Chapter 10

1169 Words
YOU ARE MY SUNSHINE written by JellyPM Chapter 10 NAGISING si Sunny ng umagang iyon na masama ang pakiramdam, gayunpaman ay maaga pa rin siyang pumasok. Naligo siya at nagbihis. Naglagay nang kaunting make-up pagkatapos ay lumabas na ng kwarto niya. Paglabas niya ng kwarto, nagulantang ang dalaga nang mabungaran niya roon ang kababatang nakaabang sa kaniya sa labas ng pinto. Nakatayo ito habang nakapamulsa. Seryosong-seryoso ang tingin nito sa kaniya habang siya ay naghuhurumentado ang buong sistema. Ang aga-aga namang kumprontasyon ito! "I think, baby, we need to talk." Pinilit niyang ngumiti sa binata kahit siya mismo sa sarili niya ay hirap na hirap gawin iyon. "Amo! Magandang umaga!" masigla niyang bati rito. Nagulat ang binata sa reaksyon niya. "Su-sunny? I think there's something we need to discuss," nalilito nitong wika sa kaniya. "About work? Nako, hindi ko pa po tapos iyong ibang report but I can finish it this morning." Bumuntonghinga ito. "Stop being so clueless, Sunny. I know what happened kahit lasing ako. I know who I made love last night," buong sinsero nitong pahayag sa kaniya. "Let's forget about that." "What?!" "I said kalimutan na natin iyon." "Are you out of your mind?! Paano ko kalilimutan iyon? You're the one I made love to!" "Hindi mo ako responsibilidad, Nico, hindi mo obligasyon na panagutan ang nangyari sa atin dahil lang sa may nangyari, at huwag kang sumigaw. Malalaman nila Mama," bagaman mahina ang boses ay naroon ang kaseryosohan sa tono ng salita ng dalaga. "You're not that kind of girl, Sunny. I know it matters to you." "Napag-isipan ko na rin naman. Okay lang, highschool nga napagdadaanan ito, sino pa akong may edad na para mag-inarte. Lilipas din ito." "This is not what I expected before I went to sleep last night, Sunny," mariin nitong wika. Nilingon niya ang binata. "Alam mong may nangyayari sa atin pero bakit di ka tumigil? Alam mong ako iyon, Nico. Alam mong ako iyon." "Coz I thought, baby, you like it to—" Hindi na natapos ng binata ang sinasabi nito nang malakas siyang sinampal ng dalaga. "You have no idea how much it hurts me. I am not a plaything, you jerk!" naluluhang sumbat ng dalaga. Napaawang ang labi ng binata. Wala itong maapuhap na eksplanasyong sasabihin sa dalaga. Hindi niya kasi makuha ang punto nito. Nico loves Sunny, he is sure about that and when that night happened, akala niya mahal din siya ng dalaga. Akala niya ay nagkakaintindihan na sila. Kaya talagang 'di niya makuha ang punto nito. Alam niya rin namang siya ang una sa dalaga pero bakit galit ito sa kaniya? Ano ang ikinakagalit niya? Bakit ayaw na ayaw nito ang nangyari? "Teka, the reason why you hate me this much is because you regret it, huh, Sunny? Pinagsisihan mong may nangyari sa atin?" Tumahimik si Sunny. "Dahil ba sa nanliligaw sa iyo? Dahil kay Ashton? Dahil sa kanong iyon, nawala na ang dating ikaw," pagpapatuloy nito. "Sunny..." nagmamakaawang banggit nito sa pangalan niya. Napahikbi si Sunny. Ang dami-dami na niyang problema. Ngayon pang pinaalala sa kaniya ng binata si Ashton. Napakawalang kwenta niyang tao para kalimutan ang isang lalaking nagmamahal sa kaniya. Wala na siyang mukhang maihaharap kay Ashton, pagkatapos niyang bigyan ito ng chance? Pagkatapos niyang paasahin ito, pagkatapos niyang ideklara na susubukan niya itong mahalin. Sa una pa lang sana'y hindi na pumayag ang dalaga, she needs to do something about Ashton. Sa lalong madaling panahon, kailangan na niyang sabihin dito na tumigil na ito dahil hindi na siya buo. Una pa lang ay di na siya buo. Ngayon pa kaya? Kung sakali mang hindi masuklian ang pag-ibig niya sa kaniyang amo ay ayos lang, kung sakaling walang darating para mahalin niya, ayos lang. Basta ang alam niya, minsan sa buhay niya may minahal siya. "Iyang pananahimik mo ay nangangahulugang oo? Minamahal mo na nga ang modelong iyon," sabi nito nang may hinanakit. Tiningnan siya nito nang taimtim, nagtatagis ang bagang, nagmura bago tuluyang umalis. "Bakit, Nico? Bakit ka nasasaktan ng ganiyan? Just tell me if you like me, kahit hindi mo ko mahal, kahit pagkakagusto lang ay tatakbo ako palapit sa iyo. Just don't use this 'making love' as an obligation to you. Nasasaktan ako," mahinang usal ng dalaga sa papalayong binata. Wala nang pakialam si Sunny kung kumalat ang mga make-ups niya. Wala siyang pakialam kung basang-basa na ang mukha niya ng luha. Nang oras na iyon ay alam niyang masakit na masakit, mahina siyang umiiyak. Mahina ngunit kay sakit sa dibdib! Ganito ba ang umibig? -- Namumugto ang mga mata ni Sunny pero pinilit niyang pumasok, kailangan niyang pumasok para tapusin ang project na binigay sa kaniya ni Nico. "Reena, nakita mo ba si Ashton?" "Kasama yata niya kanina si Ma'am Rachelle sa computer room." Ngumiti siya rito at nagpasalamat. Gusto niyang kausapin ang binata. Gusto niyang aminin dito na kahit kailan, kahit anong gawin nito, sigurado siya na puso niya ay si Nico lang ang laman. Naglalakad ang dalaga sa hallway patungong computer room, close sila ni Ashton kaya nang makita niyang bahagyang nakabukas ang computer room ay walang kaabog-abog niyang binuksan ito.. "Ash—" hindi na natapos ni Sunny ang pagtawag dito nang masaksihan niya ang posisyon ni Ashton at Rachelle. Sunny was sure that they were kissing! They were both responding to each other's kisses. Hindi nasasaktan ang puso niya. Nagulat lang siya kaya natulos siya sa kinalalagyan niya. Hindi siya makagalaw kahit ang totoo'y gusto niya nang lumipad palayo para hindi na makaabala sa mga ito. Ashton deserves someone who is not inlove with someone else. Ashton deserves to be loved so truly, whole and pure. Hindi ang kagaya niya ang makakabigay no'n. "Sunny!" Naitulak nito ang dalagang hinahalikan, namumutla ito habang namimilog ang mata at nang akmang dadaluhan siya nito nang biglang may humablot sa kaniya. "Walang may karapatang humawak kay Sunny mula sa araw na ito. Lalo na sa iyo, not with your filthy hands!" mariing agap ni Nico sa papalapit na si Ashton. Gustong matawa ni Sunny sa kalagayan nila ngayon. Here she is, niloloko ang feelings ni Ashton but Ashton did the same thing to her. Ang mas nakakatawa pinagtatanggol siya ng taong mahal niya dahil pakiramdam nito inagarabyado siya, ang hindi nito naiintindihan ay tabla lang sila ng modelo. Pareho silang nagloko. Wala pa siyang matinong pahinga. Pagod siya kagabi, hindi siya nakatulog ng tama tapos stress pa ang sasalubong sa kaniya sa trabaho. Gusto na niya magpahinga. Nang maisip ang salitang pahinga ay parang nag-switch off ang katawan niya. Nakaramdam siya ng hilo. Gusto na niyang matulog. Mayamaya ay ang naiintindihan na lang niya ay ang pagsigaw ni Nico sa pangalan niya. Nagkakagulo ang mga ito pero siya ay masakit na talaga ang ulo. Kaya bago niya tuluyan naisara ang sistema niya ay naramdaman niyang dinaluhan pa siya ni Rachelle. Hawak-hawak siya nito sa balikat pero 'di nakatakas sa pandinig niya ang pagsabi nitong 'attention seeker' siya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD