DREAM "CUT!" Umalingawngaw na sigaw ng direktor. "Zareh, ano ba? Focus, please! Ilang araw ka ng ganyan." Inis na sabi ng direktor. Nakayuko naman si Zareh na parang pagod na pagod. Magkasama kami sa eksena ngayon kaya nasa set din ako. "Okay ka lang? Pahinga ka muna kaya?" Mahinang bulong ko kay Zareh. Malungkot itong ngumiti at mahinang nagsabi ng, "Okay lang ako." Wala naman akong nagawa. "San yung manager ni Zareh!" Sigaw ulit ng direktor. "Next scene na lang muna tayo. Pahinga ka muna Zareh." Dagdag na sabi ng direktor. "Sorry." Ang huling narinig ko kay Zareh bago sya nakayukong umalis sa set kasama ni Harvey. Ang nagawa ko na lamang ay sundan ito ng tingin. "Pasensya ka na, Dream." Sabi ni Direk. "Yung scene na lang muna ninyo ni Cody and i-take natin." Tumango naman ako.

