[LANCE'S POV] Hindi ko mapigilang mag-alala nang magpaalam siyang mag-re-restroom muna siya. Pero yung boses niya kanina ay wala man lang emosyon. Ang cold. "Kilala mo ang babaeng 'to, Lance? At totoo ba ang sinasabi niyang naghalikan na kayong dalawa?" hindi makapaniwalang tanong sa 'kin ni Lucas. "Hindi." ang naging sagot ko. Totoo namang hindi ko kilala ang babaeng 'to. Hindi ko nga alam ang pangalan niya. Wala akong interesadong kilalanin siya. At hindi kami naghalikan. Dahil hinalikan niya ako bigla at hindi ko ginusto 'yon. "Ang bilis mo namang makalimot, iho. Parang kailan lang ay tinulungan mo ako at naghalikan tayo." sabi sa 'kin ng babae na halatang disappointed. "Eh sa totoo naman 'pong' hindi kita kilala, ale. Ni hindi ko nga 'po' alam ang pangalan niyo 'po'." sarcastic n

