Chapter 11

1348 Words
YOU ARE MY SUNSHINE written by JellyPM Chapter 11 NAGISING si Sunny sa katamtamang pagtama sa kaniya ng sikat ng araw kasabay ng pag-ihip nang malamig na hangin. "~cause I know in my heart babe, our love will never die I know~" Awtomatikong napalingon ang dalaga sa pinanggalingan ng awiting iyon, it's Nico who is singing while slowly strumming a guitar. Hindi maingay ang gitara ganoon din ang pagkanta ng binata. Nasa bintana ito't nakaupo habang nakatingin sa malayo. She misses Nico so much. Gusto niya itong batiin at yakapin pero hindi na ganoon kadali ang lahat. Hindi sila p'wedeng mag-astang magkaibigan ganoong ginawa na nila ang mga gawaing dapat ay sa magkasintahan lang. "~you will always been a part of me, I'm a part of you indifinetely..." Nangiti ang dalaga. His voice is so baritone yet so husky, damang-dama ng binata ang pagkanta nito kaya hindi na rin nito napansin na gising na siya. "~girl, don't you know you can't escape me... Ohhhh, darling, coz you're always be my baby..." huminto ito sa pagkanta at lumingon sa kaniya, dahil sa gulat ay dali-dali niyang inayos ang higa niya at pumikit. Nagpapanggap siyang hindi pa gising. "I know that you're awake, Sunny." Lalo niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. "Kahit pagtulog mo, kabisado ko itsura mo." Pinikit niya lang ang mata niya, hindi siya kumikibo. Hindi niya alam papaano haharapin ang binata. "Hindi ka gigising o hahalikan kita?" Kahit nakapikit ay todo pa rin ang pagkunot ng noo niya tapos ay binuksan ang isang mata habang ang isa ay nakapikit. Mahinang tumawa ang binata. "That's the Sunny I know, cute-cute mo." "Hmp," inirapan niya ito. "Bakit ako nandito, saan ito?" pagsusuplada niyang tanong "You're in my apartment, Sunny. Gutom ka?" "At bakit ako nandito?" nanlaki ang mata ng dalaga nang maalala niya ang huling nangyari. "Hala, I passed out!" "Yeah, muntik ko nang sisihin ang sarili ko kapag may nangyari sa iyong masama nang araw na iyon. The doctor said, you're fine, stress ka raw." "At bakit dito mo ako dinala?" "Pagagalitan ako ni Nanay Cars if she saw her one and only precious daughter na napapagod dahil sa akin. Kaya hindi na kita inuwi sa bahay." "You're being so impossible. Kailan ka ba pinagalitan ni Mama. Duh!" pagmamaldita ulit ng dalaga. Nagkibit-balikat lamang ito pagkatapos ay bumaba na doon sa railings ng bintana. Hinawakan nito ang taas ng noo niya, kinakapa yata nito kung may sakit pa siya. "You were lying here for 3 days, buti bumaba ang lagnat mo ngayon. I am happy." Mula sa nightstand ay kinuha ng binata ang pagkain. "I don't know how to cook pero sana magustuhan mo iyan." Arrozcaldo lamang ang niluto ng binata sa kaniya pero ang puso niya ay nag-uumapaw sa tuwa. Napakamaalaga nito. Hindi siya pinabayaan, hayan nanaman, iyong puso niya kay Nico lang talaga tumibok nang ganito. Kung sana ay p'wede lang magsalita ng literal ang puso, kung pwede lang nito magsalita na mahal niya ito. Pero hindi, e. She is afraid of rejection. Baka hindi lang pagkakaibigan ang mawala sa kanila kapag nagsalita siya. Pati nga ang nangyari sa kanila ayaw niyang pag-usapan baka kapag nag-usap sila at nag-away, baka wala na talagang pansinan hanggang mawalan na ang komunikasyon nila sa isa't isa. Kailangan na rin niyang tapusin ang project at mag-resign na. Para makakuha siya ng lugar para sa magulang niya. Para hindi na sila magtrabaho sa bahay ng amo niya. She is a graduate of a business course, dapat sumusuporta na lang siya sa magulang para hindi na nagtatrabaho ang mga ito. Pero heto siya umabot ng siyam na taong tambay. Bakit ba kasi naging loyal siya? Bakit ba kasi hindi siya natutong tumingin sa iba at sa amo lang niya, iyan tuloy lumalim na nang lumalim ang pagtingin niya, ang hirap na sa kaniya na magpahayag ng pagmamahal dahil ayaw niyang isipin ng iba, kahit ang mga magulang ng binata na sinamantala niya ang mga ito. Tumayo si Nico at nagtungo sa gilid niya, naka-pajama lang ito at puting V-neck na damit. Nanunuot din sa ilong niya ang panlalaking shampoo nito, mabango pa sa kaniya ang lalaki kaya ganoon na lang ang gulat niya nang bigla itong sumampa sa kama na kinauupuan niya! Padapa itong humiga habang ang isang kamay ay nakapalupot sa baywang niya. "Nico!" "Psshh. I am just sleepy..." mahina nitong sagot sa nag-aalburoto niyang sistema. "I haven't sleep for three days straight." Biglang nahabag ang dalaga sa itsura ng kababata niya, nakapikit na kasi ito, halatang lantang-lanta. "Hmp! Ano kasi ginagawa mo bakit hindi ka natutulog!?" pagmamaldita niya rito, gusto niyang takpan ang nararamdamang kakaiba sa binata. "Binantayan kita, Sunny. I can't forgive myself if things happen to you." Hayan na! Lahat nanaman ng neurons at veins niya, kinikilig sa binata. Namumula na siya at iyon ang sigurado niya. "Sunny..." "Hmmm?" "Don't go. Just stay here with me hanggang paggising ko, ha." Tumahimik siya. She just can't help herself but to fall deeply inlove with her bestfriend. "Sunny...." "Okay, hindi ako aalis. Matulog ka na at ako naman ang babantay sa iyo." "Promise?" "Promise, amo." Mahina pa itong tumawa hanggang sa unti-unting naramdaman na niya ang pagluwag ng yakap nito sa baywang niya. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon ang dalaga na pagmasdan ang binata. Kay payapa nitong tingnan, kay gwapo-gwapo talaga nito. Kung kasintahan lang talaga niya ang binata, pupunuin niya talaga ng halik ang binata. Mahal niya talaga ito, anupaman ang kahihinatnan ng pinagsamahan nila, mahal niya talaga ito. Nilagay ng dalaga ang tray at mangkok na pinagkainan niya sa mesang katabi niya pagkatapos ay nahiga sa tabi ng binata. Pinagmamasdan niya ang bawat kurba at pagkakaliyok ng Diyos sa binata, masusi sigurong ginawa ang binata ng Diyos na nasa langit dahil napakagandang lalaki nito. Itinaas niya ang mga kamay niya, gamit ang hintuturong daliri ay pinalandas ng dalaga ang daliri niya sa ilong ng binata. Hindi ito nagigising. Talagang mahimbing ang tulog nito. Mayamaya ay nakaramdam na rin ng antok ang dalaga. Sa buong maghapon ay natutulog lamang ang dalawa habang wala sa mga malay nila na magkayakap na ang dalawa. -- Hindi makapaniwala si Nico na nakayakap si Sunny sa kaniya nang magising siya. Tinapunan niya ng tingin ang bintana at gabi na. Ang dalaga ay nakasiksik pa sa mga braso niya. He can't move, at ayaw niya rin naman. Tinitigan niya ito, napakaganda talaga ng dalaga kapag tulog ito, minsan nga kahit napakasungit na nito sa kaniya ay mas lalo pa rin niya itong minamahal. Hindi niya alam kung bakit sa dinami-rami ng mga babae sa mundo, sa kababata niya pa siya nahulog. "Hmmmm," Mukhang nagigising na ang dalaga kaya si Nico naman ang natataranta. Sasaktan kaya siya ng dalaga? Magkakagalit nanaman ba sila? Mag-aaway? Lagi kasi itong galit sa kaniya. She is not just a Sunny that shines but her anger tolerance shines as well. Lagi itong nakaamok sa kaniya, lagi na lang siya nitong inaaway. Sa taranta ay nagpanggap na tulog ang binata. Sinara niya ang mata niya at ibinaling ang mukha sa gilid. Maygod! What if Sunny gets hysterical when she found out na she is hugging me? What should I do? Taliwas sa iniisip ng binata ang nangyari, Sunny hug him real tight at mas lalo pa nito siniksik ang sarili sa kaniya. Ipit-ipit tuloy niya ang hininga niya. He was so shocked! Sunny is not mad at their position! Ibig sabihin ba nito ay hindi naman talaga ito galit sa kaniya? Damn! She was really a tease! At ang dalaga ay walang kaalam-alam sa epekto nito sa kaniya! 'Nako, Sunny, di ko alam na mapanamantala ka' bulong ni Nico sa sarili lang niya. Gusto niya ang ginagawa ng dalaga kahit konti na lang ay gusto niya na rin itong sunggaban ng halik. Damn, baby, I really really love you. Itutuloy.. A/N: O, ano? Ashton pa rin ba ang ship niyo kay Sunny? Hahahaha. Hanggang chap 20 pa ito, marami pang mangyayari!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD