DAMANG-DAMA ni Cielo ang tagumpay nya sa pagpatay kay Tala pero may maliit ding bahagi sa kabuuan nyang nanghihinayang dito. Ideal kasi talaga sanang maging host si Tala. Alam ni Cielo sa sarili nyang magiging malakas pa sya kung makukuha nya si Tala. "Oh well," binitiwan na ni Cielo si Tala. Maririnig ang mahinang tunog ng pagkahulog ng katawan nito sa sahig. Unti-unti na ding sumunod ang katawan nya sa pagharap sa nasa likod nyang multo ni Tala. "Wala na tayong magagawa. Wala ka na ding kwenta, Tala. Isa ka na lang din sa mga ordinaryong gumagala na kaluluwa sa mundong ito. Nakakahabag." Patuloy na pagkutya nito sa multong Tala. Nakatitig lamang ng mariin si Tala dito. Hindi malaman ni Cielo na kahit napatay na nya ito'y parang hindi man lang nabawasan ang confidence nito. "Sayang ka

