Julianne Victoria
"HINDI NA AKO IINOM!!!" Nagising ako sa sigaw ni E.
Unti unti kong minulat at inadjust yung mata ko sa liwanag.
"Narining ko na yan." Medyo malat pa yung boses ko. "Noooo, nakalimutan kong tanggalin yung contacts ko..."
"Ganun ba tayo kalasing kagabi? Dito na tayo nakatulog sa sala." Natatawa si Les habang inaayos yung couch na tinulugan niya.
"Pasalamat ka nga nakatulog ka sa couch, ako hanggang dito lang sa may pinto umabot. s**t,ang sakit ng likod ko. Ang sakit ng ulo ko. Para na akong mamamatay sa sakit. Hindi na talaga ako iinom." Madrama yung tono ni E.
"Tapos mamaya mag aaya ka ng night cap. Tigilan mo nga ako E." Walang emosyon na sabi ni Les habang naglakad papunta sa kusina.
Magluluto na siya. Yes!
"Palibhasa camel ka Les." Nakahawak si E sa ulo niya habang gumagapang papunta sa tabi ko.
"Oo nga, bilib na talaga ako sa sikmura at liver ni Les pagdating sa inuman, parang wala lang sakanya kinaumagahan. Samantalang tayo parang mag aagaw buhay lagi." sinubukan kong tumayo pero nahihilo pa din ako sa hangover.
"Hala Jules, ang pula na ng mata mo, tanggalin mo na muna yung contacts mamaya niyan mabulag ka. May meeting pa naman tayo mamaya."
"Ay oo nga!" Bigla akong napatayo. "s**t aray." Hinawakan ko yung ulo ko ng dalawang kamay at dahan dahang pumunta sa cr para tanggalin yung contacts ko.
Dahan dahan kong yinuko ang ulo ko para maghilamos. Arrghh hindi na ako iinom!! Parang mahuhulog yung utak ko tuwing yuyuko ako.
"Yuck! Eduardo!!!!" Sigaw ko habang hinubad ko yung tshirt ko na punong puno ng natuyong suka. "Sinukahan mo nanaman akoooo!!!"
"Ano ba yan lagi na lang E!" Padabog akong bumalik sa sala at tinapon yung tshirt ko kay E. Nakalimutan kong umaalog sa sakit yung ulo ko. Too late na nung tumulo yung luha sa isa kong mata sa sakit.
My hangovers are usually accompanied by freaking migranes.
"Sorry na naman.." Sinubukan niyang tumayo pero inabot niya na lang yung kamay niya sakin. Magsosorry pa yata siya ng bigla niya akong tinitigan ng masama at tumaas ang kanyang kilay. "Pero nako ah Jules, ipagmayabang mo pa yang boobs mo, isa pa talaga. Les tignan mo si Jules pinapamukha nanaman satin yung boobs niyang pang porn." Bwisit talaga to si E. Sa sobrang close naming tatlo kulang na lang talaga sabay sabay kaming jumebs.
"Ano ba yan Jules!Akala ko pa naman tunay kang kaibigan!Bakit mo kami patuloy na ginaganito?" Drama naman ni Les may hawak hawak na sandok, sabay tawa. "Oh my God, sinukahan ka nanaman ni E?"
"Ay hindi Les feel ko lang naka bra lagi. Haynako talaga Eduardo De la Cruz Jr.! Makita mo hindi ako magsusuot ng tshirt buong araw!" Asar ko kay E.
"EWwwwwww!!!!! Pwede ba Jules alam mo naman na allergic ako sa lady parts. Please lang. At isa pa talaga sa buong pangalan ko! Akala mo hindi ko alam na ikaw nagkalat ng tunay kong pangalan sa office? Gupitin ko kaya yang buhok mo pag tulog ka? O kaya kulutin? Gagawan kita ng f*******: page at I babash kita dun!" nakapamewang siya habang hawak hawak yung damit ko.
"Subukan mo bakla i aanouce ko sa f*******: yang totoo mong panagalan." Dagdag ko pa.
"On second thought, ayan na yang shirt mo." Nakita kong ngumiti siyang nakakaloko.
"Oh s**t. Anong ginawa mo E?" Alam ko na kasi yung mga pangtraydor niyang ngiti.
"Wala pa naman.." Pa suspense niyang sabi.
Tinitigan ko si Les, at parang nasense niya yung mangyayari, kaya bigla siyang bumalik sa kusina.
"Eduardo Junior.." Malumanay kong sabi.
"Relax, kain na lang muna tayo. Les, nakaluto ka na?" Biglang naging mahinhin ang kanyang boses na parang di makabasag pinggan. Sabay ngiti sakin na nakakaloko.
Magaling talaga to sa pag change topic.
___
"Eduardo De la Cruz Jr.!!" Sigaw ko nung mabasa ko yung isa sa mga emails ko.
"Payback is a bitch." Slowmotion pa yung lakad niya papunta sakin habang nakapamewang at hawak ang imaginary pamaypay.
Nakadapa ako sa kama ko habang inaayos yung presentation namin para sa meeting mamaya. I-pa finalize na kasi namin yung contract para sa Sabine Vino Tinto.
We will be meeting with the Imperio Leon CEO and his PR team and kailangan namin sila i-brief tungkol sa campaign.
"Hindi na ako sasabay sa meeting mamaya.." Ibinaon ko yung mukha ko sa ilalim ng unan.
I can't do this.
"Well, well, well..bumagsak ka din sa kinatatayuan mo. Wala ka ng magagawa Jules."
"At sino nanaman ang ginagaya mong kontrabida? Bwisit ka talaga di mo man lang ako sinabihan na naka corporate attire mamaya. Alam mo namang ayaw na ayaw ko magsuot ng mga ganung damit. Di sana na brief ko na si Les para siya na lang." Hindi ko alam kung pano mag eexplain sakanila na hindi talaga pwede, na hindi ito kaartehan or kung ano.
"What?" He gasped. "And miss your priceless reaction?." Tinapik niya yung balikat ko.
"I hate you Eduardo."
"Tumayo ka na, isukat mo na yung binili namin ni Les na gagamitin mo mamaya." Malulutong yung tawa niya.
Haaay. Kung alam lang nila. Kaya ko na ba to? Major trigger to kung sakali. Damn it.
----
"And who is this hot new intern?" Narining ko si Andre magsalita sa likod ko.
Pinamulahan ako ng pisngi ng umikot siya sa harap ko at nagkatinginan kami.
"What the f**k?" Hindi ko maexplain yung emotion nung mata niya.
"Right?" Sabay siko ni E sakanya while his eyebrows wiggled.
"Ang sagwa ko ba tignan?" Inayos ko yung black pencil skirt ko na hanngang taas ng tuhod at longsleeved white chiffon blouse na pinasuot ni E. Bigla tuloy ako naconcious at bumalik yung mannerism ko na panay adjust ng eyeglasses. Di ako naka contacts ngayon dahil medyo irritated yung mata ko.
Medyo isang oras din kaming nag bargain nina Les sa susuotin ko. Iniinsist nila yung binili nila para sakin. Three piece suit daw yun na pang babae. Bumubukas pa lang yung zipper para na akong hindi makahinga.
Buti na lang nagtanong muna ako bago ko yun makita. Well, yes nakakakita ako nun araw araw na suot ng ibang tao, pero the moment na sumagi sa isip ko na saakin yun isusuot para akong na inception.
Mabilis akong pumunta sa banyo ko at binuksan yung medicine cabinet. After 6 years I never thought na kakailanganin ko ulit uminom ng lorazepam. Nagkunwari na lang ako na sumusuka dahil sa hangover nung kinatok nila ako.
Kahit anong insist nila nung pagkalabas ko ng banyo hindi na nila ako napilit suotin yun. Linabas na lang ni Leslie yung mga damit niya pag nag bubusiness trip at pinapili ako.
"Kung ganyan na lang kaya ang porma mo araw araw Jules? Para kang hot librarian." Again, lumipad nanaman ang utak ko sa mga sinasabi ni Andre.
Atleast he's a welcomed distraction.
Inadjust ko yung skirt, medyo masikip kasi medyo malaman ako kay Leslie, halos di makahinga yung pwet ko.
"Tigilan niyo na nga si Ms. Sandoval, baka i check pa niyan yung mga borrowers card niyo." Dagdag pa to si Leslie na yinakap ako galing sa likuran.
"Salamat talaga Les, you're the bestest friend ever." I said sarcastically.
"Oh please, you love me. Ano team, are we ready?" Tanong niya na parang hyper. Ganito si Les pag excited parang president ng fan club ang energy.
"Ano pa nga ba?" Sabay buntong hininga ko habang "YES!" naman ang sagot nina E at Andre.
∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵