“Trina, what's that?!” he asked. Kanina pa niya napupuna na abala ito sa kung ano ang kinakain nito kanina habang nasa meeting siya. “Chicharon,” tugon nitong punong-puno pa ang bibig nito. His forehead furrowed. “What? Chicharon na may spread flavor? Hindi suka? Are you sick?” Na-werduhan siya rito saka niya ito tinabihan. “Hindi. I'm craving for this. Bakit ba? Kaniya-kaniyang trip iyan,” tugon nito. “Hay, pambihira.” Kibit-balikat na lang siya saka siya sumenyas kay Cecil na ipasok na iyong order nilang lunch ng asawa niya. “Sir, nariyan na ang order niyong food. Saan kayo kakain?” “Dito na.” Tinanggal niya ang flower base sa center table para doon ilapag ang pagkain nila. Pumasok naman ang delivery man at inayos agad nito ang order nila. Kaunti lang ang food at hindi naman siya

