na masaktan siya ay baka magpasalamat pa siya sa 'kin dahil sa ginawa ko.
Ako na ang gumawa ng move para sa kanila dahil masyadong weak 'tong si Lance. Masyadong torpe. Ako rin ang nagpakalat ng issue na nag-de-date silang dalawa. And the result was good, maraming negative comments akong nababasa tungkol sa kanila. Tapos idagdag pa ang nag-viral na tweet ni Elisa na may relasyon daw sila ni Lance. Nagmukha nang two-timer ang mukhang paa-ng yun sa mga netizens. But it is still not enough para malamangan ko siya. Kahit labag sa kalooban ko but I need to be more evil.
Nakita kong dumating na si Rafaela dito sa parking area. As expected, nagkita na sila si Lance. Gagawin ko na ang next move ko.
I texted both of them na hindi ako makakarating dahil may emergency.
I just hope that my plan will work.
[RAFAELA'S POV]
Hindi ko inasahang makikita ko rito si Lance.
Nagtama pa ang mga mata namin. Halata ngang nagulat siya nang makita niya ako.
"H-hi." awkward kong bati sa kanya.
Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa 'min sa clinic. Seryoso ba talaga siya sa sinabi niyang magpapanggap kaming couple sa harap ng mga tao?
*tenenenenenenenenen!*
*tenenenenenenenenen!*
Sabay namang tumunog ang phone namin ni Lance. Pareho pa kami ng ringtone.
Galing kay Jameson.
***
From: Jameson my loves
Hindi kita masasabayan sa lunch time baby. May emergency kasi. Kumain ka na lang mag-isa.
***
Hindi ko naman mapigilang malungkot dahil do'n.
*iyak*
Busy nga siya. Ang hirap pa lang magkaroon ng artistang boyfriend.
Nagulat na lamang ako nang may humawak sa kamay ko at hinila ako.
Si Lance ang humila sa 'kin.
"T-teka lang..." pagpupumiglas ko pero hindi niya ako pinansin. Ang seryoso nga ng mukha niya eh.
Nakarating kami sa isang pulang kotse at binuksan niya ang pinto nito.
"Sakay." sabi niya sa 'kin.
Napakunot naman ang noo ko. "H-ha?"
"Sakay sabi." naiinis niyang sabi kaya sinunod ko siya. Nakakatakot ang itsura niya ngayon.
Sumakay na rin siya sa driver's seat and he started the engine.
"Damn that guy." narinig kong bulong niya.
Napano kaya 'to?
[KISSES' POV]
"Hahahahahahahahaha!" tawa naming dalawa ni Tim nang ikuwento niya sa 'kin ang tungkol sa embarassing moment niya with his wife.
"Grabe ka Tim! Sinunod mo talaga siya. Hindi ko maimagine na magagawa mo yun." ang nasabi ko sa kanya. Pareho sila ng isang ko pang kilalang Tim. Yung kaibigan nina Dave at Mitchell.
"Anong magagawa ko? Takot ako sa asawa ko. Kapag hindi ko ginawa yun ay hindi niya ako patatabihin sa pagtulog." sabi sa 'kin ni Tim.
"Hahahaha! Under ka pala sa kanya. Buti na lang talaga at hindi ka niya vinideohan. Kapag nangyari yun, baka inupload niya yan sa social media at mag-viral ka na. Hahahaha!" natatawa kong sabi.
"Hahahaha! Kumain na nga tayo. Nagugutom na ako." aniya.
Nilingon ko muna si Rafaela sa kanyang kinauupuan.
Pero paglingon ko ay wala na siya do'n.
"Teka, nasaan na siya?" tanong ko bigla.
"Who?" tanong ni Tim.
"Si Rafaela. Nakaupo lang siya sa tapat natin kanina." sagot ko.
"Baka nasa CR." - Tim
"Siguro." pagsang-ayon ko na lang.
"Tara na at pumila na tayo sa counter." sabi sa 'kin ni Tim kaya tumayo na kami para umorder ng food.
[LANCE'S POV]
Damn that guy!
He just wasted my thirty minutes waiting in here.
I thought that he will come here para hiramin sa 'kin ang script. But he texted me na may emergency daw. Hindi ko tuloy mapigilang ma-badtrip.
But when Rafaela came. Nawala bigla ang inis ko.
"S-saan mo ako dadalhin?" nagtatakang tanong niya sa 'kin nang hinila ko siya at isinakay sa kotse ko.
"Lunch." yun lang ang isinagot ko. Dadalhin ko siya sa condo ko para ipagluto siya ng specialty ko. At saka kailangan din naming pag-usapan ang tungkol sa kumalat na issue tungkol sa 'ming dalawa.
Pero higit sa lahat...
Gusto ko siyang makasama.
[RAFAELA'S POV]
Lunch?
Saang banda naman ang Lunch na yan?
Tumigil ang kotse niya sa loob ng isang building sa may parking area.
Sa isang condominiun.
Lumabas si Lance sa kanyang kotse at pinagbuksan niya ako. Ako naman ay lumabas ng kotse.
"Follow me." sabi niya at nagmadali siyang lumakad kaya napatakbo ako habang sinusundan siya. Ang lalaki ng hakbang niya.
*lakad* - siya
*takbo* - ako
Sumakay kami ng elevator.
*elevator up*
*ting*
Nang makalabas na kami ng elevator ay naglakad ulit kami.
*lakad*
*lakad*
*lakad*
Hanggang sa napatigil kami sa tapat ng isang pintuan. May pinindot pa siya roon. Passcode yata. Pero teka, bakit kami nandito? Ito ba ang sinasabi niyang Lunch place?
*door opens*
Pagkabukas ng pinto ay pumasok siya sa loob. Sumunod naman ako.
Pagkapasok namin ay hindi ko mapigilang mapamangha nang makita ko na ang loob nito.
Mas malaki pa 'to kaysa sa condo ni Jameson.
"Welcome to my place Rafaela." sabi sa 'kin ni Lance. Ah condo niya pala 'to.
Kung ang kay Jameson ay puro blue. Kay Lance naman ay puro purple. My favorite color.
"A-ano nga pala ang ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya.
"Mag-lu-lunch." sagot niya.
Ah yun pala ang ibig niyang sabihin kanina. Akala ko place yung Lunch.
Pero bakit naman kaya niya ako inaya rito?
Tatanungin ko sana siya pero nawala na siya. Nasaan na siya?
Hinanap ko siya sa buong condo niya hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang pintuan na nakabukas ng konti. Hindi ko alam kung ano ang nasa loob kaya binuksan ko ito.
*open*
Pero pagkabukas ko...
*shock*
*closed*
Naisara ko bigla ang pinto. Ang lakas nga ng pagkakasara ko eh.
Paano ba naman kasi.
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
Nakita ko si Lance...
Nakita ko siyang...
Hubad.
Tanging boxer shorts lang ang suot niya.
Punyeta! Kwarto niya pala yun. Huhuhu!
*door opens*
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Ay h***d!"
Napasigaw ako bigla nang marinig ko ang boses niya.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakasilip sa 'kin dito.
"So nakita mo pala akong hubad." nakangising sabi niya.
Waaaaaa! Sa lahat ba naman ng salita ay yun pa talaga ang sinabi ko.
"Hindi ah." pagtanggi ko sa sinabi niya.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilain papasok sa loob ng kwarto niya.
*shock*
*heart beats*
At isinandal niya ako sa pader.
Magkadikit ang katawan naming dalawa. Kahit na may suot na siyang puting sando ay ramdam ko pa rin ang init ng balat niya sa katawan ko.
*lunok*
Hindi ko mapigilang mapalunok nang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.
*lapit*
3 inches
*lapit*
2 inches
*lapit*
1 inch
*heart beats*
Ramdam na ramdam ko ang hininga niya.
Hanggang sa...
Binitawan na niya ako.
Hindi niya tinuloy pero pakiramdam ko ay nakarating na sa langit ang kaluluwa ko.
"Saka na kita hahalikan kapag naging tayo na." nakangiti pa niyang sabi at saka lumabas na siya ng kwarto.
Ako naman ay napahawak sa dibdib ko.
*heart beats*
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
At anong sinabi niya?
Saka na niya ako hahalikan kapag maging kami na?
*heart beats*
Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil do'n.