Masama ang tinging ipinukol nito sa kaniya. “Mukha ba akong nagsisinungaling?” “M-Malay ko kung hindi ka nagsasabi ng totoo. Ngayon lang naman kita nakausap ng ganito.” “Then ask me what do you want to know about me. Matigil ka lang sa kakadaldal mo,” pagsusungit na naman nito. Bahagya siyang humarap dito sabay ngumiti. “Okay. Ano ang ideal woman mo? Maganda ba? Matangkad? Matalino o kaya naman ay sophisticated katulad ng mga gusto ng ibang mga lalaki?” Humarap din ito sa kaniya sabay sabi nang, “Older than me. I don't mind if she's beautiful or not, tall or petite, but the important thing is she's older than me.” Ouch, Trina. Matindi iyong ideal woman niya. Bakit ba ako ipinanganak na mas bata sa kaniya. Dismayado siya. “Ah, nice. Mukhang gusto mo na yata iyong senior citizen na. Ila

