Nag hahanda na sila neon at xyrus para sa gagamitin nilang lagayan para sa pangunguha ng mga itlog ng pugo at Manok sa farm na pagmamayari nila neon. Hinde akalain ni neon na malaki talaga ang lupa na binenta ng kanyang Ina . At hinde pa ang lahat ng lupa nila ang binenta nito kaya matagal din ang hihintayin ng kanyang Ina para mabenta ang lupa na ibebenta.
" Akala ko ay magpapahinga lang ang gagawin natin buong isang linggo?". - tanong ni xyrus dahil ngayon lang sya magpupulot ng mga itlog .
" Wala akong sinabi na magpapahinga kalang dito pre ! Kusa kang sumama sakin diba ?". - Sabi ni xyrus alam nya na hinde naman ito balak ipagawa sa kanila ng kanyang Ina ngunit dahil na miss nya ito nung bata sya ay kaya sinabihan nya ang Ina na silang dalawa ni xyrus ang gagawa nito .
" Umuwi nalang kaya kami ni Danica pre ? Hinde pa kami mag katabing matulog tas pag pupulutin pa tayo ng itlog!". - reklamo no xyrus
"Ahh ganon ! Mama Sabi ni xyrus !!". - sigaw ni neon para matakot si xyrus dahil alam nya na takot ito sa mama nya
" Pre hinde naman kita mabiro , syempre joke lang yon masarap kayang kumuha ng itlog ng pugo ".
" Hahahah ahh talaga pre !"
Pag kadating nila ng farm ay nag tatakip ng ilong si xyrus dahil sa naamoy nyang mabaho galing sa mga dumi ng mga Manok at pugo . Kapag tinatanggal nya ang takip sa ilong ay nasusuka ito . Kaya't tawa naman ng tawa ang kaibigan nyang si neon.
" Pre ano kunin mo na yang itlog !". - utos ni neon Kay xyrus
" Gago ka pre Ikaw kumuha !".
" Susumbong kita kay mama pre sasabihin ko na ang arte arte mo sabihin ko nababahuan ka at nasusuka ka !". - pananakot ni neon kaya't kinuha na ni xyrus ang mga itlog na pinapakuha ng kanyang Ina
Bumalik na sila sa bahay at laking tuwa naman ni xyrus dahil hinde na mabaho ang maamoy nito .Samantalang si Danica ay tinuturuan mag luto ng Ina ni neon para daw pag nakapag asawa na ito ay marunong na ito . Mamaya daw ay isasama nya ito sa batis malapit sa bukid . Hinayaan din neon at xyrus si Danica para matuto ito at talagang malaking tulong naman ito sa dalaga kapag nagkataon na sya ay mag asawa na . Habang may ginagawa si Danica ay naisipan nila neon at xyrus na mag gala gala muna at para makaiwas sa utos ng kanyang Ina.
" Saan tayo pupunta pre ?". - tanong ni xyrus dito dahil kanina pa sila nag lalakad sa gitna ng bukid .
" Basta pre makikita mo ".
Mga ilang minuto pa ay narating na nila ang mga puno ng mangga kung saan doon ay balak ni neon manguha . Pero sa likod ng mga puno ay may malawak na damuhan kung saan parang isang paraisa kaya tinatawag nila itong Paraisong Nilimot dahil iilan lang ang pumupunta dito. Maginhawa din ang hangin dahil sa napakalawak na paraisa ay napapaligiran ng mga puno. May Ilan ding mga bulak lak na gustong gusto laging pinupuntahan ni neon tuwing silay nag babakasyon . Walang nagtatangkang galawin ang Paraiso dahil sa pag mamayari din ito nila neon . Kasama Sana ito sa ibebenta at gustong bilhin ng buyer ng lupa . Ngunit alam ni neon na ayaw ito ibenta ng ina dahil marami ding alala ala ang naiwan nito sa kanyang Ina. Sa gitna ay may kubong gawa sa kawayan na pinagawa ng Ina kung sakaling gustuhin dito sila mag pahinga . Kung tutuusin ay mayaman na sila neon kung lahat ng kanilang lupa ay ibenta ng kanyang Ina . Pero nitong ibenta ang lahat ng pag mamayari dahil para may maiwan daw kay neon pag dating ng araw na mag asawa ito.
" Wala namang mga bunga !". - Sabi ni xyrus dahil Wala pa naman talagang bunga ito ang iba ay maliliit pa dahil hinde pa pick season .
" Hinde naman tayo dyan pupunta !".
" E saan !?". - naglakad lang sila sandali pag katapos ay lumuwa ang mata ni xyrus sa Nakita nya . Nakita nya Ang Isang napakalawak na Paraiso . Literal na ngayon lang sya nakakita ng ganitong kaganda na nakikita nya lang sa mga libro o sa mga paintings. Manghang mangha sya dito dagdag pa sa ganda nito ang mga ibang nag liliparan .
" Oh ano pre ? Anong masasabe mo?". - tanong ni neon dahil kitang kita nya na manghang mangha si xyrus sa munting Paraiso
" Ngayon lang ako ng ganitong kaganda pre ? Para akong nanaginip!". - simapal sampal para malaman kung sya ay nanaginip . Pero hinde sya nanaginip , kahit para sa mga taga rito ay Isa itong hidden treasure na hinde pwedeng sirain. Ang mga local sa lungsod ay pwedeng pumunta rito noon ngunit ng nakakakita na ng basura ang mga magulang ni neon ay hinde na nila pinayagan na may pumasok dito ng walang permiso. Napapanatili den ang ganda nito dahil nag babayad sila ng maglilines at magpapaganda ng Lugar na to . Naiiyak si neon ng makita ang Lugar na ito ngayon dahil naalala nya nung buo pa silang pamilya . Dito lagi ang pasyalan nila pero dahil sa kanyang ama kaya't nasira ang masayang imahe na nasa kanyang isipan.
Tumungo sila xyrus at neon sa gitna ng Paraiso at dahilan para lalong mamangha ang kaibigan ni neon. Walang ganitong Lugar sa syudad kaya Manghang mangha si xyrus.
" Pre bakit walang mga turista dito sa gantong kagandang Lugar?". - biglang tanong ni xyrus
" Huh ? dati meron pre kaso nung nakita ni mama na maraming basura e pinagbabawalan nya na ang sino mang pumasok dito ng walang paalam sa kanya ". - paliwanag ni neon
" e talagang ang ibang tao ay iresponsable ! Teka ? ano ulit yung sinabi mo sa inyo to?". - napagtanto ni xyrus
" Oo pre bakit?"
" Wow ah ! Kung tutuusin mayaman pala kayo malawak ang lupain nyo?". - Sabi ni xyrus
" hinde naman pre yung lupain namin lahat galing kay lolot Lola kaya pinamana lahat sa kanya dahil sya lang naman ang nagiisang anak ! Pero si mama ayaw nya sanang ibenta yung kabilang lupain doon !". - Sabi ni neon hanggang sa nakarating sila sa may kubo ng gitna ng Paraiso
" Siguro na iisip ng mama mo na kakahinayang din ibenta yung ganitong kagandang Paraiso ? Dahil iilan nalang talaga ang merong ganito . Yung iba tinatayuan na den ng buildings ". - tama den naman ang sinabi ni xyrus.
" Kahit ako pre hinde ko ibebenta ito ! Mas magiging maganda ito kapag dinala ko dito si Mimosa !". - nagulat si neon sa nasabi nya dahil bigla nyang naalala si Mimosa
"Ikaw ah pre namiss mo agad ? Hahaha Patay na Patay kana sa kanya !". - pang aasar ni xyrus at kamot ulo naman si neon dahil na hihiya sya dito
" Hahaha hinde naman pre , aanhin ko ang Paraiso kung wala naman akong dyosa ". - pag bibiro din ni xyrus
" Ask ko lang pre ? Anong nagustuhan mo kay Mimosa ?". - tanong na seryoso ni xyrus habang nakatingin sila sa malayo
Aminado na si neon na nagugutustuhan na nya si mimosa simula nyang nakitang umiiyak ito sa gitna ng ulan . Ayaw nyang nakikita itong umiiyak o nasasaktan kaya don nya napag tanto na gusto na nya ang dalaga . Gusto nya itong pasayahin at pawiin ang lungkot na tinatago nito.
" Maganda si Mimosa pre kaya HUMAHANGA ako sa pag labas nyang kaanyuan . Una talagang nagagandahan lamang ako sa kanya pero kapag na nakakasama ko sya unti unti kong nakikita yung magandang ugali nya. Pinaka hinahangaan ko sa kanya ay yung pagiging matapang sya !". - Sabi ni neon kay xyrus at napatingin sa kanya ang kaibigan doon nya na pag tanto na lumalalim na nga ang pag tingin ni neon sa dalaga.
" Ah nakakasama mo na pala sya ...". - mahinang sabi ni xyrus ngunit narinig pa din ni neon . " Magiingat ka sa kanya neon !". - dagdag pa ni xyrus dahilan para lalong mag taka si neon
" Huh? Bakit pre? ".
" Oo maganda sya pero hinde mo parin sya lubos na kilala pre . Payong kaibigan lang pre hinay hinay ka parin sa nararamdaman mo .". - Sabi ni xyrus
" Oo pre alam ko naman yun ! Iilang beses palang naman kame nag kikita ni Mimosa. ". - Sabi ni neon
" Hahaha naka score kana ba ? ". - birong tanong ni xyrus pero alam nito kung anong nasalikod na sikreto ni Mimosa.
" Anong klaseng tanong yan pre syempre hinde hahaha!".
Tumayo si xyrus at nilibot ang buong kubo may makita syang mga unan at kumot sa may kwarto nito.
" Pre bakit may unan at kumot dito?".
" Ahh si mama ! Kapag nandito minsan dito matutulog ng tanghali !". - Sabi ni neon ngunit nakaisip ng idea si xyrus para ma solo nya si Danica
" Pre ba kaming matulog ni Danica dito ? Hahaha ". - pabirong Sabi nito pero gustong gusto na ni xyrus masolo ang kasintahan .
" Hay nako pre alam ko naman yang naiisip mo hahaha! Hinde papayag yun si mama kahit anong ipaliwanag mo!". -sabi ni neon
" E kung tumakas kame mamayang Gabe ? Wala bang napunta dito ng Gabi ?". - Sabi ni xyrus
" Wala sabi sayo pinagbabawalan ni mama na may pumasok sa lupain na to ! Pate ang mga tao dito may kanya kanyang lupain ".
May naiisip na naman si xyrus...