YOU ARE MY SUNSHINE
written by JellyPM
Chapter 12
ABALA si Sunny sa pagpili ng runway stage design, video clips na gagamitin sa commercial, make-ups ng mga model na ipi-present sa Friday at kung ano-ano pang mga kakailanganin sa project niya habang si Nico naman ang siyang taga-approve ng mga pinili at inayos niya.
Nasa terrace ang dalawa na may tig-iisang laptop, napagkasunduan ng binata na bukas na lang sila uuwi dahil gabi na. Pumayag naman ang dalaga.
"Baby, you wanna eat?" nangingiting tanong ni Nico. Hindi lang alam ng dalaga kung gaano siya kasaya ngayong nakakasama na niya ulit ito. Iyong silang dalawa lang na hindi sila nag-aangilan.
"Baby-hin mo mukha mo, Nico, duh!" pagmamaldita ulit ng dalaga sa kaniya. Tumawa uli siya.
"Okay, Sunny, you want to eat?" ulit niyang tanong dito. Natatawa pa rin siya 'pagkat pikon na pikon ang kaibigan niya sa kaniya, paano ay inaasar niya itong napanaginipan niya ito na niyayakap siya kaya ang dalaga ay todo tanggi habang namumula. Hindi nito alam na gising naman siya noon, isang oras nga yatang nakayakap sa kaniya ang dalaga bago nito naisipang tumayo at lumabas ng kwarto pagkaalis niya ay naggising-gisingan na siya tapos ayun, inasar na niya ito hanggang sa magsungit ang Sunny niya sa kaniya.
"Ano bang pagkain?" sabi nito habang nakatingin sa laptop, ayaw siyang tingnan ng dalaga.
"Ako."
Mabilis siyang nilingon ng dalaga. Morena si Sunny, makinis na morena pero ang pamumula ng pisngi nito ay hindi nakaligtas sa kulay ng balat nito. She is blushing while looking at him. Dahil natutuwa siya na inaasar si Sunny, kinindatan niya ito at bahagyang kinagat ang pang-ibabang labi na animo'y inaakit ang dalaga. Tumindi tuloy ang pamumula nito hanggang sa tumawa na siya nang malakas.
Tumayo si Sunny at pinanghahampas ang kawawang binata. Hindi nakakatawa ang jokes nito para sa dalaga. Hindi nakakatawa kundi nakaka-tempt, lalo na at ang sexy-sexy ng binata ng sinabi niya iyon.
"Loko-loko ka, ah!" hinampas niya pa rin ito nang hinampas hanggang sa mahuli ng binata ang mga kamay niya.
"Niyakap mo akong totoo, no? Ayaw mo lang aminin, e? Amin-amin din, baby, baka naman!" pang-aasar niya rito habang yakap-yakap niya ang dalaga sa likod.
"Baka naman ang feeling mo, mister!"
"Uy, nakayakap lang may tawagan na kami ng baby ko, dahil mister na tawag mo sa akin, ibig sabihin ba niyan, misis na kita?"
"Bitawan mo nga ako, na-abno ka nanaman, Nico!"
"Uy, kinikilig ang Sunny ko."
"Naiihi lang ako. Duh!"
Umalingawngaw ang malakas na pagtawa ng binata sa apartment na iyon. Kaya nang maluwangan nito ang pagkahawak sa kaniya ay bahagya niya itong siniko. Nabitawan na tuloy siya ng binata.
"Pero gutom na talaga ako," sambit ni Sunny.
"And the offer is still available, baby. P'wedeng-pwede pa rin ako."
Tiningnan ni Sunny nang masama ang binata pero ang binata ay inakbayan lang siya at iginiya sa loob.
"Magbihis ka, kumain na lang tayo sa labas. Walang stock dito, e."
"Jollibee!"
"Alam ko, Sunny, you like Jollibee so much, just tell me if you want it, I'll buy the Jollibee for you."
"OA!"
"Seryoso ako, I can buy it for you."
"Pagkain lang ang gusto ko, ano ka ba. At bakit pa ako magpapalit, p'wede na ito."
"You are showing so much skin, baby. Ayoko."
"Makukuha ba nila kahit tinitingnan lang?"
"Kapag tumingin sila, mapapaaway ako! Ito naman kasi, magbihis ka na o ako ang magbibihis sa 'yo?"
"Oo na, wala pala akong damit dito."
"Meron doon sa closet ko,"
"Bakit nandoon? Bakit meron?"
"Para handa na kapag ibinahay na kita."
Napairap si Sunny sa tinuran ng binata. Ang hyper-hyper kasi nito ngayong araw. Pinipigilan niya lang ang sarili niyang huwag matulala sa kilig pero kaibuturan ng puso niya kilig na kilig na talaga siya. Nico showing his other side to her. Talagang malambing na ito sa kaniya ngayon which is hindi naman siya ganoon noon, kumbaga nag-alala ito sa kaniya pero hindi ganoon kalambing. Did something bad happen to him? Cringe.
Kumuha ang dalaga ng leggings na itim at isang oversized na puting damit, inipitan niya pataas ang kaniyang buhok at pagkatapos ay lumabas na.
"You look good in my T-shirt, baby," puna sa kaniya ng binata. Namilog ang mga mata ni Sunny.
"Sa iyo 'to? Teka magpapalit ako."
"Hindi na. Bagay naman sa iyo iyan parang ako, bagay sa iyo," wika nito sabay tingin sa kaniya ng pagilid.
"Baliw!"
"Baliw sa iyo."
"Hay, magtigil ka na, amo! Tara na!"
--
It's Friday, it's the catwalk day!
Abala ang lahat sa kaniya-kaniyang toka, maraming dumalo sa catwalk na iyon, naroon ang mga bigating artista na bago pa man naging sikat sa industriya ay kilala na talagang heredera.
Naroon din ang mga pulitiko kasama ang kani-kanilang mga may-bahay.
At mga hindi kilala sa telebisyon pero nagsusumigaw ng kayamanan ang kanilang buhay.
Ordinary people would not afford or not interested in attending runway, this runway intended for Ashton Best of best collection.
Speaking of Ashton, nakita niya ito kanina. Nanlalalim ang mata, hindi pa siya nito nakikita pero siya ay nakita niya ito. Nangayayat ang binata at nawala ang natural na masayang awra.
Hindi pa niya ito nakakausap, hindi pa siya nakakahingi ng tawad at nasasabing ayos lang ang lahat, na kahit niloko siya nito ay ayos lang dahil wala naman itong nararamdaman dito. Hindi sya nagloko. Pareho silang niloko ang bawat sarili nila.
"In 30 minutes, the runway will about to begin!" pumailanlang ang boses ng host sa buong event na iyon.
Tumayo siya sa gitna ng lahat at nag-anunsiyo.
"Okay, standby, you guys! We're gonna run it," sabi niya sa mga models at sa mga handler ng mga ito pagkatapos ay lumabas na siya sa backstage. Pumunta siya sa main event upang i-check ang lahat. She checked the sound system and the stage itself, the stage and the background lights of the event are combination of royal blue and gray, it is so dim but still visible.
Pumasok ulit siya sa backstage at nakita niya roon si Nico, he looks so problematic and naninigaw na ito ng mga tao kaya nilapitan niya ito.
"Amo, bakit?"
"Sunny!" gulat nitong wika.
"What's the problem?"
"Hmmm. Kasi—"
"Ma'am, iyong main model natin, nawawala!"
"Ano!?"
They only had 15 minutes left and there is no one to ramp. Wait-
"Where is Ashton?" nag-aalala niyang tanong.
"Wala rin po, Ma'am, e."
"Oh, no! We can't postpone this show." nag-aalala niyang wika. Nasapo niya ang noo niya sa stress.
"You can't stress yourself, baby," bulong sa kaniya ni Nico.
"How could I not be stressed when our highlight is gone? Ashton is our highlight, Nics!"
Napabuntong-hininga ang binata.
"Wala na tayong magagawa, Sunny. Let's just ramp—I mean, the two of us."
"Me?"
Bigla siyang nawindang sa suhestiyon ni Nico sa kaniya. She was once hailed as the title holder of their university when it comes to beauty pageant but that was years ago! Hindi na siya rumarampa, catwalk and pageants are two different thing.
"Hindi natin afford masira ang event, Sunny," pagpapaliwanag nito sa kaniya mayamaya lang ay nagmumura na ito, "That damn half-half! Magsasampa ako ng kaso."
"10 minutes and we will about to begin!" anunsiyo ng host.
Hindi na siya nagdalawang isip pa, sumama na siya sa make-up artist at ganoon na rin si Nico.
They can't afford to fail this event—not this one, not her first ever project!
Itutuloy....