CHAPTER 20

2033 Words
Prince Kira's POV Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa amin ni Karma, ang huling naaalala ko lamang ay no'ng ako ay pinakawalan ni Fernandez, may usok na bumalot sa aming tatlo at nahilo na naman ako at nahilo rin si Karma, una akong bumagsak sa sahig bago si Karma habang ang punong kawal ay nanatiling nakatayo. Iyon lamang ang aking naaalala, nawalan na ako ng malay. Nagising kami sa madilim na paligid, walang liwanag na makikita, kahit na tuldok na liwanag o puting bagay ay walang makikita rito. Balot na balot kami ng kadiliman. "Karma," pagtawag ko sa pangalan niya, nagbabakasakaling nandito rin siya sa lugar na ito. I heard my voice echoed which means I am in a closed place. The heck, where part of the darkness' kingdom are we? "K-Kira," nanghihinang tawag ni Karma. Thanks goodness! Nandito pala siya, hindi ko nga lang makita. "It is so dark in here," wika ko. Sinubukan kong galawin nang kaunti ang aking katawan at ako ay nagulat dahil malaya ko itong naigalaw. Hindi na pala ako nakatali at nakaposas. "Wait," wika niya at saka gumawa ng mahika. Nawili ako sa mga alitaptap na nabuo sa paligid. Napakaraming alitaptap, sapat para bigyan ng kaunting liwanag ang lugar na ito. There is Karma, sitting at the corner with her weak body. Nilapitan ko siya at tinulungang makatayo. Nahirapan akong itayo siya dahil masakit din ang aking katawan, kumikirot ang aking mga kasukasuan, parang galing ako sa suntukan eh. "Ang reyna.." nag-aalala niyang bigkas. Si Alexis... baka may masamang ginawa na sa kaniya ang kadiliman. Baka nakuha na ng kadiliman ang kaniyang kapangyarihan. Baka.... urgh, hindi ako maaaring lamunin ng aking pag-iisip. Dapat gumawa ako ng aksyon upang hindi ito matuloy. "Karma, kaya mo bang ialis tayo rito?" tanong ko sa kaniya. "Sundan natin ang mga alitaptap, dadalhin nila tayo sa reyna," wika niya. Ang kaniyang braso ay nasa aking balikat, paikang-ikang kami habang naglalakad ngunit patunoy pa rin kami. Parehong masakit ang katawan namin at masama ang pakiramdam kaya kailangan namin tulungan ang isa't-isa. Sinundan ko ang mga alitaptap habang akay si Karma. Inabot kami ng bente minuto bago namin matagpuan si Alexis. Dinala kami ng mga alitaptap sa underground ng mansyon. Ang baho ng lugar, parang ilang libong tao't hayop na ang nasawi rito. Sa gitna ng lugar na 'to ay nakita namin si Alexis na nakatayo at walang emosyong makikita sa kaniyang mukha, nakadapo lamang ang kaniyang mga mata sa amin na para bang inaasahan niya ang pagdating namin. Ang suot niya ay damit pangbahay lamang, iba ang kaniyang suot no'ng pumunta sila rito sa suot niya ngayon. Tinanggal ni Karma ang kaniyang sa braso sa aking balikat at tila nabigla nang makita si Alexis. Walang imik ang dalawa. Lumingon-lingon ako upang hanapin ang kadiliman ngunit wala akong nahanap. "Alexis," pagtawag ko at 'di na ako nag-alinlangang lumapit sa kaniya upang mayakap siya. I don't know why, but it seems like I am craving for her hug, seems like I missed it. Siguro dahil sa ilang araw niyang pagkawala at pinag-alala niya ako nang sobra-sobra! She should pay me by hugging back! "Kira!" sigaw ni Karma at may biglang asul na liwanag ang tumulak sa akin palayo kay Alexis kaya't ako ay tumilapon sa lupa. Urgh. My body is aching even more. Why did Karma do that? "Bakit Karm—" natigil ako sa pagsasalita nang makita ang kutsilyo sa kamay ni Alexis. "A-Alexis?" nagtataka kong tanong ngunit isang ngisi lamang ang binigay niya sa akin.  "Lumayo ka! Papatayin ka niya!" muling sigaw ni Karma. Siya ay pumakawala muli ng asul na liwanag na siyang humatak sa akin sa mas malayong dako, malayo kay Alexis. Hindi ko maintindihan... Bakit ganito ang nangyayari? Ano ang ginagawa ni Alexis? Why would she do that? Karma protected me from Alexis. I can't believe it. I don't understand. Tinangka niya akong patayin, ngunit hindi kami ang kalaban, "Hindi siya si Alexis..." sabi ko sa sarili ko habang titig na titig kay Alexis na ngayon ay papalapit kay Karma hawak pa rin ang kutsilyo at ang malademonyong ngisi. "Kamahalan, 'wag kang mabulag sa kadiliman!" Sigaw ni Karma ngunit parang walang narinig si Alexis. Gumawa si Alexis ng nakakabinging ingay na siyang nagsanhi ng pagkadugo ng aking tainga, si Karma naman ay namimilipit sa sakit habang hawak ang magkabilang tainga. Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa direksyon ni Karma, hawak pa rin ang kutsilyo. I tried to move but my body is in pain, naluluha na lamang ako habang nakikitang papalapit nang papalapit si Alexis kay Karma. "P-Please stop," sabi ko habang pumapatak ang aking luha ngunit napakahina ng aking salita upang marinig nila ito. Why Alexis? Alexis is not harmful, she not like this, hindi niya kami kayang saktan, hindi siya dapat katakutan, she is pure and kind, not a demon! Not a traitor! Pero bakit?! Alexis raised her hand with the knife on it, ibabaon na niya sana ang kutsilyo sa kalamnan ni Karma ngunit may isang itim na bagay ang nabuo sa gitna nila at dahil doon, si Alexis ay tumilapon, kasabay din no'n ang pagkawala ng nakakabinging ingay. Ako ay titig na titig sa kanila at kitang-kita ko ang nangyayari, and itim na bagay na iyon (I can't explain the appearance of it, it's unexplainable) ay naging hugis tao. Hindi ako magkakamali, siya ang witch na nakita namin sa kagubatan. Ang nang-scam sa amin, ang bumilog ng utak namin! Why did she saved us? Isn't she our foe? Isn't she one of darkness? "Karma get up!" utos nito at tinulungang makatayo si Karma. They know each other? Are they friends? Halatang nagulat din si Karma ngunit mas nakuha ang atensyon nilang dalawa sa muling pagbangon ni Alexis. Nakangisi pa rin siya at binigyan silang dalawa ng malademonyong titig. Anong nangyayari sa kaniya? Mukhang siya pa ngayon ang nagmumukhang alagad ng kadiliman. What's happening, Alexis? What did they do to you? "I told you, she will end up like queen Cotton!" wika ng witch na iyon sabay handa ng kamay nito para siguro sa pangmalakasang mahika. "N-Naniniwala akong iba siya," hinang-hina na binigkas ni Karma. "Akala ko ay miyembro ka na rin ng kadiliman, s-salamat," dagdag niya kaya't napangisi nang mapait ang witch. Wait, I am really confuse! Hindi siya alagad ng kadiliman? If she is not one of darkness' then why does she looks like one?  At bakit parang magkaibigan silang dalawa ni Karma? Ngayon ay sabay nilang haharapin si Alexis, magtutulungan pa. Ano pa ba ang hindi ko nalalaman? This kills me a lot. "Alam mo naman kung anong poot ang mayroon ako tungo sa kadiliman," aniya. Alexis multiplied herself at ngayon ay mayroon nang limang Alexis. Gumawa ang limang Alexis ng napakalaki at nakakasilaw na liwanag at saka tinira ito sa dalawa. Nagsanib pwersa naman si Karma at ang witch kaya't nakagawa agad sila ng panangga. Oh God, sure ka na ba na wala kang kapangyarihang ibibigay sa akin sa oras na ito? Gusto kong makatulong sa kanila, God sana marinig mo po. Ang liwanag na itinira ni Alexis sa dalawa ay parang special skill ni Layla sa Mobile Legends pero kasing tagal ng special skill ni Gord. Ano ba naman 'tong pinag-iisip ko, puro games. "She is getting stronger!" sigaw ng witch. "H-Hindi ko na kaya!" ani Karma. Palakas nang palakas si Alexis at mas nahihirapan sila Karma. Hindi na ako nakapagpigil pa, "ALEXIS STOP!" sigaw ko at kumaripas ng takbo palapit sa kaniya upang pigilan siya, tila binalewala ko ang sakit na nararamdaman ko sa aking katawan. Pakiang-kiang pa rin ako at nadapa pa nga ngunit... "TAMA NA!" biglang sumigaw nang napakalakas si Alexis. A sudden light from her thrust the three of us, directly on the ground. Hindi ko na halos maigalaw ang aking katawan dahil sa sobrang lakas ng pagkatulak sa akin ng liwanag na iyon, at ganoon din ang nangyari kila Karma. Hindi ko alam kung makakalakad pa ba ako nito, sobrang sakit na ng aking nararamdaman. Hindi ko na ramdam ang aking paa at braso. Lumipad si Alexis habang lumiliwanag nang sobra ang kaniyang buong katawan, hindi pa ako nakakita ng ganito kaliwanag na bagay. Mapapapikit ka na lang talaga. Mawawalan na nga ako ng mga paa't braso, baka mabulag pa ako dahil sa liwanag niya. Nako, mawawalan na talaga ako ng silbi sa mundo. Agad siyang nagpalit ng anyo, naging diyosa muli ang kaniyang anyo. Asul na buhok, pulang mata at kumikinang na puting bestida. Dahan-dahan siyang bumaba at kasabay no'n ang paglaho ng liwanag sa kaniyang katawan. Salamat at mabubuksan ko na muli ang aking mga mata. Ngayon ay klarong-klaro ko na ang kagandahan niyang taglay. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at napangiti nang makita kami, there goes Alexis, that's Alexis, the real one. "Kira! Karma!" natataranta niya kaming nilapitan dala ng sobrang galak at dala na rin ng pag-aalala siguro, ewan ko kung nag-alala ba siya sa akin. At nakunot ang kaniyang noo nang madapo ang paningin sa witch na nangbilog ng aming ulo, "Calix.." pagtawag niya rito. Wait, kilala rin siya ni Alexis? Ako lang ba ang hindi nakakakilala sa witch na ito? "Nagbalik na siya," masayang wika ni Karma na siyang ikinangiti rin ng itim na witch. "Kamahalan..." tawag ng witch kay Alexis saka yumuko. I really don't know what's with them, their connections and so, ang akin lang ay sobrang sakit na ng buong katawan ko. Nakahandusay pa rin ako. Ngumiti si Alexis at sinabing, "Teka.. ako ba ang may gawa nito sa inyo?" at agad namang nabahiran ng lungkot ang kaniyang mukha nang makita ang dugo't pasa namin. Sabi ko na nga ba, hindi siya ang may kontrol sa katawan niya kanina. Alexis won't hurt us. Hindi si Alexis ang kaharap namin kanina. "It was not you, it was the darkness. Natutuwa ako dahil nalabanan mo ang kadiliman, kamahalan." Wika ng witch. "Hindi ko rin alam kung paano ko nagawa, but I just did. Anyway, I have to heal the three of you right away." nagulat ako dahil sa unang pagkakataon ay nagsalita ng tamang ingles si Alexis. Ano ang nakain niya? Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at nabuo ang maliit na asul na liwanag, lumapit siya sa akin at itinapat sa aking noo ang asul na liwanag na iyon. Malamig na bagay lamang ang naramdaman kong pumasok sa aking buong katawan at agad na gumaan ang aking pakiramdam. And she did the same to Karma and... sino nga ang isang iyon? Calix ba? "Salamat, kamahalan." wika nila nang sabay saka yumuko sa harap ni Alexis. Did she just healed the three of us? That quick? Totoo ba ito? Nakokontrol na niya ang kaniyang kapangyarihan? Bakit parang ang dami kong na-miss out? "Wala iyon," nakangiting bigkas niya sa dalawa. Nadapo ang kaniyang paningin sa akin, "Ikaw Kira, ano pa ang hinihintay mo? Stand up now." wika niya sa akin. Dahan-dahan akong tumayo at nalaglag ang panga ko dahil wala maski isang kirot ang dumalaw sa akin, parang hindi ako nasaktan kanina, at ang sigla pa ng pangangatawan ko. Amazing. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ito. Talaga ngang makapangyarihan siya. Tiningnan ko siya at agad na ginapos, "Sa susunod huwag ka na aalis nang hindi nagsasabi! Sa susunod huwag ka nang magsasakripisyo para sa amin! Sa susunod huwag ka nang magmamatigas! Or else, we will lose you," sermon ko na may kasama pang luha habang yakap siya nang mahigpit. Ano ba? Tears of joy 'to. Masaya lang ako kasi ligtas siya. Yumakap siya pabalik and it felt so good, and besides, she owes me plenty of hugs for she made me so worried and sick looking for her tapos nasa paraiso lang pala siya. Sana mapalo siya ng kaniyang nanay para matuto na siyang magpaalam. "Kira, I can read your mind," natatawa nitong sinabi kaya kumalas ako sa pagkakayakap.  Pinunasan ko ang aking luha, "Anong nababasa mo?" kinakabahan kong tanong ngunit hindi ko ito ipinakita. "Uhm.. wala naman. Nag-alala ka lang talaga sa akin. Sorry," sabi niya. "Iba ang nase-sense ko, I can sense love," natatawang singit ni Karma. Wait, nakakabasa rin ng isip si Karma? Para bang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko dahil sa sinabi niya. "Kidding!" Dagdag ni Karma kaya nakahinga ako nang maayos. Foolish people. Huminga si Alexis nang malalim at niyakap kaming lahat, "Nga pala, Kira. Siya ng pala si Calix," wika niya habang nakaturo kay Calix, "Ang pangalawang tagabantay," dagdag niya. Oh my God! Siya pala ay isa sa tatlong tagabantay. Siya... siya ang pumaslang sa dating reyna! Hindi ako nagkakamali, siya nga. Kaya pala itim ang lahat ng meron siya, ito ay sumpa dahil sa pagpaslang sa reyna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD