[RAFAELA'S POV] "Are you okay Rafaela?" Bumalik naman ako sa huwisyo nang marinig ko ang boses ni Jameson. Napatingin ako sa gawi ng dalawang taong naghahalikan sa dancefloor at nakita kong hindi pala si Lance 'yon. "A-ayos lang ako." sagot ko kay Jameson sabay tungga sa hawak kong shake. Ano ba 'tong naiimagine ko. Imposibleng nandito si Lance dahil kasama niya ngayon si Lucas. Basta nagpaalam siya sa akin kanina dahil may nangyari raw hindi maganda kay Lucas. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala. Pero hindi ko siya mapuntahan dahil busy ako sa last taping ng movie namin ni Jameson. Mga bandang alas-onse na ng gabi kami natapos at umuwi. Hinatid ako ni Jameson dahil ayaw niyang mag-isa ako. Pagkarating ko sa condo unit ay napakunot ang noo ko nang makita ko si Kuya Rafael na naka-up

