Six

2412 Words
Julianne Victoria    Napansin kong nakatitig sakin yung tatlo pagkababa ko ng phone.   "Si Third?" Tanong ni Les na nakangiti.   Napalakas yata boses ko, I miss kuya so much!   Paminsan minsan kasi naaabutan niya akong kausap sa phone sina kuya at Marj.   Tumango na lang ako at tinungga yung bote ng beer. Swerte ko pa din kasi hindi sila masyado matanong pagdating sa background ko. Basta alam lang nila nasa probinsiya ang family ko and mag isa lang ako dito sa Manila.   Alam din naman kasi nilang medyo(understatement of the year) closed off ako pagdating sa mga ganyan.   And kahit tatlo lang silang kino consider kong friends, at least I know they are real.   Sabi nga nila, keep your circle small and your freaking beers cold.   "Ang lambing mo pala." Bulong ni Andre sakin.   "Huh?" Medyo namula nanaman yung pisngi ko.   Lately di ko alam kung bakit hindi ko ma contain ang reactions ko.   "Wala. Alam mo, you are so mysterious Jules." Sabi niya pa sabay subo ng sisig.   "Ay hala si Andre." Comment ni Les.   "What? Okay, I admit I am attracted to Jules, sue me." Nangingiting pag admit ni Andre.   Napa tagay na lang ako.   "Still Andre, we can't help the what ifs. Ikaw Jules, are you attracted to him? Tutal naman lahat tayo dito ay unfiltered ang bibig." E leaned on the table, clearly fishing for details.   Yep, perks ng circle namin ay blunt honesty and criticism.   "Hoy, tigil na muna natin yan. Pulang pula na si Jules. Ikaw Andre, umayos ka ah. And Eduardo, behave." Saway ni Leslie.   "Fine. malapit na daw si Craig. May kasama." Bawi ni E.   "Kasama?" Taas kilay na tanong ni Les.   "Ka Mason niya. Galing abroad. Single daw Les.." E winked at her.   "Hala, bakit si Les lang?" Biro ko nung naramdaman kong di na namumula ang mukha ko.   "Wag ka ng makinig kay E." Parang nagtatampong sabi ni Andre.   My god, nagseselos yata.   Nabulunan tuloy ako ng kinakain kong sisig.   Okay, this is all new to me.   "Andre.." Di ko na napatuloy ang sasabihin when I heard Leslie gasped.   As in a dramatic gasp.   "No way.."   "Holy s**t!"   Sabay na sabi nina E at Les. Nakatalikod kasi kami ni Andre sa entrance.   "Hi babe." Bati ni Craig kay E. Lilingon na sana ako kaso may nagsalita.   "Small world." sabi ng malalim at malamig na boses galing sa likod ko.   Shucks, yung balahibo ko sa batok tumayo.   Hindi ko na kailangan lingunin para malaman kung sino yun.   "Mr. Guttierez!" Halos sabay sabay silang napatayo habang napako lang ako sa upuan ko.   "Kuha lang ako upuan." Bulong ni Andre sa tenga ko.   "Please call me Vincent . Wala tayo sa office. Besides, I'm here with a good friend."   Medyo nagulat ako nung umupo siya sa tabi ko.   Naamoy ko tuloy siya.   Ang bango.   Ayaw ko man magcompare pero mas ma appeal ang amoy niya kaysa kay Andre.   And yung boses niya.   Shit ang weird ng hot/cold something ko sa lalaking 'to.   OH my God Jules   umayos ka!   "Julianne." Nakaharap sakin yung direction ng legs niya habang naka patong yung siko niya sa lamesa.   There's something intimate about his sitting position.   Yung kahit nasa group table kami parang kami lang yung magkatabi.   "It's still Ms. Sandoval to you Mr. Guttierez. Only my friends call me that."   What? Bakit ba kasi b***h mode ako lagi pag dating sakanya.   He just smirked and motioned for the waiter.   "Hey, gusto mo ng Salpicao?" Tanong ni Andre na nakakuha na pala ng upuan at katabi na ng bench ko.   "Sure." I can feel the tention brimming.   Lalo na ng narinig ko si Mr. Guttierez na nag mura.   Buti na lang may tumawag sa phone niya at nag excuse palabas.   Medyo nakahinga ako ng konti, pero nakatulala sa harap ng sisig.   "So, about dun sa theme ng shoot, tingin mo okay na yung color pallette na napili ko? Para kasing may kulang." Hinawakan ni Andre yung siko ko para ma kuha niya attention ko.   Oh my.   "Hmmnn." Oops.   Bakit ba kasi ngayon lang to nangyayari sakin, ang tanda tanda ko na feeling ko tuloy teenager ako ngayon dahil sa mga weird na pangayayri.   Sandali Jules, pull yourself together.   "Send mo sakin yung color hex, mag ri-research ako kung pwede pa nating ma improve." Sagot ko habang iniwas yung siko ko ng pasimple at kumuha ng sisig.   "Great. Thanks Jules.." Napakamot siya ng ulo na parang may gusto pang sabihin.   Na stuck tuloy yung isusubo ko sa may bibig ko habang kunot noong hinihintay ang sasabihin niya.   "Coffee tayo bukas? Tayo lang.Kung pupwede." Tinitigan niya ako ng marahan sabay palabas ng dimples niya.   Oh my..Jules umayos ka.   I mentally let out a girlish giggle.   Hey, hey give me a break kahit anong mangyari babae pa din ako.   "Uhh.." Di ko sure ano isasagot ko kaya sinubo ko na lang yung sisig.   Shit nasabay yung sili.   Pasimple kong linunok na lang at nagdasal na wag maduwal.   Wow, Jules,ayusin mo.   "Hmmn.." Nag iisip siya. " Okay lang kahit next week or next month, hindi kita kukulitin. I'll wait for your reply."   And lumipad nanaman ang utak ko.   Coffee lang maghihintay daw siya kahit matagal?   "Thank you." Yun na lang nasabi ko.   Di ako sanay sa attention. And situations like this?   I always see to it that things won't go this far.   Hindi ko alam kung kelan nag karoon ng crack yung tinayo kong pader sa pagitan ng sarili ko and the outside world.   Mahirap na ang triggers.   Ayaw ko na yun mangyari ulit.   "Basta, email mo na lang sakin ha?" Wala na ako maisip na sasabihin.   Ngumiti si Andre. Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog ang phone niya.   "Excuse lang Jules." Sabi niya sabay tayo at labas ng Central.   Bumuntong hininga ako at linibang ang sariling kumain ng sisig.   "So, Jules sabi sakin ni E, dumidiskarte daw sayo si Andre?" Nangingiting sabi ni Craig.   Tinaasan ko ng kilay si E kasabay si Leslie dahil malamang tong dalawa yung nag chismis.   "Tigilan niyo nga ako ah." I pouted.   "Wow ang dami naman niyan!" Na divert ang attention naming lahat sa mga dinala ng waiter.   "s**t, ano to feeding program?" Natatawang sabi ni Les pero biglang bawi ng tumingin sa likod ko.   Andiyan nanaman siya.   "So, kulang pa ba yung inorder ko? Just tell the waiter what you guys want okay?" Narinig ko nanaman yung malalim at malamig niyang boses.   Parang nakakakiliti.   Ay hala bakit ko naiisip ang mga to?   Kanina lang kay Andre ah.   "I'm sorry for the unexpected call." Nabigla ako ng hinawakan niya yung balikat ko at naupo. "Anong gusto mo?"   What is happening?   Bakit siya nag sosorry?   Ramdam ko nakatitig samin sina Leslie.   What do I do?   Bakit parang mas nakakakaba pag siya yung nagtatanong ng mga ganito kaysa kay Andre?   Oh my god Oh my God!   Liningon ko siya para mabasa ang expression niya.   Oh god..Intense.   Again I don't know why but I said it.   "You don't have to apologize Mr. Guttierez." Sabay titig sa kamay niyang nakapatong pa din sa balikat ko na para bang 'alisin mo yan'. "Actually I prefer my peace and quiet. Don't mind me, I'm contented with this bottle of beer."   Too late na yung pagsisi ko sa mga sinabi ko kahit gusto ko bawiin hindi ko na magagawa kaya tinungga ko na lang yung beer. I know he was just being nice and I was rude.   It took a few seconds bago niya alisin yung kamay niya sa balikat ko.   Sadly, I missed his hand on my shoulder.   What the hell?   I don't like these kinds of emotions that I'm feeling right now.   Nakaka overwhelm.   May tumikhim at nagkamot ng ulo sa peripheral vision ko.   "Pagpasesniyahan mo na lang tong si Jules, Vincent..Medyo aloof talaga yan." Sabi ni Craig.   Wow parang wala ako dito ah?   Tinapunan ko siya ng tingin.   Asar.   Nakaka asar talaga!   "Cheers na lang tayo!"Sigaw ni Leslie.   I silently thanked her for breaking the awkwardness.   Mr. Guttierez probably got the message and stopped bugging me.   Kausap niya na ngayon si Craig tungkol sa existing cases na hawak nito sa PAO.   "Hey." Bati ni Andre sa lahat at medyo nagulat ako nung bumalik siya galing sa labas.   "Hey." Si Leslie nagsabi samantalang tiningnan na lang namin siya.   "I'm sorry to bail on you guys, pero may pinaparush na photos yung sports apparrel account natin. Nagkaroon kasi ng miscommunication sa deadlines. Wala akong magagawa. Is it okay to go ahead?" Hawak niya yung sintido niya habang nagsasalita.   "Booooo." Pang asar ni E.   "Haha. I'll go now. Ikaw na lang Craig hatid sakanila ok lang? Di ko kasi alam if makakabalik pako."   "Sure." Sabi naman ni Craig.   "Thanks man." Umupo siya sandali sa tabi ko.   "I'll be waiting for that coffee." bulong niya sakin sabay nakaw ng halik sa pisngi.   Oh my god!   I'm pretty sure I look like a red tomato right now.   Na himasmasan ako agad nung narinig ko yung padabog na pag bagsak ng baso ni Mr. Guttierez.   "Hoy Jules ha! Ano yun? Bakit my kiss? Kelan pa yan? Akala ko ba dumidiskarte lang?" Taas kilay na tanong ni Craig. Siya lang yata ang oblivious sa table namin. Nakita kong umiiling ang ulo ni E at si Les naman ay nakaka inis yung ngiti sakin.   Hindi ko na tiningnan reaction ni Mr. Guttierez dahil hiyang hiya ako.   How did I not see that coming?   Lately distracted na talaga ako.   Hindi ito si Jules.   And if there's anything I hate the most, it's..change.   I need to talk to my therapist asap.   Siniko ni E si Craig para tumigil ng di ako sumagot.   "Friendly lang talaga yun si Andre. Kinikiss ko din naman pisngi ni Jules, si Les ganun din naman." Bawi ni E.   "Haynako, cheers na lang tayo ulit?" Tinaas ni Leslie yung baso niya.   Feeling ko pag nagpatuloy yung ganitong mga sitwasyon, magkaka pigsa tong si Leslie sa kilikili kaka cheers.   Sumabay na kaming lahat sa toast niya at nag open na ng topic si E tungkol sa bagong update ngayon sa f*******: Messenger.   "Yan kasi yung mahirap sa concepts, very rare makaisip ng original. Halos lahat ng existing designs/interface ngayon pareho na ang itsura. Puro na lang revision and re hashed ideas. Para ng i********: tuloy yung messenger. For me, mas preferred ko yung classic." Comment ni Leslie.   "Agree ako sayo Les, ang gulo na kaya ng messenger, ang dami ng kung ano ano. Parang trying hard na tuloy. Medyo subtle pa naman yung move ng Insta, but then again nakay Zuckerberg na din yung Insta diba?" Sabi ni E sabay tusok sa calamares.   Bilib din ako dito pag dating sa pulutan.   Lakas maka kain ang hina naman uminom.   Ang bilis pa malasing.   At lagi pa akong sinusukahan.   "Julianne." Oh.   Pangalawang beses ko ng narinig yung buong first name ko galing sa bibig niya, pero parang first time pa din.   Ang sensual pakinggan.   Hala nanaman.   Gusto ko siya tarayan pero baka sumobra na ako kaya linigon ko na lang siya.   "Can I call you Julianne?" Wrong move, para akong na hypnotize nung titig niya.   Oh my..blue eyes.   Suddenly parang gusto kong maging si Julianne ngayon at hindi si Jules na mataray sakanya.   Ngayon ko lang siya natitigan sa mata ng matagal and I can see he's trying..but what exactly?   "Okay?" Crap.   Ngumiti siya...   Ngumiti siya.   Ngumiti siya!   Para akong tangang natulala.   Seriously, may drugs ba tong beer?   Napansin ko na lang nakahawak na siya sa kamay ko.   I gasped at the zing that I felt so I removed my hand under his.   "Bakit di mo sinasagot yung mga tawag ko?" Malumanay niyang tanong.   Tawag?   "What do you mean?" s**t.   "I've been trying to call you. I even texted you to answer your phone."   Kinuha ko yung phone ko at inopen yung messages.   "Ikaw to?" Pinakita ko sakanya yung messages ng isang unregistered number.   "Yes." I saw his jaw ticked. "Why didn't you save my number?"   Huh?   In the first place pano niya nakuha yung number ko?   I never give out my personal number to just about anyone.   "Why would I? Napaka self absorbed mo naman yata." I can't help but get irritated.   But still, my number is private.   Bigla ako nanlamig ng hindi inaasahan.   This is not a side effect of the beer that I am drinking, that I'm sure.   No.   No no no.   Bigla akong napatayo at kinuha yung bag ko.   "I'm sorry guys, una na ako." Hindi ko na hinintay yung sagot nila at dali dali na akong naglakad palabas.   Shit, bakit ngayon pa.   I can feel the rapid palpitation of my heart. Buti na lang open space baka mahimatay lang ako dito.   I tried to calm myself down and count to ten.   "s**t. Bakit ngayon pa..I hate this." I muttered to myself while pacing to and fro the sidewalk while waiting for a cab.   "Julianne." Hindi ko alam kung galit ba siya or takot.   I stiffened.   Isa pa to.   But then I realized nag slowdown na yung palpitation pero nilalamig pa din yung katawan ko lalo na ang aking mga kamay.   "Go away Mr. Guttierez. I can't do this right now." I whispered, hoping and praying na may dumating ng taxi at lubayan niya ako.   "Tell me, what is wrong." Hindi niya ako linapitan pero ramdam kong gustong gusto niya akong hawakan.   God, these feelings are pretty crazy.   Para akong nag ka crash course sa puberty stage.   "Nothing.Just let me be." Umiling ako habang nakatingin sa kalsada.   At least okay na heartbeat ko, but then again, I could feel a build up on my chest.   And it's entirely a different thing.   "Lalapitan kita." Bigla akong napatingin sakanya.   Trust me, sabi ng mga mata niya.   And I'll be damned..I did not stop him.   Nakatigtig lang ako sa kanya habang dahan dahang lumapat ang mga kamay niya sa balikat ko.   "Tell me. Let me unravel you." Ahh s**t, tumayo yung balahibo ko.   "I can't. I mean I don't.. You don't want to open a Pandora's box." I surprised myself upon uttering those words.   Ano tong nangyayari sakin?   Kumunot yung noo niya na parang gusto niyang i figure out lahat ng tumatakbo sa isip ko.   He sighed and tightened his grip on my shoulders.   "Very well. At least let me take you home?" Lumuwag yung pagkahawak niya sakin at medyo na dissapoint ako nung ilingay niya yung mga kamay niya sa kanyang bulsa.   Marahan akong pumikit at tumango.   I don't know but there's just something about this moment.   This man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD