Ang tanga mo talaga, Katrina! Pinairal mo iyang pagseselos mo at tamang hinala! Hindi mo ba iniisip ang magiging kahinatnan ng ginawa mo? Matalino ka pero bakit ganito ang ginawa mo? Ilang beses niyang pinagalitan ang sarili sa loob ng kaniyang kwarto. Hindi na siya pumasok pa sa kwarto ni Kameron dahil alam niyang mag-aaway na naman sila. Tanghali na rin siya nagising dahil sa sobrang bigat ng kaniyang pakiramdam. She stills in pain with the last conversation they had last night. Wala nga siyang balak bumangon pero kumakalam na ang sikmura niya at kagabi pa walang laman ang tiyan niya. Napilitan din siya sa huli na ayusin ang sarili at bumaba ng kusina. “Good morning, Aling Sonia,” matamlay niyang bati rito. Abala ito sa kusina dahil magtatanghalian na rin. “Ikaw pala, Trina. Kakain ka

