ZAREH ALAM mo yung masakit? Yung akala mo okay na ang lahat? Yung akala mo na mahal ka nung mahal mo tapos bigla na lang silang mawawala na parang bula? Na parang walang nangyaring espesyal sa inyong dalawa? Na parang wala kayong pinagsaluhang masasayang sandali? Ala-ala. Ito na lamang ang kanyang itinira simula ng iniwan nya ako sa kawalan. Paano ba mabubuhay ang isang taong sobrang umasa tapos sinaktan lang? "Wala kang magagawa, Zareh. Please, tama na ang pag-aala spoken poetry mo dyan." Sita ni Harvey sa akin. "Narinig mo?" Nagtatakang tanong ko dito. "Ay wow. Syempre, madam. Kung hindi ba naman ang lakas ng boses mo dyan habang nagtitipa sa screen ng phone mo. Jusko, yang mga followers mo mga ano din, manggagatong." Mahabang litanya nya. "Tigilan mo nga sila, Harvs. Nakikiramay l

