PINAHARUROT ni Trina ang dalang motorsiklo ni Roger sa kahabaan ng kalsada habang kasunod naman nila ang iba pa. Mukha silang mga gangster na susugod sa kalaban at akala ay hari ng kalsada. Si Roger naman sa likuran niya ay napakapit na lang sa sobrang bilis niyang magpatakbo ng motor. Well, sanay siya sa mabilisang takbo lalo na at F1 driver siya. Mababa lang sa one thousand cubic centimeter ang minamaneho niya kaya kayang-kaya niyang paliparin iyon. “M-Ma'am Trina, mahal ko pa ang buhay ko!” sigaw ni Roger sa likuran niya. Para itong batang takot na takot sa tatay na mapagalitan. “Mahal ko rin ang buhay ko, Roger! Kung hindi ko aabutan ang asawa ko, baka sa ibang bahay na siya pumunta!” Mas lalo pa niyang diniinan ang accelerator ng motor. “Kumapit ka lang diyan sa likuran ko at palili

