Ilang linggo ang lumipas simula ng matapos ang intrams ay malapit na ang araw na hinihintay ng mga studyante . Ito ay ang bakasyon . Isang linggo halos na mawawalan ng pasok ang mga studyante nv Thalia Western Campus dahil sa araw ng mga Patay at dineklara na long weekend ito . Susunod naman ay mab didisyembre kaya't malapit na ang araw nang bakasyon.
Huling araw bago ang Long weekends ...
" Pre anong balak mo ng long weekends ? " - tanong ni xyrus
" Gusto ko sanang mag bakasyon sa probinsya namin nila Mama !".
" Pwede ba akong sumama pre ayoko na dito nakakasawa .". - Sabi ni xyrus
" Sa Nueva ecija yun pre malayo layo kaya walang atrasan yon !". - Sabi ni neon
" Isasama ko si Danica ! ".
" Sige pre Ikaw bahala sasabihin ko Kay mama . Mag paalam na rin kayo sa mga parents nyo ! Kase bukas na balak kong umalis ".
" Ano yun pre commute Tayo ? ". - tanong ni xyrus
" Oo pre alam mo naman wala akong sasakyan ". - Sabi ni neon
" e kung gamitin naten yung kotse ko !".
" Ikaw pre basta bigyan nalang kita pambiling gas". - Sabi ni neon
" Hinde na pre ako na bahala don basta isama mo lang ako para makapagbasyon rin kami ni Danica sabihin mo nalang kay tita I chat mo ako para makapag handa agad ako !". - Sabi ni xyrus
Pauwi na si neon sa kanilang bahay at nakaisip sya na dapat ay pasalubungan nya ang kanyang Ina at mga kamag anak nya doon . Kaya't namili sya ng mga pagkain at mga damit at laruan para sa mga pamangkin nya . Nang makauwi na si neon sa kanilang bahay ay tinawagan na nya ang kanyang Ina .
Video call ...
" Mama ! Bakasyon na namin ". - bungad ni neon
" Ahh ganon ba anak sige at padalhan Kita ng pamasahe mo para bukas !". - Sabi nito at Nakita ni neon na nasa bukid ito
" Anong ginagawa mo Jan sa sakahan ma ?"
" Wala tinetesting ko lang kung paano ulit mag tanim ng ganito ."
" Ahh okay ma ! Sya nga pala ma wag mo na akong padalhan ng pera dahil sasama daw si xyrus mag bakasyon kasama yung kasintahan nya !".
" E bakit hinde ako mag papadala ng pera e may kasama ka pala ! Bakit nagpaalam ba sila sa magulang nila ?". - Sabi ng Ina ni neon dahil nag aalala ito na baka hinde nag paalam lalo't mga teenager ito.
" Magpapaalam daw sila ma !"
" Ay nako siguraduhin lang nila baka mamaya ako awayin ng mga magulang nila ! ".
" Hinde ma mag papaalam yong mga yun! Pate dadalin nya daw yung kotse nya para yun nalang daw ang gamitin namin papunta Jan !"
" Ahh kaya pala ayaw mo nang padalhan kita ! Makakalibre kapala ng pamasahe ! ". - Sabi ng Ina sa kabilang linya
" Hahahha kaya nga ma e San naman ipark yon diyan ? "
" Abat malaki ang parkingan dito sapat na ba yang isang ectarya para sa kotse nya hahaha !". - biro ng Ina ni neon
" Hahaha kulang pa yan ma ! Sige na ma chat nalang kita kapag nakapag paalam na sila at pinayagan den sila ! Magingat ka jan labyuuu!". - Sabi ni neon
End of video call...
Naghanda na si neon para sa mga susuotin nya bukas para sa pag ali's nila . Nilagay nya na din ang mga pasalubong sa isang maleta .At sa isang maleta naman ay ang kanyang mga damit . Habang naglilipit ay nakita nya ang damit na merong halimuyak ni mimosa . Iniisip nya na Isang linggo nya din itong hinde makikita . At malulungkot sya lalo sa isang buwan dahil bakasyon na at hinde nya masusulyapan ang tinatangi. Nag chat naman si xyrus sa kanya para sabihin na pumayag na ang parents nito pati si Danica .Kaya't chinat din ito ni neon na maghanda na ng mga dadalhin para bukas ay Wala ng makakalimutan pa .
Kinabukasan ...
Maaga silang nagayos ng mga dadalhin sa kanilang bakasyon . Dala dala din nila ang bola ng basketball para kung sa akaling may court doon ay makapag laro sila .
" Hahahhaa pre isang taon ba kayong magbabakasyon bakit tag 3 maleta ang dala nyo mag kakasya ba yan sa likod ng kotse mo? ". - tawa ni neon dahil napakandaming damit ang dala nila xyrus at Danica
" Si Danica puro libro ang dala !". - Sabi ni xyrus
" Libro?". - tanong ni neon
" Pocket book kase yon ! Hinde pwedeng hinde ako makapag basa ng libro !". - Sabi nito
" Ikaw nga puro undies ang dala hinde ko alam kung anong balak mo ! Siguro ipamimigay mo sa mga babae do n! - pang aasar ni Danica sa kasintahan
" Hoy tamang hinala ka ! Ayokong maglaba no kaya nag dala ako ng maraming pampalet !". - Sabi naman ni xyrus
" Hahaha nakakatawa kayong dalawa! May laundry shop naman don ! Pate nanjan naman si Danica para mag laba ng mga damit mo !". - pang aasar ni neon
" No way ! Hinde ko lalabhan yan! Ano sinama nya ako para may taga laba sya ng damit nya ! No way !" - pag rereklamo ni Danica
" Hahaha diba Ikaw ang mapapangasawa ni xyrus pero bakit ayaw mo maglaba ng damit nya ?
" Oo nga babe Ikaw ang mapapangasawa ko kaya't natural na Ikaw ang maglalaba ng mga damit ko ". - Sabi ni xyrus kay Danica
" Hinde mo pa ako asawa ! Mayaman ka kaya kumuha ka ng taga pag laba ng damit mo !". - Sabi ni Danica sabay pumasok na sa kotsse at pumasok na din si xyrus sya ang driver nila hanggang sa probinyas .
Pinasok naden ni neon ang lahat ng natitirang dadalin at sinarado na nya ang kanilang bahay . At nag simula na silang bumyahe papunta sa neuva ecija.
" Salamat at makakapag bakasyon den! ". - Sabi ni xyrus habang nag mamaneho
" Ang totoo pre pag aararuhin ko kayo don ! Tuturuan ko kayo mag tanim." - Sabi ni neon
" Siraulo ka ! Hinde ko gagawin yon!". - Sabi ni xyrus
" Manahimik nga kayo at hinde ko maintindihan ang binabasa ko !'. - saway ni Danica dahil nag babasa ito ng paborito nyang story para hinde ma bored sa byahe.
" Pre mamaya kapag Wala na tayo sa city buksan nalang naten para ma feel naten yung hangin at makita naten ang mga tanawin ". - Sabi ni neon
" Good idea ! Makakapag relax ako habang nag babasa !". - Sabi Naman ni Danica
" Ang gagaling nyo ah ! Kayo pwedeng matulog lang sa byahe at magrelax ako nahihirapan sa pag drive !". - pag rereklamo ni xyrus
" Hahaha ginusto mo yan pre e !". - asar ni neon
" Pero hinde mo makikita naman si Mimosa hahaha ". - pang ganti ni xyrus
" Manahimik ka muna pre ! Mag drive kalang Jan at matutulog ako hahaha !".
Makalipas ang ilang oras ng byahe ay narating na rin nila ang probinsya nila neon sa neuva ecija.
" Mama ! ". - tawag ni neon sa kanyang Ina na hinde alam na nakarating na pala ang anak nyang si neon at kaibigan nito . ":Ma ! Kasama ko den si xyrus at eto naman yung girlfriend nyang si Danica ".
" Magandang tanghali po! ". - Sabi ni xyrus at Danica
" Tara mag si pasok na kayo naghanda na ako ng tanghalian naten ! Alam gutom na rin kayo !". - Sabi ng Ina ni neon .
Pinasok muna nila ang kanilang mga maleta sa silid bago umupo sa hapag kainan . Maraming ulam anvmg niluto ng kanyang Ina may chapsuy , pinagbet, inihaw na bangus , at menudo .
" Wow ma na miss ko ang luto mo !". - Sabi ni neon
" Talaga lang ha ! Ngayon kumain ka ng maraming marami! Kayo den kumain ng kumain!". - Sabi ni Claudia sa anak at sa kaibigan nito
" Thank you po Tita !". - Sabi ni Danica
" Kayo ba ay nagpaalam kayo sa mga magulang nyo?!". - tanong ni Claudia sa kaibigan ng anak
" Opo tita ! Kilala naman po nila si neon ! Pinagpaalam ko din po ang girlfriend ko po sa mama nya! " - Sabi ni xyrus
" Mabuti kung ganon... E bakit hinde mo kasama ang girlfriend mo nak ?". - tanong ni Claudia Kay neon
" e mahina po si neon ! Wala pa pong girlfriend hahaha !". - pang aasar ni xyrus agad naman itong sinipa ni neon sa ilalim ng lamesa
" Di rin mag tatagal at makikilala ko na din sya dahil gwapo ang anak ko !". - pang aasar din ni Claudia sa anak
" Ma ! ". - saway ni neon
" Sya nga pala ! Tabi kayo ni neon sa kwarto xyrus ! At tatabi sa akin ang girlfriend mo ! Bawal kayong magtabe !". - napasimangot si xyrus dahil akala nya masosolo nya si Danica . Pinipigilan naman ni Danica at neon ang kanilang tawa
" Sige po tita ! " - sagot naman ni xyrus kahit labag ito sa kanyang loob dahil wala syang magagawa sa mama ni neon
Dinala na nila ang gamit ni Danica sa kwarto nya kasama ang mama ni neon . Maliit lang ang bahay na kanilang tutirhan pasamantala pero malinis at nakatyles din ito kaya kahit maliit ay mukang mayaman ang bahay .
" Neon sabihin mo kay tita magtabi nalang kami ni Danica dito sa kwarto tapos doon ka sa tabi ng mama mo !". - bulong ni xyrus kay neon dahil baka marinig ito sa kabilang kwarto
" Hinde yon papayag si mama hahahah akala mo siguro masosolo mo si Danica !". - Sabi ni neon
" Sabihin mo kasal na kame ".
"Ayoko ako ang papagalitan non! Pumuslit nalang kayo sa kotse kung gusto nyo mag s*x hahaha !". - suggestion nito sa kaibigan biglang napaisip si xyrus na tama ito na possible sila sa kotse ni Danica dahil may privacy tempered ang kanyang kotse
" Galing mo talaga pre ! ".
" Wag lang kayo mag papahuli kay mama hahaha !"