After an hour, natapos din ang mga ito. Nilapitan nila ang mga ito habang nagtatanggal ng mga gloves sa kamay. Nakita niyang may mga talsik na dugo sa katawan ni Kameron at ng iba pa. Sakto naman na may dala silang mga towel para gamitin. Pinunasan niya ang mga tumalsik na dugo sa katawan ni Kameron ngunit napatigil siya sa ibabang bahagi nito. Sheyt, Labs! Dati pimagpapantasyahan ko lang ito pero ngayon, I can't believe this! “Trina, are you okay?” Nag-angat siya ng tingin. “Ha? A-Ayos lang ako.” Nagpatuloy lang siya sa ginagawa. “Why are you staring at my paunch?” he asked. “Wala naman. M-May naiisip lang ako sa...sa ginawa niyo,” dahilan niya. “Liar.” Ngumiti ito. “Iniisip mo lang ang my world ko at hindi ang ginawa ko.” “Labs, ano ka ba? Marinig ka nila,” pabulong niyang sabi.

