Prince Kira's POV
"Tell me Thea, nasaan si Alexis?" I kept on asking her the same question.
I dragged her in an empty room and locked the door, now there is only me and her.
I know Thea, napakasuplada niya at terror, just like her father. Dito na siya nakatira sa kastilyo, ngunit sa pinakadulo na nito. Wala silang bahay, ang ina niya ay pumanaw no'ng siya ay sanggol pa lamang at ang ama niya ay punong kawal na no'ng mga araw na iyon, hindi niya maiwan ang kaniyang trabaho kaya naisipan ni mommy na dito na lang sila patirahin.
Hindi kami masyadong close, I don't like her ever since. Maingay siya at ang sama ng ugali niya. My mom told me to treat her like a sister, hell no! I can't stand it. Dumaan ang ilang araw, medyo hindi na rin siya nagugustuhan ni mommy. Napaka-bossy niya sa mga tagapagsilbi where in fact wala siyang karapatan.
Humakbang siya patalikod, "I told you, I don't know!" sagot niya. Hindi na siya nauutal at takot tulad kanina.
"Narinig ko ang usapan niyo ng kausap mo, don't deny! Huling-huli ka na."
She crossed her arms, "I want her to be gone pero hindi ako ang nagpa-kidnap sa kaniya, I can't do such thing! why are you overreacting? Do you like her?!" taas kilay niyang tanong.
I gulped and gritted my teeth, "You disgust me by your words," malamig kong sinabi.
"Chill Kira, tagapagsilbi lang siya, hindi kawalan."
Nakunot ang noo ko sa sinabi niya, "Naririnig mo ba ang sarili mo? Tao rin siya."
"Why are you so OA? Ha? Mahal mo na siya noh? Umepekto na ang gayuma niya sa'yo!" Napataas na lamang ako ng kilay sa sinabi niya. What gayuma is she talking about?
Magsasalita na sana ako kaso inunahan niya ako, "I should call your dad and report everything!" at natataranta niyang inilabas ang kaniyang cellphone sa bulsa niya.
I grabbed the phone right away!
"WHAT THE HECK, THEA?! ARE YOU INSANE?!" Nanggigigil kong bato sa kaniya. She is really putting me at the peak of my emotion. My dad is a very busy person, at lahat ng tumatawag sa kaniya ay mga importanteng tao na may importanteng sasabihin lamang. Ginagalit talaga ako nitong Thea na ito!
"This is for your own good, Kira." She said.
"Shut up! I want you and your dad out of this castle!" I said without thinking.
She was speechless, at medyo nakonsensya ako. But the real thing, I really mean it, I want them gone. Ayaw ko lang sabihin sa bastos na paraan tulad nito. Pero nagawa ko na eh.
Seconds of silence, and I was shocked when she just smirked on me, "You can never kick us out." wika niya. Para bang nag-iba ang kaniyang aura. Parang may masamang kaluluwa ang sumanib sa kaniya and because of that, ako na naman ang speechless.
Paano niya nagagawang sagutin ako ng ganoon? I AM A PRINCE!
Hindi ko napansin na dahil sa sobrang ka-speechless at tulala ko ay nakalabas na pala siya ng silid. Ako na lang ang naiwan sa loob.
Ang bastos niya.
Hinayaan at pinalampas ko na lang ang ginawa ni Thea. I was more busy looking for Alexis and for some magical thing that can bring me to her. Confirmed naman na hindi si Thea ang may kagagawan nito, based kn her actions and words. Dalawang araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin namin nahahanap si Alexis. Laging napaparito ang kaniyang ina upang makibalita kung nahanap na ba ang kaniyang anak, at tuwing naririnig niya ang masamang balita, napapaluha na lamang siya. It hurts me.
How can I find you Alexis?
"How is my husband?" Isang nakakaakit na tinig ang nabuo sa kalagitnaan ng gabing ito. Lumingon ako at napatitig sa napakagandang dilag. Bumisita pala siya.
I smiled, "But we're not yet married," sagot ko. She sat beside me and leaned on my shoulder, nasa terasa kami ngayon.
"Dalawang araw na lang eh, ikakasal na tayo and we will be as one," she said.
Hindi ako nakaimik, Alexis is still missing. Hindi kaya ng konsensya kong magpakasaya sa araw ng kasal ko habang si Alexis ay nawawala, ewan ko kung ayos lang ba siya, nakakain na ba siya o humihinga pa ba.
I wanna postpone the wedding.
"What's wrong?" She woke me from thinking.
"N-Nothing," sagot ko.
Huminga siya nang malalim, "Si Alexis ba iyan?" tanong niya. She knew about my lost servant.
I nodded.
"Nalulungkot din ako para sa kaniya, your mother told me that you two became somehow close. Maaari naman nating ipagpaliban muna ang kasal at ilaan ang araw na iyon at iba pang araw sa paghahanap kay Alexis." Nabuhayan ako sa sinabi niya.
"Really?" My tears almost drop.
She smiled, "Bakit hindi mo naisip na ipagpaliban na muna ang kasal? Don't tell me you wanna pursue the wedding more than to find Alexis?" tanong niya.
I shook my head, "It's not that, naisipan ko ring i-postpone ang kasal, I just can't say it to my parents. They are all dying for that wedding at baka kapag pinilit ko sila na ihinto ang kasal, baka isipin nilang mahal ko si Alexis." I answered honestly.
She laughed, "At ngayon tayong dalawa na ang boboto para sa pag-postpone ng kasal, sa tingin mo may magagawa pa ba ang mundo para ituloy ito? Hmm?" She said sweetly. God, I am so blessed.
I hugged her so tight. Sabi niya ay tutulong siya sa paghahanap, halos maluha ako sa galak. A girl like her is indeed one in a million.
Wherever you are Alexis, wait for me. I'm coming for you.
Ako ay natutuwa na, tuwang-tuwa ngunit sumagi sa akin ang reyalidad. Alexis was took by magical creatures, how can we find her? Paano namin siya mahahanap kung kami lang ni mom at dad ang nakakaalam tungkol sa mundo ng mahika? Should I tell Sheila? Tutal ay magiging isa na rin.
Urgh. Gulong-gulo na ako. Kahit na sabihin ko sa kaniya, wala rin naman siyang magagawa. Kahit itong mga ginagawa ko, wala rin itong magagawa para mahanap si Alexis. What I need is magic.
Stupid me, useless lamang ang mga posters. Again, I need magic!
Kailangan ko ng mangkukulam, o manggagayuma, o aswang o kung ano pang may kapangyarihan, just in case alam nila kung paano ako matutulungan sa bagay na ito. Kailangan ko bang bumalik sa kagubatan kung saan minsan kami naligaw ni Alexis? Baka may ma-encounter ulit akong witch.