KINABUKASAN, maagang nag-impake si Trina ng kanilang mga dadalhin pabalik ng Maynila. Isinara na niya ang huling zippier ng luggage na dadalhin niya nang pumasok si Kameron sa kaniyang kwarto. “Trina, are you done?” he asked. Itinabi niya ang luggage sa isa pa saka ito hinarap. “I'm done. Ikaw ba?” “Yeah. Nariyan na rin ang chopper na magdadala sa atin sa Maynila. Tulungan na kitang ibaba ang mga gamit mo.” Lumapit ito sa mga luggage niya. “Wala ka na bang naiwan?” “Ang puso ko, Labs, naiwan.” “Ha?” kunot-noo ito sa kaniya. Natawa siya. “Wala. Sabi ko mami-miss ko ang bahay mo.” “Ang bahay ko lang ba?” “Ma-miss ko rin ang kwartong ito, ang mga tauhan mo, ang lugar na ito at ang mga...mga manok ni Mang Isko,” tugon niya. “Don't you miss me?” She stared at him. “Syempre, ikaw

