“ANG SARAP!!” Napangiwi siya nang makita niyang sarap na sarap si Kreisha sa nilutong tinola ng asawa ni Mang Berting na si Aling Simang. Hindi niya maiwasang isipin na napuyat sila nang dahil sa manok na hinuli ng tatlo. Tanghali na silang nagsigising at nauna lang siyang bumaba sa garden. Ang iba naman ay wala pa roon samantalang sina Raven, Tristan at Zack ay naroon na. Nakahanda na ang lahat ng pagkain maliban na lang sa ibang kakain na lang. “Good afternoon, everyone!” bati ni Kaiser nang nasa likod na niya ito. “Hay, ang sakit ng ulo ko sa alak na iyon. I would never drink that wine anymore. Hindi lang sikmura ko ang bumaliktad kung hindi buong kaluluwa ko.” Iniurong nito ang upuan katabi ni Tristan. “Oh, what happen to your arms? Bakit may band aid ka, Tristan?” “Wala ito. Kinaga

