Unhinged #1: Trigger
RAW AND UNREVISED VERSION
∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵
WARNING:
EXPLICIT CONTENT. READ RESPONSIBLY.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the writer, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.
© SELINA MATIAS
∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵
Julianne Victoria
"Whhooop whooopp!!Shots on me!!!" Sumasayaw sayaw pa talaga si Leslie, habang hawak-hawak ang bote ng Greygoose.
Andito kami ngayon sa Gramercy.
Honestly? I never wanted to be here, pero wala akong magagawa.
Never have I imagined going to a place like this--ever.
This is not my crowd and it's all uncharted territory.
Lumalabas din naman ako--I'm still human despite of everything, but most of the places I go to involves a bench, a table and a round of shots or beer bottles plus a plate of sizzling sisig--oh, and lots of hot sauce.
But I have to suck it up because according to my therapist, this is a part of moving forward. That I have to step out of my bubble and that not all the time I can control my environment.
She actually had to convince me four times before I conceded to be here.
Kaka-kuha lang kasi namin ng isang major account. Well,super major account 'yon kasi part ng isang international conglomerate ang Sabine Vignoble. Ito ay isang vineyard kung saan nanggagaling ang ilan sa pinaka rare na wines sa buong mundo.
And isang bote ng Sabine Vino Tinto ay nagkakahalaga ng halos 30,000.00 php. Though halos 50 years pa lang simula ng naitatag ito, maraming nagsasabi na family heirloom ang distillery at halos isang daan taon na ang karamihan sa mga wine barrels na nakaimbak dito.
Napag pasyahan lang ibahagi sa publiko at mamimili ang ilang barrels dito, ng di umano ay na inlove ang may ari at ginustong ipakita sa lahat ang kanyang pagmamahal sa asawang si Sabine sa pamamagitan ng pag gawa ng wine in honor of her name.
This means--kung okay ang results ng campaign, pwede pa namin masungkit ang iba ibang subsidiaries ng Imperio León--ito yung conglomerate na kinabibilangan ng Sabine Vignoble.
"Honestly, di ko talaga akalain na makukuha natin yung account. Nakita niyo yung pitch nung kabila? Mindblown ako sa approach pa lang nila, I can actually feel the sensuality of the wine. Akala ko talaga sila yung kukunin. Buti na lang masyadong old school yung pinadalang rep nung may ari! Akalain mo, pakagawa ko nanaman ng rough draft at compre. s**t,parang bumalik lang ako sa college!" Patawa tawa si E habang inaabot yung mga shot glass. Bakas pa ang adrenaline rush na dulot ng pagkakuha namin ng account.
"Sinabi mo pa E, nako pigang piga na nga yung utak ko kakaisip ng magandang tag line buti na lang nasungkit ko yung hilig ni Mr. Castell dahil malinaw ang pagkaka relay nung representative niya sakin." Umiiling si Andre.
Copywriter siya, well s***h editor s***h photographer.
Ahh, magulo noh? Mamaya explain ko.
"Sinabi niyo pa!"Ginaya ni Les yung tono ni Andre. "Halos mapaos ako kaka practice ng pitch natin, tsatsansingan pako nung matandang yun! Buti na lang naiwas ko yung pwet ko nako.Tsk tsk." Kibit balikat si Leslie habang sinimulang buhusan yung mga shot glass.
"Bakit di mo man lang sinabi samin Les? Gago yun ah." Magkasalubong ang kilay ni Andre an tinitigan ng mabuti si Les.
Haay.
"OA ka Andre ah, okay lang yun. Part of the job sabi nga ni ate V." she giggled.
"Kadiri ka talaga Les hanggang dito ba naman papairalin mo yang pagka Vilmanian mo. Kita mong sosyal sosyal dito!" Pabirong siniko ni E si Les.
"Letse ka talaga ako na nga yung agrabyado di mo pa mapagbigyan ang kabaduyan ko. Uminom na nga lang tayo." Sabay taas ni Les ng shot glass niya. "O, cheers! We made it guys!"
"Cheers!" Sabay sabay naming ininom yung vodka.
"f**k nagkamali yung pag shot ko!" Halos masuka suka si Andre.
"Kuhanan kita tubig gusto mo?" Oh god, lasing na yata ako at nagawa ko ng mag offer sakanya ng tubig.
Awkward.
Haay nako Jules hopeless ka na talaga.
"No it's okay. Thanks Jules."
Ahh s**t kinindatan niya pa ako!
Wala na.
Lumipad nanaman ang utak mo Jules.
"Pero seryoso, hindi natin makukuha tong account without your awesome concept Jules." Inakbayan ako ni E na sinundan ni Les.
"Correct. Hindi ko alam kung san mo hinuhugot yang mga ideas mo. Seriously, you are the smartest--nope you are a genius, girlfriend." Hinalikan niya ang pisngi ko.
That's Leslie, my bestfriend.
Kahit alam niyang hindi ako touchy iniinsist niyang impluwensiyahan ako ng ka sweetan niya.
"Oh, please..." Linaro ko na lang ang hawak kong shot glass at tumingin sa lamesa.
Shit.
Ayoko talaga ng mga ganito.
Arrrgh umaandar nanaman ang pagka anti social ko.
"s**t Jules, nag ba blush ka ba?" Humalakhak si E.
"f**k you E." Kinagat ko na lang dila ko.
"Seryoso Jules, kung di dahil sayo, di natin to makukuha." Kinuha niya yung shotglass sakin at sinalinan ng vodka.
"Fine.Matigil lang kayo." Pinilit kong pagalawin yung muscle sa mukha ko.
"Holy s**t Jules, you're hot when you smile!" Parang nasamid si Andre habang nag sashot.
"Haha. Tama na." I glared at him.
Well arte lang kahit kilig na kilig naman ako.
Hay nako Julianne!
Hay nako talaga sarili ko!
Bakit ba kasi ang cute ng dimples niya?
"Pwede tantanan na natin si ako at I-celebrate tong accomplishment natin without noticing me." Tinaas ko yung shot glass, hoping na ma divert na ang attention palayo sakin.
"Kaya naman gustong gusto ko yung team natin eh, well wala sakin problemang sakin lagi ang spotlight." Tinaas taas ni Les ang dalawang kilay niya at ngumiti. "Cheers team!"
Thank God.
Syempre biro lang yun ni Leslie. Sa totoo lang super humble siya. Although saksakan ng arte at kabaduyan pagdating sa mga idol na artista (yes, matatanggap ko si ate V, but seriously Aljur?), parang kapatid na ang turing ko sakanya, at ganun din siya sakin.
Nagkakilala kami ni Les nung graduating ako sa college--sa Starbucks along Ayala. Pareho kami ng target na table kasi yun na lang ang bakante. Actually maldita ang first impression ko sakanya, taas kasi agad yung kilay niya nung sabay kaming natapat sa table. Eh di tinaas ko na lang din yung kilay ko. Pero nung makita kong parang galing pa lang siya sa iyak, sinabihan ko siya na share na lang kami. Huminga siya ng malalim at ginulat niya ako ng mag breakdown siya sa harap ko.
Hindi ko alam pero first time kong hindi na-ilang sa sitwasyon. Hindi kasi ako mahilig makipag usap sa ibang tao.
Pinalayas daw siya nung boyfriend niya sa apartment nila. Nahuli niya daw na may kasamang babae sa kwarto nila--clue, hindi po sila nag rorosaryo--at yun pa ang may ganang makipag break sakanya at palayasin siya.
Asshole lang.
I don't know what came over me but I offered her one of the spare rooms sa condo ko. We've been inseparable since then.
"Pero Jules, minsan take credit ka naman oh, sawang sawa na kami sa papuri and freebies. Ang galing mo kaya." Kinurot ni E yung pisngi ko. "Tapos, minsan mag ayos ka naman parang di ka pa naka move on sa emo days mo. Lahat yata ng damit mo puro lang pants shirts and shorts."
"Salamat ha." I said sarcastically. "Wala akong pakialam sa fashion sense mo. Pwede ba E? Di ko kailangan mag dress o magpalabas ng clevage just to impress people." Pinagpag ko yung imaginary dust sa Ramones tshirt ko.
Isa pa tong si E. Unfortunately resident din siya sa condo ko.
Nagkasabay kasi kami sa interview para sa ad execs position sa Lumineer Seventh (ito yung ad company na pinapasukan namin). Bumubuo kasi sila ng team na hahawak ng experimental accounts and rinecommend ni Les na mag apply ako dun, kasi dun din siya.
Well, medyo reluctant ako sa umpisa kasi ba naman baka magkapalit na ang mukha namin ni Les sa halos araw araw ba naming magkasama, kulang na lang sabay kami jumebs.
Isa pa, siya kasi yung kukuning team lead. Eh nung time na yun kakagraduate ko pa lang ng Advertsing, syempre madami pako gusto I-prove. Pero inassure niya naman ako na wala siyang impluwensiya sa pag hire, so walang bias kung yun daw ang iniisip ko.
Napapayag na din ako kasi nag consult na siya sakin dati sa isang side project niya and hindi ko makakalimutan yung mukha niyang pangkontrabida habang sinasabi niya sakin na gustong gusto niya daw I-exploit ang mga ideas ko.
So yun na nga, habang nag hihintay ako mainterview, nakatabi ko si E. Naka earphones ako nun para ma divert yung kaba ko, ng biglang mahagilap ng mata ko yung title ng kanta na pinapakinggan niya sa phone niya. Ewan, parang yung feeling ko nung nakilala ko si Les, ganun din nangyari kay E. Tinanggal ko yung isang earphone niya sabay palit nung earphone ko.
Tumaas yung bagong ahit niyang kilay at ngumiti. Pinisil niya yung kamay ko sabay sabi ng "I love you bitch."
Yup, Bohemian Rhapsody ang nervous theme song namin. What are the odds right?
Holding hands kami ni E bago at pagkatapos ng interviews namin. Sabay din kaming tumili ng lumabas yung HR at hinire kami on the spot.
"Pero Jules di nga. Dapat lagi ka na lang mag smile. Bagay sayo. I like that look on you." Binangga ni Andre yung shot glass niya sa shot glass ko.
Ahhh s**t.
Wag ganyan Andre please.
"Oh my God, pakibalik ng attention kay Leslie please." Sana wala nakapansin nung pag blush ko, or sana kung nakita man nila isipin na lang nila allergic ako sa vodka.
Umayos ka Jules!
"CR muna ako." Paalam ko sa kanila.
"Samahan kita?" Offer ni Leslie.
"It's okay Les." I smiled.
Shit,what is up with this vodka?
"You're f*****g smiling again Jules!" Kinurot ni Andre yung pisngi ko.
I gasped at the mere contact.
This is pathetic.
Hopeless ka na talaga Jules.
Pigil kong kinagat yung labi ko at tumalikod sa table namin.
Saka lang ako nagpalabas ng malalim na buntong hininga ng maka limang lakad ako.
Hinimas ko yung kinurot ni Andre na parang tanga habang nag lakas papuntang cr.
"Watch your step, woman!"
Huh?
"Oh no, I'm so so sorry!" Yikes, nabuhos yung whiskey na hawak nung lalake.
Nabangga ko yata--oo nabangga ko nga.
"Tatanga tanga kasi." Biglang sabi ng isang babae. Parang may nag click sa utak ko at tinapunan ko siya ng tingin.
Maganda siya.
Bitch nga lang.
"I said I was sorry. I already apologized. Do you want me to apologize on social media too? Or maybe worship the ground that you are standing on?" Ay english, salamat sa confidence, Greygoose.
"Who do you think you are? No one talks to me like that!" Wow si ate pang teleserye.
"Oh, me? I'm a nobody. And I don't even give a s**t kung sino ka. In the first place hindi naman ikaw yung nabangga ko--or is that what you're good at?" I crossed my arms against my chest.
"What?" Naguguluhan siya sa sinabi ko.
"You know.." I smiled sarcastically. Nakita kong tumaas ang kilay nung lalakeng nabangga ko na parang na aamuse. Well, thank goodness may nakakagets ng sinasabi ko. "Putting your nose where it doesn't belong."
"Eh b***h ka pala eh!" Nawala yung poise ni girl, sasabunutan na yata ako kung di lang napigilan nung lalake.
"Stop it, Sandra." Ay wow bagay yung pangalan niya.
Pang kontrabida.
Well, mas kontrabida ako.
Okay, not really, ni hindi nga ako confrontational, pero kung ano man itong sumapi sakin ngayon at ang lakas ng loob ko, thank you universe!
"Yes, Sandra stop embarrassing yourself." linagay ko yung kamay ko sa aking dibdib.
"And seriously?" Tinignan ko yung lalake at tinitigan nya din ako na parang *well?*
"Woman? Who says that nowadays?" I shook my head at him.
"I hate to break it, but its wasn't nice meeting both of you. I hope to never see you again." Ngumiti ako at naglakad palayo at papasok sa ladies room.
Pakalabas ko ng cubicle, inayos ko yung contacts ko. Nakakamiss din pala yung mag eyeglasses. Minsan kasi na iiritate yung mata ko pag nakakalimutan kong tanggalin yung lens.
Inaayos ko yung buhok ko ng bigla akong natigilan.
Holy s**t, ako ba yun kanina? Or dahil yun sa vodka?
Parang hindi ako yun eh.
Kelan pako naging confrontational? Eh recitation nga nung elementary iniiwasan ko. Lalo na yung thesis defense ko kulang na lang may dala akong twalya at mukha na ako bagong ligo sa pawis.
Hindi ako verbal person.
Pero bakit parang ang galing ko mambara kanina? s**t baka absinthe yung nainom namin? May halo bang drugs yun??
Halaaa.
"Hoy Jules, ok ka lang?" Syempre nagulat nanaman akong parang tanga ng bigla na lang sumulpot si Les sa cr.
"Leslie! Di ka maniniwala sa nangyari sakin kanina. May inaway ako!" Halos matawa kong sabi.
"Oh my God Jules, kaya pala ang tagal mong nawala! Spill!" Nakita ko nanaman yung sinister smile ni Les.
Kinwento ko sakanya yung nangyari.
"Holy crap. Seryoso to? Hahahaha." Tinawanan niya ako. "Dapat na video ko Jules sayang! Nagulat ka din siguro sa mga sinabi mo noh?"
"Sinabi mo pa. May halo ba yung iniinom natin?" Tanong ko panigurado lang.
"Gaga hindi yun gin halo. Saka wag ka maingay mamaya may makarinig pa satin, ang sosyal pa naman dito." She giggled.
"Baliw, hindi yun ang ibig kong sabihin." Tumawa na din ako.
"Hay nako tara na nga, isayaw na lang natin to!" Sabay hila niya sakin palabas.
............