TALA "A-APONG Syon?!" Hindi makapaniwalang litanya ko ng makita kung sino ang nasa aking harapan. Lumingon ako saglit sa aking likuran at nakita ang nakahandusay na si Apong Syon. "S-sino ka?" Yung kaba sa dibdib ko ay hindi ko maipaliwanag. Katulad na lang ng eksenang nasasaksihan ko ngayon. "Gulat ka 'no?" Ngumiti ng nakakaloko yung multo. Mas nasilayan ko na ng mabuti ang kanyang mukha. Kahit mas maputla ito at maitim ang mga labi, hindi maipagkakailang magkamukha sila. Naging normal na rin ang boses nya. Hindi na yung pangmulto na boses. Boses babae na. "S-sino ka?!" Kahit nauutal ay pilit kong tinatanong kung sino ito. Wala 'to sa plano. At oo, totoong gulat na gulat ako sa nangyayari. Pero I need to stay focus. I need to stick to the plan. Pero paano? Bakit hindi ito sinabi sa ak

