Alexis' POV
Ngayon ay ginigisa na ako ng aking mga magulang, bakit ko raw hindi sinabi sa kanila ang tungkol doon eh maiintindihan naman nila 'yun. Ewan ko rin sa sarili ko eh, sobrang nilamon ako ng takot. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Niyakap ako ni tatay at sinabing tanggap niya ang aking kapalaran.
Habang kami ay nag-uusap, isang malaking boses na nagmula sa labas ang kumuha ng aming atensyon, "NAWAWALA NA NAMAN ANG PRINSIPE!" sigaw ng hindi pamilyar na boses.
Kaming tatlo ay naalerto at dali-daling lumabas upang maklaro sa amin ang kaniyang isinigaw. "Nawawala ang prinsipe?" ulit kong tanong sa lalakeng balisang-balisa.
Nagulat siya nang makita ako at mas nanlaki ang kaniyang mga mata, "A-Alexis?" pagtawag niya sa akin na para bang hindi makapaniwalang nakita ako.
"Ako nga, bakit?" kunot noo kong tanong.
"Hindi ba't nawawala ka?" Napukaw ang mga mata ng aming mga kapitbahay sa kaniyang tanong at nagsibulungan silang lahat habang panay tingin sa akin.
Napahiya ako dahil alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Paano niya nalamang nawawala ako?
"Ah, nakabalik na siya. Kanina lamang." wika ni nanay.
Muling nagulat ang lalake, bakit ba ganiyan ang kaniyang mga reaksyon? Napaka-over naman.
"Kanina lang din nawala ang prinsipe!" wika niya.
Biglang nagwala ang mga tao at saka nagtanong nang nagtanong sa akin.
"Hoy, baka ikaw ang kumuha ng prinsipe, saan mo siya dinala?"
"May milagro ka na namang ginagawa noh?!"
"Alam kong ginayuma mo siya, ano ba sa tingin mo ang makukuha mo sa ginagawa mo?"
"Ganiyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?! Nangunguha ng prinsipe?!"
Sobrang dami nilang sinasabi, ako ay palingon-lingon sa sobrang dami nila. Hindi ko maisa-isa. Lumakas ang t***k ng puso ko at nagsisimula na akong manginig dahil sa takot, takot dahil sa ginagawa nila sa akin.
Hindi ko maintindihan, bakit galit sila sa akin? Ano ba ang aking nagawa?
Pinrotektahan ako ng aking mga magulang at ipinasok sa loob ng aming bahay. Ang bahay namin ay hindi gaanong malaki at gawa lamang ito sa kahoy kaya rinig pa rin ang kanilang mga sigaw sa labas. Dali-daling isinara ni tatay ang pinto ngunit ang kanilang mga katok ay sobrang lakas, "ILABAS MO ANG ANAK MO AT NANG MAPARUSAHAN NG HARI!" sigaw ng isa sa kanila.
Ako ay mas natakot, ano ba ang nangyayari? Kumalat ba ang tsismis no'ng nawala ako? At nasaan ba ang mahal na prinsipe?
Halos lumabas ang aking kaluluwa nang biglang may sumipa ng aming pinto at ito ay nasira, luma na kasi ito. "MAGBABAYAD KA! WALA KANG UTANG NA LOOB SA MAHAL NA PRINSIPE!" sigaw ng sigang lalakeng sumipa ng pinto saka agad na hinawakan ang aking braso. Ang sakit ng kaniyang pagkakahawak, para bang sobrang tindi ng kaniyang galit sa akin at parang gusto na niya akong patayin. Nakakatakot ang kaniyang nanlilisik na mata.
"Bitawan mo ang anak ko!" Bigla siyang sinuntok ni tatay at dahil doon, napaupo na lamang ako sa sahig dahil sa pagkabigla. Ang aking mga mata ay nakatuon sa dalawang nagsusuntukan at para bang bumagal ang takbo ng oras, pati ang mga galaw nila ay bumagal ngunit patuloy pa rin sila sa pagsusuntukan. Pa-atras ako nang pa-atras habang nakaupo sa sahig.
Hindi maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko ngayon, ngayon lang ako nakakita ng suntukan sa personal at masaklap, ang tatay ko pa. Pumatak ang aking mga luha at litong-lito na ako, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.
"Kamahalan,"
Napalingon ako sa nagsalita, si Karma.
"Kailangan na natin umalis, binagalan ko ang galaw ng mga tao at nilagyan ng salamangka ang aking sarili upang hindi nila ako makita ngunit hindi ito magtatagal. Babalik din ito sa normal, kailangan na natin umalis." tinulungan niya akong makatayo.
"Ang mga magulang ko..." wika ko habang luhaang nakatingin sa kanila.
"Ibabalik natin ang oras, sa oras na pinapaliwanag mo pa sa iyong mga magulang ang totoong kalagayan mo. Sa ganoong paraan, mabubura sa alaala ng mga tao ang nangyari." wika niya kaya tumango na lamang ako at sumama sa kaniya.
Kitang-kita ko kung paano magkaroon ng anyong tubig sa pagitan ng bawat isa, at saka tinulak sila nito patungo sa posisyon kung nasaan sila bago nangyari ang pangyayaring iyon. Bumalik rin sa pagkatino ang aming pinto, "NAWAWALA NA NAMAN ANG PRINSIPE!" Sigaw ng balisang lalake.
Nagsilabasan ang mga tao pati na rin ang mga magulang ko, silang lahat ay naki-tsismis ngunit ang aking magulang ay halatang hinahanap ako. Malamang nagtataka sila kung bakit nawala ako bigla habang nag-uusap kami, hindi nila alam ang ginawa ni Karma.
"Karma, gusto kong pumunta sa kastilyo. Nawawala raw ang prinsipe," wika ko.
"Kamahalan, kinuha ng kadiliman ang prinsipe." balita niya sa akin na siyang ikinagulat ko. Bakit si prinsipe Kira ang kukunin nila?! "Kaya kinakailangan na natin umalis, alam kong nasa tabi-tabi lamang ang kadiliman," dagdag niya.
"Iligtas natin siya, Karma!" Walang duda kong sabi.
"Pero kamahalan—"
Hindi ko siya pinatapos, "Pakiusap Karma," naluluha na naman ako.
Nalungkot siya at sinabing, "Sige, pero kailangan natin mag-ingat at magtago nang maigi."
Tumango ako at pinahid ang aking mga luha. Bumalik muna kami sa paraiso upang ipaalam sa lahat ang ginawa ng kadiliman at sa muling paghihimaksik nito, dapat silang mag-ingat. Ako ay nagdiwatang anyo, pula't asul ang kulay ko. Mas ramdam ko ang aking kapangyarihan sa anyong ito.
"Kamahalan, kung ano man ang mangyayari, huwag mong kakalimutang tawagin ang aking pangalan." wika ni Karma sa akin bago kami dalhin ng puting usok sa kaharian ng kadiliman.
Malakas si Karma, sa tingin ko nga ay mas malakas pa siya sa akin. Kaya niyang makaramdam ng masasamang aura, kaya niyang ibalik ang nakaraan, kaya niyang makita ang nangyari sa isang lugar kahit na wala siya no'ng mangyari iyon, at marami pang iba. Kampante ako na kasama ko si Karma, alam kong malakas siya at kaya niya hawakan ang aming sitwasyon.
Nakarating na nga kami sa mundo ng kadiliman, at gaya ng inaasahan niyo, patay na ang mga puno rito, huni lamang ng mga uwak ang maririnig mo, ang ulap nila ay makulimlim na para bang ito ang normal na ulap nila, ang daming uod sa lupa, mga buto ng tao'y matatagpuan kahit saan sa lugar na ito, at ang baho nito. Sobrang baho. Naglakad lamang kami at panay tago sa mga malalaking puno hanggang sa makita namin ang napakalaking mansyon. Kulay itim ito ngunit sobrang laki at ganda. Napanganga ako sa mangha.
"Kamahalan, nasa loob ang prinsipe Kira," wika niya sa akin.
Tumango ako at pumasok na kami sa loob nang palihim. Wala kami ibang nakita bukod sa mga uwak at iba pang hayop. Walang mga kakaibang nilalang ang nagbabantay sa mansyon kaya nakapasok lang kami kaagad.
At nakakapagtaka, bukas na bukas ang punto nito, NAKABUKAS ANG LAHAT NG PINTO AT WALANG NAGBABANTAY! Parati ba sila tumatanggap ng bisita? Lagi bang welcome sa kanila ang mga bisita nila?
"Parang hindi naman natin kailangan mag-ingat e," bulong ko kay Karma.
"Shhhhhh," pagtatahimik niya sa akin habang siya ay seryosong nakatirik sa bawat sulok ng mansyon.
Nagpatuloy lamang kami. Isang oras na ang lumipas, halos malibot na namin ang buong mansyon ngunit hindi pa rin namin makita si Kira at mukhang wala naman ang kadiliman sa mansyon na ito eh. Baka nag-shopping.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, gusto ko na makuha ang prinsipe at nang malaman kung maayos lang ba siya. Huminga ako nang malalim at sumigaw, "KIIIIIIIRAAAAAAAAA!" nagsilibasan ang mga paniki na nasa loob ng mansyon dahil sa aking ginawa, may mga paniki pala rito sa loob hindi ko man lang namalayan.
Agad na tinakpan ni Karma ang aking bibig at kinaladkad ako patungo sa sulok at saka nagtago. Hindi siya nagsalita, marahil ay natatakot siyang mahuli kami. Diniin lamang niya ang kaniyang palad sa aking bibig. Mukha ngang galit siya sa ginawa ko eh, sobrang diin kasi ng kaniyang palad. Baka sumama na ang labi ko sa palad niya kapag tinanggal na niya ito.
Isang palakpak ang lumitaw sa dulo ng mansyon, ngayon ay pinakawalan na ako ni Karma. Sumilip kami pareho sa dulo kung saan nagmula ang palakpak na iyon, nakita ko ang punong kawal at sa likod nito ay usok na itim. Kahawig na kahawig sa usok na nakita namin ni prinsipe Kira sa kagubatan at sa usok na kasama ng pinunong kawal no'ng dinakip ako.
Kumunot ang noo ko, malamang ang punong kawal na naman ang kumuha sa prinsipe! Gaya ng pagdakip niya sa akin!
"Lumabas ka na diyan, Alexis. Kanina pa namin kayo pinagmamasdan." Wika ng punong kawal.
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Karma, ganoon din ang kaniyang reaksyon.
"Ang galing mo talaga, Fernandez." Isang tinig ng babae ang nagsalita, hindi ko alam kung sino iyon.
May dalawang malalaking halimaw ang lumitaw sa harapan namin at agad kaming kinaladkad nito patungo sa direksyon ng punong kawal, "Bitawan mo ako!" Sigaw ko sa halimaw.
Si Karma naman ay walang ingay na ginawa, tahimik lamang siya habang kinakaladkad ng halimaw.
Tinapon kami ng dalawang halimaw nang matapat na kami sa punong kawal at sa usok dahilan para maluhod kami sa sahig.
"Ganiyan nga, lumuhod kayo sa akin!" boses ng babae ang nagsabi nito saka humalakhak nang napakademonyo. Hindi ko mahanap kung nasaan ang babae, ang tinig lamang nito ang aking naririnig. Maaaring ang itim na usok na ito ang nagsasalita.
Tumayo ako, at sinamaan ng tingin ang pinunong kawal, "Magbabayad ka," wika ko sa mahinahon na tono. Tumayo rin si Karma.
Ngumiti lamang ang punong kawal at sinabing, "Hindi nakakatakot ang iyong muling pagkatao, reyna. Ibang-iba ka sa reyna Cotton!"
Medyo napahiya ako roon ngunit wala na akong pakealam, "Nasaan ang mahal na prinsipe?!" sigaw ko.
Ang itim na usok ay nag-anyong babae, hindi siya ang babaeng nakita namin sa kagubatan. Maaaring siya ang kadiliman. "Ito ba ang hinahanap mo, kamahalan?" nakangiti niyang bigkas saka bumuo ng likidong itim sa pader na nasa gilid nila at iniluwa naman ng itim na likidong iyon ang prinsipe na nakatali sa upuan.
Nanlaki ang mga mata ng prinsipe nang makita kami na para bang hindi niya kami inaasahan, "Umalis na kayo! May binabalak na masama ang kadiliman sa'yo, Alexis!" agad niyang bungad sa amin.
"Ang dami mong sinasabi," wika ng punong kawal saka tinalian ng panyo ang bibig ng prinsipe.
Maayos naman ang hitsura ng prinsipe, walang bahid ng galos na nagsasabing siya ay naghirap sa kamay ng kadiliman. Kumunot ang aking noo at saka masamang tiningnan ang kadiliman, "Ano ba ang kailangan mo sa akin?" tanong ko.
Ngumiti siya, "Ang kapangyarihan mo," wika nito.
"Tumigil ka na, kadiliman." sa wakas ay nagsalita na si Karma.
"Oh, may aso ka palang kasama. Good to see you again, Karma." mapanuksong wika ng kadiliman ngunit si Karma ay nanatiling kalmado.
"Hindi mo makukuha ang kapangyarihan ng mahal na reyna," sagot niya.
"Kung ganoon, hindi niyo rin siya makukuha," wika ng kadiliman saka tiningnan ang mahal na prinsipe.
Kawawa naman ang prinsipe, lahat ng ito ay dinanas niya dahil sa akin. Dahil sa katangahang nagawa ko, ngayon pati siya ay nagdudusa.
"Ibibigay ko ang kapangyarihan ko sa'yo, mangako kang lalayuan mo na ang paraiso at ang mundo ng mga tao." wika ko. Sa kadiliman lamang ang aking titig, ayaw kong tingnan ang mahal na prinsipe at mas lalong ayaw kong tumingin kay Karma. Alam kong hindi sila sasang-ayon. Hinding-hindi.
Humalakhak silang dalawa ng punong kawal, "Ang bilis mo naman makuha. Napakabait mo, anyway, huwag na natin 'to patagalin pa. Sumama ka na sa akin." tumalikod siya sa amin at nagsimulang maglakad palayo sa amin.
"Kamahalan, anong ginagawa mo?" Bulong ni Karma.
Bubulong pa sana ako pabalik ngunit kinaladkad na ako ng dalawang halimaw patungo sa kung saan pumunta ang kadiliman. Sinulyapan ko muli si Karma saka kinindatan, ewan ko kung makukuha niya ang aking ibig sabihin, ang nais ko ipahatid ay, hindi ko ibibigay sa kadiliman ang kapangyarihan ko. Ise-setup ko lamang ito. Nakita ko ring kinalas ng punong kawal ang mga lubid na nakatali sa mahal na prinsipe kaya medyo nakaramdam ako ng gaan sa aking puso. Maayos naman pala kausap 'tong kadiliman, hindi niya lang alam na set up lang ito.
Iyon na ang huling nakita ko, lumiko na kami at nawala na sila sa aking paningin. "Bitawan niyo nga ako, makakalakad naman ako sa sarili ko." wika ko saka kinuha ang aking mga braso sa mga pangit na halimaw na ito.
Tumango ang kadiliman sa kanila kaya binitawan na nila ako. Naglakad lamang kami hanggang sa napunta kami sa pinaka-ibaba ng mansyon. Underground kung baga.
Ang baho rito. Sa pinaka-gitna ng lugar na ito ay may malaking upuan na puno ng iba't-ibang sungay sa ibabaw nito. Sungay ba iyon ng mga demonyo?
Umupo siya sa upuang iyon at sinabing, "Lumuhod ka," sinunod ko naman iyon. Puwesto ako sa harapan niya at saka lumuhod.
"Halikan mo ang mga paa ko," sunod niyang utos.
Nadapo ang aking tingin sa paa niyang may uod, ew. Nandiri ako bigla, "Pwede ba na ibang utos na lang?" Tanong ko.
"Halikan mo ang mga paa ko." Ulit niya sa diin na tono.
Huminga ako nang malalim at saka tumayo, "Hindi mo makukuha ang kapangyarihan ko," wika ko at tinaasan siya ng kilay.