Bago pa man tumulak sina Trina at Kameron patungong Mindoro, niyaya muna siya nina Kreisha at Kinne na kumain ng street food isang gabi. Isang sikat na kainan sa Tondo na madalas dinadayo ng karamihan. Since nagdadalangtao si Kreisha, pinagbigyan na nila. Hindi na rin sila masyadong gumayak pa dahil alam naman nilang crowded ang lugar. Idagdag pa na maraming mga malilikot ang kamay sa paligid kaya kailangan nilang umastang taga-roon lang din. Ang masaklap lang ay may kasama silang ibang lahi. Knowing Kinne that she's half-Swiss and half-Filipino nationality. Ang kotse naman na ginamit nila ay ipinarada na lamang sa kakilala nila na malapit na condo unit ng naturang kainan. “Hmm. Naamoy ko na ang ihaw-ihaw. Bilisan kaya nating maglakad at baka wala na tayong puwesto,” yaya ni Kreisha sa k

