Chapter 8

1213 Words
YOU ARE MY SUNSHINE written by JellyPM Chapter 8 MAGKATABI si Sunny at Ashton habang pinag-uusapan ang design at stage na gagamitin sa runaway, isang linggo na lang kasi ay runaway event na ng mga denim collection ni Ashton. "I really like these designs, Ash. There are thousands of denims design, if you want to standout then always think outside the box, that's why they are calling you fashion genius, e. These are extrodinary!" "Alam mo, Sunny, wag mo na akong bolahin dahil mahal na kita kahit di ka pa nambobola." Umugong ang tuksuhan sa opisinang iyon, kinurot niya sa tagiliran ang binata dahilan para tumaginting ang tawanan sa loob. "This is not a place for dating. You are here to work," madilim ang anyo ni Nico habang binabanggit ang mga iyon. She would lie if she said na hindi niya na-miss ang binata. Miss na miss niya na ito kahit ilang beses niyang iwaksi sa isipan niya na hindi niya na dapat itong magustuhan ay hindi niya magawa. She just missed the way they were before. Iyong sweet ito sa kaniya, iyong nag-aalala pa ito sa kaniya. Laging gabi na ito kung umuwi ng bahay at sa umaga pagkagising niya ay nakaalis na raw ito. She misses Nico so much na it hurts seeing him looking so gloom. Parang laging pasan nito ang daigdig. May girlfriend na ba ito at nagkakalabuan sila o sadyang pagod ito sa trabaho? Anuman iyon ay nasasaktan siya para sa binata. Gayunpaman ay hindi niya rin ito pinapansin, ayaw niyang isipin ng amo niya na okay sila, pagkatapos siya nitong sigawan ay ganoon-ganoon na lang, hindi magpapansinan, pero okay na? Hindi ganoon. Mag-sorry siya. Iyon lang at okay na sila pero hindi niya maintindihan bakit matigas ang puso nito sa kaniya, dati-dati naman pag galit na siya ay nanunuyo ito. Tila nagbago na sa kaniya ang binata, at hindi na niya alam ang dahilan. "Sunny, are you okay? Bigla-bigla ay tumatahimik ka. Dinadamdam mo pa ba iyang si Nico?" tanong sa kaniya ni Ashton. "No, we're fine. Masakit lang talaga ang ulo ko." "What's wrong? Masigla ka naman kanina. You want me to get you a medicine?" Umiling-iling siya at nagpaalam na rito. She starts typing on her computer. Tama naman ang kaibigan niya, they are at work, dapat lang isantabi ang anumang usapang pampuso. Kahit pa nga ang puso niya ay nasa may-ari ng pinagtatrabahuhan niya. --- Naka-pajama na ang dalaga at mahabang t-shirt. Handa nang matulog si Sunny. Alas-onse na rin naman kasi ng gabi. Matutulog na siya nang tumunog ang phone niya. Si amo ang tumatawag! "Hello, amo!" "Si Sunny ba ito?" tanong sa kaniya ng isang lalaki. Hindi pamilyar ang boses nito kaya nagtaka siya. Lalo na at maingay ang paligid nang tinatawagan niya. "Fvck, man! Give me back that damn phone, you motherfvcker!" sigaw ng kaibigan niya sa background. "No, you have to talk to her or else mamatay ka sa kaiinom mo ng alak." "Nasaan kayo, si Nico ba iyon, what happened? Pupuntahan ko siya." "Pasensiya ka na, Sunny? Girlfriend ka ba niya, ikaw na lang kasi ang laging binabanggit niya kanina pa kaya ikaw ang hinanap namin sa contacts niya. Pasensiya ka na. We really have to go dahil hinahanap na rin kami ng mga misis namin, hindi kami makaalis-alis dahil nga lasing na lasing si Nico." "Where are you?" "In Ayala." Binanggit pa nito ang resto-bar na pinag-iinuman nila. "Give me 10 minutes, ha." "Okay-okay. Salamat at pasensiya ka na." "Wala iyon. Sige na po, papunta na ako." -- Hindi na nagawa pa ng dalaga na magpalit ng damit, nag-aalala talaga siya sa kaibigan. Simula noon ay hindi naging irresponsable sa pag-inom ang binata, ngayon lang, ngayong malaki na ito! Pumasok sa isang resto-bar si Sunny, iyon ang resto-bar na binanggit sa kaniya ng kaibigan nito. Madilim ang lugar at ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang mga color lights na umiikot-ikot sa paligid. Kung hindi ka madadaanan nito ay hindi ka makikita. Bagamat madilim ay nagpatuloy siya sa paghanap sa binata. Hanggang sa makita niya ito sa grupo ng mga lalaking lahat ay nakadekwatro habang pinapakinggan ito. "Nico, alam na namin iyan. Oo na, gusto mo si Sunny." "Damn you, pare. Hindi ko siya gusto!" Nasaktan ang dalaga nang marinig niya ito mula sa bibig ng binata. Gustong-gusto niyang sabihin dito na nasasaktan siya nito pero bakit ba siya masasaktan kung una pa lang ay hindi naman talaga siya nito nagugustuhan. "Hello po," nahihiya niyang bati sa mga ito. All of the boys stand and offer their hands to her to have a handshake pero humarang si Nico at hinawi ang mga kamay ng mga kaibigan nito. "Take your hands off to my Sunny." Napakunot-noo ang dalaga. Hindi ba at hindi siya gusto ng binata, o bakit may pang-aangkin sa tono nito? Sa inis ay siya ang kumuha ng kamay ng mga kaibigan nito at nagpakilala. "I am Sunny, he is my friend at amo ko siya. Pasensiya na kayo sa kaniya pero pwede ko na ba siyang iuwi?" "You are not my slave, little girl." Seryoso siya nitong tiningnan. Nakikipagsukatan ng tingin sa kaniya. "Nako, Sunny, you should take our friend home, mag-ayos na kayong dalawa dahil kung hindi, kami naman ang hihiwalayan ng mga asawa namin. Gabi-gabi na lang kaming nag-iinom." Ngumiti siya sa mga ito at nagpasalamat. Umalis na nga ang mga ito at sila na lang dalawa ang natira. Ngayong dalawa na lang sila ay hindi siya makakibo. It is so awkward for her to talk with him after all the silent war between them. "A-amo," nauutal na panimula ng dalaga. "Let's go home?" Tiningnan siya nito. Matagal. Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Bumuntong-hininga siya. Mahal niya talaga ang kolokoy kahit pilit niyang binabalin ang pagtingin niya kay Ashton. Kinuha ng dalaga ang braso ng binata at dinala sa kaniyang balikat para alalayan itong makatayo. "Sunny, I can stand and walk." Pero natutumba ito. Mayabang masyado! "Hindi mo kaya, amo. Ako na ang tutulong sa iyo. Saan ang kotse mo?" Tinuro nito ang kotse nito sa labas. Inalalayan niya ito palabas ng kotse, naalala niya na lasing ang binata tapos siya ay hindi marunong magmaneho. "Nasaan si Rudy? Bakit di mo siya kasama?" "He went on a date." "May girlfriend siya?" "Bakit nagseselos ka? Makagulat ka 'kala mo apektado ka. Hmp!" "Hindi! Loko ka naman. Hindi kasi halatang makikipag-date ang bodyguard mong iyon." "Hmp!" "Galit ka pa ba sa akin?" sinulyapan siya nito kahit inaalalayan niya pa rin ito sa paglalakad. "Hindi ako galit sa iyo. Ikaw ang galit sa akin," nakanguso nitong sagot. So cute. "Pero hindi na ako galit sa iyo noon pa." "Alam ko pero hindi mo na ako pinapansin, Sunny. You are not the Sunny that I have before, you are no longer the Sunny I used to know," sinsero nitong wika tapos ay naririnig na niya itong humihikbi. Hala! "Uy, muntanga ka! Bakit ka umiiyak!?" "You're here with me but after this night, mawawala ka nanaman." Ganoon lang at tuluyan nanamang nahuhulog ang puso niya sa kababata. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD