Napatakbo pababa ng hagdanan si Trina nang marinig niya ang kaguluhan sa kanilang sala. Nangingibabaw ang boses ni Raven na labis naman niyang ipinagtaka kung bakit ito naroon. Pagkababa niya nanlaki pa ang mga mata niya dahil naroon nga si Raven kasama si Kameron. Kausap ito ng kapatid niyang si Tristan sa sala ngunit ang labis pa niyang ipinagtataka ay may bitbit na bulaklak si Kameron. Kunot-noong tiningnan niya ang mga ito habang papalapit siya. Hindi lang iyon, sa tantiya niya, nakainom pa si Raven the way na magsalita ito kanina. “Trina!” magaslaw na wika ni Raven sa kaniya. “Nice to see you again. By the way, nandito pala kami para dito sa bayaw ko.” Nakangiti pa ito habang inaakbayan si Kameron. “Jesus…” bulong ni Kameron habang umiiwas sa kaniya at tila ‘di gusto ang mga nagag

