Chapter 9

1203 Words
YOU ARE MY SUNSHINE written by JellyPM Chapter 9 SUMAKAY na lang ng taxi si Sunny at Nico pauwi ng bahay. Habang nasa sasakyan ay todo ang pagpapahayag ng binata ng nararamdaman nitong sama ng loob sa dalaga sa loob ng ilang linggo. "You no longer like to be with me, Sunny. Mas gusto mong kasama iyong kano na iyon kaysa sa akin. Ako na kasama mong lumaki!" sabi nito. Hindi siya kumikibo. Hinahayaan niya lang ito dahil lasing ito at nakakahiya sa driver ng taxi na kanina pa tingin nang tingin sa kanila. "I am sorry for shouting at you, ikaw kashi—hik!" "Bwisit ka, wag kang magsusuka rito!" "Hende! Kailangan mo malaman na gus—" Napatitig na lang si Sunny kay Nico na ngayon ay iniluwal ang lahat ng kinain at ininom, napatampal siya sa kaniyang noo dahil sa kahihiyan. Nagsisimula na siyang balutan ng inis sa katawan. Hiyang-hiya ang dalaga na napatingin sa driver ng taxi. Kumuha ng mask ang driver, yumuko siya para humingi ng pasensiya rito. Nang makarating sila sa bahay ay binigyan niya ang driver ng pamasahe at pampa-carwash nito. "Ma'am, bagay kayo ni sir, ganiyan na ganiyan ang magsyotang nagmamahalan." "Ay, hindi po kami magsyota, kuya." Kamot-kamot ang batok ay humingi ng pasensiya ang driver at umalis na. Siya naman ay inalalayan muli ang amo papasok ng bahay. "I swear, hindi ko sinasadyang saktan ka. Nagseselos lang ako." Bagaman ay mabigat itong si Nico, nakuha pa rin niyang tingnan ang binata. Nakanguso ito at parang batang nakalabi. Lasing pero kay pula ng labi. "Nasigawan kita dahil 'di ko alam papaanong kausapin ka. Lagi kasi kayong magkasama no'ng Kano na iyon. Nagpaligaw ka pa." Humikbi ito. Hala ka! "Muntanga ka talaga," bulong niya rito. Kailangan niyang hinaan ang boses niya dahil baka magising niya ang mga tao sa bahay na ito. Nakarating na sila sa kwarto ng binata. Nang ihihiga niya na ito ay nasama siya sa bigat ng binata. Kaylakas tuloy ng t***k ng puso niya. Ito ang unang beses na ganito sila kalapit sa isa't isa! "Nagseselos ako, Sunny." Nakapikit lang ang binata habang binabanggit iyon. Alam ng dalaga na dapat ay di niya siniseryoso ang ganoong mga pahayag lalo na at lasing ang kababata. Ngunit babae siya, may pagtingin sa binata. Marupok kung maituturing. Naging mabigat lalo siya at di makabangon ng yakapin siya ng binata. Ang mga kamay nito ay nakabalot sa katawan niya. Diretso lang ang higa niya, ang mukha niya ay diretsong nakatingin sa kisame. Hindi siya gumagalaw sa takot niya sa kaniyang nararamdaman. Kayblis ng t***k ng puso niya. Kinakabahan siya sa ganoong ayos nila ang binata. Hindi sila ganito kalapit noon. "Look at me, Sunny." "Ayoko." "Why? Because I am not Ashton?" nanghihinakit na tanong nito. "Do you love him?" "I refuse to answer that question," sagot niya rito. Lalong humigpit ang pagkakayap sa kaniya ng binata. Lalo ring bumibilis ang t***k ng puso niya. "P'wede bang ako ang piliin mo kaysa sa kaniya?" Doon siya lumingon sa binata. Kung kanina ay nakapikit ito, ngayon ay diretso itong nakatingin sa mga mata niya hanggang ang mga tingin nito ay bumaba sa mga labi niya. Lalo siyang kinakabahan. "Nico.." that was the cue! Sinakop ng binata ang mga labi ng dalaga. Banayad, nanantiya sa level ng kakayahan ng dalaga. Noong mga una'y hindi naigagalaw ng dalaga ang mga labi niya pero ngayon ay nakakatugon na ito. Lalong naging mapusok ang binata sa paghalik sa dalaga. Parang batang sabik sa pagmamahal. "You are mine, baby." Hindi na pinakinggan ng dalaga ang sinasabi ng binata. Di pamilyar sa kaniya ang mga nararamdaman niya ngayon, mainit, nakakapaso ang init na nararamdaman niya. Iniangat ng dalaga ang mga kamay niya sa balikat ng lalaki, pagkatapos ay sinabayan niya ang binata sa paghalik. Bumaba ang mga halik ng binata sa leeg ng dalaga habang ang isang kamay nito ay bumaba sa isang dibdib niya! This is not right! Sa isip-isip lang naisigaw ng dalaga ang mga katagang iyon, hindi niya magawang maiusal dahil sa likod ng isipan niya ay ayaw niyang huminto ang binata. Hindi alam ng dalaga na ganito pala ang pakiramdam ng ganito, kapag nagbabasa siya ng mga love stories, akala niya ay OA lang ang writer sa paglalarawan ng nararamdaman, hindi alam ng dalaga na ganito pala talaga ito katotoo. Sunny thinks that they should stop before things get serious, lasing ang binata. Talo siya dahil siya ay nasa tamang pag-iisip. Dapat siya ang pumigil sa mga nangyayari sa kanila. But she is just a girl, she is not as strong as others, mahal niya ang binata. Dahil nakasando lang ang dalaga, ibinaba nito ang isang strap ng sando nito, from her neck, Nico kissed Sunny down in her shoulder habang ang isang kamay nito ay inaalis naman ang isa pang strap. Sunny is half naked! Ipinagpapasalamat na lamang ni Sunny na madilim ang kwarto ng binata kaya hindi nito nakikita ang pamumula niya. She is sane for crying out loud! And Nico is drunk. She must stop this before it's too late. "Sunny..." Muli ay inangkin ng binata ang mga labi ng dalaga. Muli ay pinagsaluhan nila ang isang mainit na halik. Sunny knows how to respond on it, she knows and she's not proud of it. Kaydali niyang matuto. Kaydali niyang ipinapaubaya ang sarili sa binata. Naging mas mapusok ang dalawa hanggang sa tunay na may nangyari sa dalawa. Natutulog na ang binata, payapa na ang itsura nito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi titigan ang binata. Kaaway niya lang ito kahapon, ngayon ipinagkaloob na niya ang sarili niya rito. Pinagsisisihan niyang ipinagkaloob ang sarili sa kaniya. Hindi dahil sa hindi niya ito mahal, mahal niya ito at kung pipili siya ng taong pagkalalooban niya ng sarili niya ay sa kababata niya ito ibibigay. Pero wala itong pagmamahal sa kaniya, lasing pa nang mangyari iyon, kung hindi ito lango sa alak ay hindi nito maiisip na gawin ang ginawa nila kanina. Naiyak si Sunny nang mapagtanto ang ginawa. Paano na lang ang pagkakaibigan nila? Pagkatapos ng lahat ng ito, ano pang mukha ang ihaharap niya sa kaibigan? Ano na lang ang magiging tingin nito sa kaniya? Hindi siya pakawala! Pero bakit ganito na ang nangyayari sa kaniya? Mahina siyang umiyak sa tabi nito. Hindi niya na mabilang kung ilang beses niyang sinasampal ang sarili para magising. Nang nahimasmasan ay nagbihis siya. Pinulot niya lahat ang mga damit at underwears na hinubad kanina ng binata. Tulog na ang mga magulang niya kaya hindi na siya nag-abala pang isuot ang mga iyon, nagtapis na lang siya ng kumot. Ililigo niya rin naman. Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto ng binata at nagtungo sa kwarto niya. Pagkapasok niya at agad din siyang naligo at nagbihis ng panibagong pantulog. Pagkatapos ay nahiga na siya sa kama. Ipinikit ang mata at tanging mukha pa rin ng binatang amo ang nakikita niya. Nang gabi ring iyon ay iniyak niya lahat ng katangahan niya. Iniyak niya ang bukas niya na walang kasiguruhan. Nagsisisi siya. Pero sa likod ng pagsisisi ay ang munting kasiyahan na ang unang lalaking pinagkalooban niya ng sarili ay ang lalaking, bata pa man sila ay minamahal na niya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD