Chapter 6

1225 Words
YOU ARE MY SUNSHINE written by JellyPM Chapter 6 HINDI mapakali si Sunny nang mapagsino na niya ang lalaking pinagkakaguluhan ng iba. It's Ashton Berl, the designer model, the key in her first ever project! Napangiti ng ngiwi si Sunny habang siya ay pinanliliitan ng mata ni Ashton. "Sunny, you're here." Binalingan agad ng dalaga si Nico. "Yes, a-amo," nauutal na sagot niya rito. Hindi mapigilan ni Sunny na hindi mautal. Alam niyang nagkanda-leche leche na ang project niya. Why is it Ashton's picture different in person? Pang-idol style ang picture nito samantalang ang itsura nito ngayon ay parang naluging artist. Maybe, she doesn't really like guys with balbas and bigote kaya siguro ganoon na lang din niya kabilis na sinaktan ang lalaki. Napakunot-noo si Nico. "Something is wrong, Sunny?" Umiling siya rito at pasimpleng tumingin sa iba para mawala ang atensiyon nito sa kaniya kaya naman ang binata ay hinarap na si Ashton. "This is my employee, man. She is the team leader of this project," pagpapakilala sa kaniya ni Nico. "I can't believe how small this world, huh, Sunny, right? I am Ashton Berl, sorry for not introducing myself to you awhile ago." Bagaman nanginginig ang mga kamay ay nakipagkamay pa rin siya rito. Sa mga pahayag ni Ashton, alam niyang nakikilala na siya nito. Patay na talaga ang project. "Sunny Arciaga, sir." Kung kanina ay naiisip ni Sunny na kumbinsihin ang model designer nilang guest ay di na lang niya tinuloy. She knows that the guy will never grant her wishes. Siya sa lahat ng tao? Never. Nag-uusap pa si Nico at Ashton habang si Sunny ay dahan-dahang lumayo sa dalawa. Kagat-kagat ang mga kuko ay nag-iisip na siya ng Plan B para sa project na ito. "Sunny!" Sayang sana ang naisip niya kung sana ay pumayag lang ito pero malabo. "Sunny!" Ganda sana ng runaway kung sa dulo nito ay siya ang nag-model ng sarili niyang creation since his face is already a big catch in market. "Hey! Ano bang problema mo? Kanina pa kita tinatawag," naiinis na bungad ni Nico sa dalaga pero mababatid mong naroon ang pag-aalala "Ikaw pala, amo. Pasensiya na at marami lamang akong naiisip. Mukhang nabigo nanaman kita. Lagi na lang kitang napapahiya. This idea of mine is a trash," malungkot na pahayag ng dalaga. Nasa labas na sila ng gusaling iyon. Ihahatid sana ni Nico si Sunny kahit pa may gagawin sila ni Ashton, ngunit nang makita niya ang dalaga ay parang kaylalim ng iniisip nito, kung hindi mo ito papansinin, makakarating ito sa kung saan-saan nang wala itong nalalaman. Bumuntong-hininga ang binata at yumuko, lumevel sa mukha ng dalaga. "Sunny, look at me." Tumalima naman ang dalaga, tiningnan siya nito ngunit bigla na lang itong namula at wala sa sariling napatingin sa labi ng binata. Kumunot-noo ang binata sa inakto ng dalaga. Nagulat pa siya nang biglang sumigaw ito. "Maygash! Sunny Arciaga, problemado ka na nga, ano-ano pa ang iniisip mo! Hooooo!" sigaw ni Sunny habang nakataas ang mga kamay sa langit. "Minsan gusto na talaga kitang ipa-check up sa psychiatrist, Sunny. You're giving me a heart attack." First time in this day that she laugh. Hindi niya rin mapigilang hindi matuwa kapag ganitong naiirita sa kaniya ang amo niya. Siya lang yata ang kinaaasaran na masaya pa kapag may naaasar sa kaniya. "You can make me crazy, little girl. Kaybilis magbago ng mood mo. Here I am worrying about you dahil kalungkot mo nanaman, pero heto ka at tumatawa naman. Sunny, what's happening? Tell me? Is it about your project?" magkasunod na tanong nito. "Sunny, baby, who got your back?" mahinahon nitong tanong. His voice always telling me how secured my life is. He is my real life superhero. "Ikaw, syempre, amo! Sanggang dikit tayo, e. Walang magdadamayan kundi tayong dalawa lang!" "So, stop worrying. The issue about Ashton is already settled. He will ramp in your runaway, Sunny." "Really, amo!?" Tumango ang binata kay Sunny. "Though kanina sabi niya ayaw niya pero bigla namang nagbago bago kami naghiwalay. He said, he'll be fine." Even after what happened? Naisip ng dalaga na may dalawang option bakit nagbago ang desisyon ni Ashton, it's either mabait ito o may pinaplano ito sa kaniya. Ayaw nang isipin ng dalaga, she'll be careful na lang. Inakbayan ni Nico ang dalaga. Iginiya siya nito papuntang kotse. Pagkarating nila sa office ay agad ding umalis ang binata. Naroon talaga ang binata para sa kaniya, hindi bato ang puso niya, babae siya. Pakitaan mo ng sweet gesture ay mahuhulog at mahuhulog ka. Nico... -- Masamang tingin ang inuukol ni Nico kay Sunny. Magkasama nanaman kasi si Ashton at ang dalaga. Ilang linggo lang ang nakalipas nang hilingin ng binatang designer na kung ito ang magmomodelo, kailangan ay nasusubaybayan nito ang mga hakbang na ginagawa ni Sunny. Masaya siya nang malamang matutulungan nito ang dalaga, the success rate of this project is so high if Ashton is around, noong una masaya talaga siya pero ngayong nagkakatuwaan ang dalawa ay hindi na siya masaya. Hindi na nga niya alintana ang pagkikiskisan ng mga ngipin niya sa inis dahil humahalakhak na ang dalawa. Where did they get close? "Sunny!" bulyaw niya rito. Bagaman tumatawa ay sumulyap ito sa kaniya. "Yes, amo?" malambing na sagot sa kaniya. Wala na. Hindi na siya naiinis ngayong papalapit na sa kaniya ang dalaga. "Kumusta ang project?" "It doing pretty well," sagot nito habang sumulyap ulit sa katawanan niya kanina. Parang awtomatikong lahat ng inis ay bumalot uli sa kaniya. "Go to my office and discuss everything!" bulyaw nanaman niya sa dalaga. Lahat ng mga empleyado ay nakatingin sa kaniya habang ang dalaga ay nakakunot ang noo sa kaniya. "Nico, may problema ba?" nag-aalalang tanong ng dalaga. "Just go to my room." "O-okay?" naguguluhan man ay sumunod sa kaniya ang dalaga. Maging siya ay naguguluhan din sa inaasal niya. Dapat ay masaya siya na may magandang resulta ang project na pinapatrabaho niya sa dalaga. Pero naiinis talaga siyang hindi na siya pinapansin ng dalaga kung hindi niya pa ito papansinin. Tsaka lang siya kakausapin kung may itatanong siya rito. Minsan ay nahuhuli niya pa ang dalagang nangingiti habang nakaharap ito sa laptop nito. "Amo, may problema ba?" "Wala. Gusto ko lang malaman ang develepment sa report mo." "I emailed you, amo. Di mo ba nakita?" "Magtatanong ba ako kung nakita ko, ha!?" Kung kanina ay pag-aalala ang nakikita niya sa dalaga ngayon naman ay para itong bata na kaunting salita mo lang ay iiyak na. Nakita niyang may namumuo nang luha sa mga mga nito. Nakokonsensiya siya. Napakawalang hiya niya talaga para sigawan ang kaibigan. Hindi na rin niya naiintindihan ang sarili. Masyado na yata siyang naapektuhan ng dalaga. "Sunny, I'm really really sorry. Stress lang ako sa work." Kahit ano pang pagpapaliwanag ng binata, nasaktan na nito si Sunny. Kung kanina ay napipigilan pa nito, ngayon hindi na. Tuluyan nang lumandas ang luha sa mga mata nito. "look, baby, I am sorry." Hindi niya kaya nakikitang ganito ang kababata, is he too harsh? Damn, what have I done? "Empleyado mo nga ako pero kaibigan mo rin ako, Nico. Di mo ako kailangang sigawan," nasasaktang wika ng dalaga. Punas-punas ang luha ay mabilis na lumabas ng opisina ang dalaga. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD