“Aaahhhhh!” Napaaray ito at umiyak sa sobrang lakas ng pagkahambalos niya rito sa semento. Kulang na lang ay kaladkarin niya ito para madala ito. Sa lahat ng mga sakit na naranasan niya, dito niya ibinuhos sa mayora. Mula noong hinalikan nito si Kameron hanggang sa nakita niya ito sa opisina ng asawa niya hanggang sa may kasalanan ito sa kaniya. She was in terrible emotion and in furious one. Hindi pa siya nakuntento, nilapitan niya ito, dinambahan saka pinagsusuntok. “Tama na! Tama na!” Iniharang nito ang mga kamay sa mukha nito.” “Bitiwan mo siya, maldita ka!” Napalingon siya sa likuran niya nang ang dalawang babae ay pasugod na sa kaniya ngunit saktong humarang si Kinne saka kinuwelyuhan ang dalawa. “Saan kayo pupunta, mga haliparot kayo!” Malakas na itinulak ni Kinne ang dalawa ma

