Chapter 5

1258 Words
YOU ARE MY SUNSHINE written by JellyPM CHAPTER 5 “ARE you aware of what have you done to me, Sunny?” buong kaseryoshang tanong sa kaniya ni Nico, ang kaniyang amo, ang kababata niyang kasabay niyang lumaki. Hindi rin alam ng dalaga bakit niya nagawa iyon, ang alam lang niya ay todo-todo ang pasasalamat niya rito nang isalba siya nito sa meeting. She knew she screwed up but his bestfriend was there to save the day pero nais niya talagang sabunutan ang sarili dahil sa huli niyang ginawa. “Hala, amo, di ko iyon sinasadya, ha, and it is just a peak, you know. Uso iyon, Nico!” sabi niya rito habang winawagayway ang mga kamay at umiiling-iling pa pero ang amo niya hindi yata kayang palampasin ang ginawa niya. Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya habang siya naman ay umaatras. “a-amo, hindi ko talaga sinasadya.” “You’re insulting me, Sunny.” Seryoso pa rin ito habang papalapit sa kaniya hanggang sa wala na siyang maatrasan. Napalunok siya, hindi siya natatakot dito dahil hindi siya kayang saktan ng kaibigan niya, ang nakakatakot ay baka malaman niya mula sa bibig nito ang pandidiri niya sa ginawa nito. Alam niya ang mga tipo ng kababata baka nga ilan na ang humalik sa kaniya at nahalikan din nito. Sino ba naman siyang sasali sa mga babae nito? Hinding-hindi siya magiging qualified. Hindi, dahil kaibigan lang siya nito at siya ay kasambahay lang sa bahay nito. Hanggang naroon at binubuhay nito ang mga magulang niya ay napakahirap para sa kaniya na magkagusto sa binata. Saka, lagi naman pinapaalala ng binata na kaibigan niya lang ito. Bahagya niyang tinulak ang dibdib ng seryosong binata pero hindi ito matinag, sadyang lalaking-lalaki ito para madala sa ganoong mahinang pagtulak. Seryosong-seryoso ang titig sa kaniya hanggang sa bumaba ang titig nito sa kaniyang mga labi. Titig na titig ito, heto na ba iyon? Sasabihin na ba nito kung gaano nakakadiri ang ginawa niya? I don’t want to hear that, kaya bago pa man tumaas ang titig nito sa kaniya ay yumuko na siya at dumaan sa ilalim ng mga braso nito. Nakawala siya mula sa pagkakakulong sa binata. “Sorry talaga, Nico. Hindi na mauulit!” Napabuntong-hininga ang binata bago nasapo ang noo. “What am I thinking? This is ridiculuos!” naiirita nitong wika kaya naman siya ay yumuko muna bago nagpaalam. Mabilis siyang lumabas ng opisinang iyon habang sising-sisi sa ginawa. Paano niya nagawa sa mabait niyang kaibigan iyon na nakawan ng halik sa pisngi? “Sana sa labi ko na lang siya ninakawan.” Lumabas ang dalaga na tawang-tawa sa sarili niyang pag-iisip. Sira talaga siya. -- Papunta si Sunny sa isang fashion agency para tumingin ng mga babagay na model para sa denim runaway nila. She is just wearing a gray slacks and a white ruffles blouse, hinahayaan niya ang mahaba at bagsak niyang buhok na nakalugay habang nilalaro ng hangin. She can’t help herself but feel the morning breeze. Malamig ang panahon ngayong February kahit kakasikat na ng araw. Maaga pa naman kaya dumaan muna siya sa isang coffee shop kung saan ay magpapa-init muna siya ng sikmura. Nasa counter siya nang mapansin niyang may sobra kung makadikit na tao sa likod niya kaya nang lingunin niya ito ay napansin nito na inaamoy-amoy siya nito. Bastos ‘to, a! Isang lalaking matangkad na makapal ang balbas, naka-sunglasses ngunit di mo aakalaing mahirap. Sa kutis at sa amoy nito, papasa pa rin itong mayaman. Kahit na, bastos pa rin ito! Pasimple niyang itinaas ang kamay para bumwelo pagkatapos ay buong pwersa niyang siniko ang lalaking bastos sa likod niya. “s**t!” narinig niyang pagmumura ng lalaki habang dumadaing ito sa sakit. Mukhang napanga niya yata ito. Hindi niya ito nilingon kahit dinadaluhan na ito ng iba. “Blood, aww.” Imbes na maawa sa lalaki ay lalo pa siyang nainis, makadaing akala mo naman hindi nangmanyak. “Your order, Ma’am.” Inabot sa kaniya ang kape niya at taas noong nagmartsa palabas. Malapit na siya sa pintuan nang biglang may humamblot sa kamay niya. Awtomatikong napalingon ang dalaga. Sumalubong sa kaniya ang seryosong titig ng di niya kilalang lalaki. Ito ang humablot ang kamay niya. Hmmm. In all fairness, gwapo ang binata. He looks so familiar but she is sure enough na di pa niya ito nakilala. “When you hurt someone, you should say sorry, Miss.” Sinalubong niya rin ito ng seryosong titig. “I won’t say sorry to a person who doesn’t even deserve an apology.” “What!?” “Thanks but you are not my type.” Napamaang ito sa tinuran niya bago umiling at dumiretso sa counter. Siya naman ay tuluyan nang lumabas at pasimpleng inirapan ang coffee shop na iyon. Sunny is not the snob type pero hindi rin kasi talaga niya pinapalampas ang mga lalaking bastos. Nico always reminded her of how she should act when someone is showing displeasant to her. That’s why she doesn’t really like the guy, kahit gwapo pa ito. Gwapo nga bastos naman. Nang makapasok na si Sunny sa isang modeling agency ay ganoon na lang ang dami ng tao, parang may pinagkakaguluhan sila na kung sino. Wala man ngang sumalubong o bumati sa dalaga kahit pa nga alam naman nila ang pagdating niya. They were all busy chatting with each other habang nakatingin sa pinagkakaguluhan. She had a glimpse of who are they looking it looks so familiar but she is not sure, it’s impossible though, pero dahil siya man ay nacu-curious na rin sa kung sino talaga ito, nagtanong na siya sa babaeng malapit sa kaniya. “Hello, bi!” masigla niyang bati sa babaeng sa itsura ay mukhang modelo. Ngumiti naman ito sa kaniya pero agad ding inalis ang tingin sa kaniya at halos magkandahaba-haba ang leeg sa kasusulyap sa lalaki. “Sino siya, be?” Nilingon siya ng babae at ngumiti nang buong tamis. “Ashton Berl, girl! It’s Ashton our baby!” Namilog ang mata ng dalaga. Ang alam nila ay Monday pa ito darating, napaaga yata ito at dumiretso agad sa partner agency ng kanilang kumpanya. Nagmamadali ang dalaga na makapunta sa kinaroroonan ng binata upang kausapin at magpakilala na rin na siya ang may ideya ng commercial runaway ng denim collection nito. Excited na ang dalaga na makalapit nang biglang lumitaw si Nico mula sa likod. Hindi siya nito napansin, palibhasa ay tuloy-tuloy ito. “Man, you’re here!” bati ni Nico kay Ashton. Nag-handshake ang dalawa. “Why did you arrive so early?” “I miss the Philippines so much, man. I want to spend my vacation here. Since I have found you as my new friend, let’s have a drink, I really got a bad day arriving here.” Nakatalikod si Ashton kay Sunny kaya ang dalaga ay di niya nakikita ang itsura nito lalo na at ang focus niya rin naman ay kay Nico. Iniisip ng dalaga na magpapahatid na lang siya sa kababata sa kumpanya nito. “About what I told you on phone, are you okay with it, man?” “About being a model of my denim collection?” Dinig na dinig ng dalaga ang pag-uusap ng dalawa dahil malapit-lapit na siya sa mga ito. Magpapakilala na siya, magugulat siguro si Nico kung makikita siya. “I am sorry, man. But I have to turn you down. Ayaw ko mag-model.” Sumabat si Sunny dahil hindi pwedeng hindi siya magmo-model! Mapapahiya siya sa team niya. “Hello, Ashton, I am Sun—“ Hindi matapos ng dalaga ang pagpapakilala niya. Nagulat siya nang mapagsino ito. Ashton is the guy she met awhile ago! Ito ang bastos na lalaking siniko niya! Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD