HINDI na siya nagpaalam kahit kay Aling Sonia na tutungo siya sa resort ni Kameron. She needs to unwind herself for the meantime. Kailangan din niyang ma-refresh ang utak niya sa kakaisip kung paano niya aayusin ang relasyon nilang dalawa. Hindi niya napaghandaan ang pagiging seloso at selosa nilang dalawa sa isa’t isa. Ayaw din naman niyang humingi ng advice sa kaibigan niyang si Kreisha at makakaabala pa siya Malawak at napakaganda ng resort ni Kameron. A breathtaking place with romantic type of good vibes ambiance. Naririnig na niya agad pagpasok pa lang ang banda na sinabayan ng modernong musika. Nakakita siya ng puwesto na malayo sa crowd at umupo roon. Ang lalaking iyon talaga. Hindi man lang sinabi sa akin na ganito pala kaganda ang resort nito. Mukhang wala siyang planong igala ak

