CHAPTER 5

1438 Words
Alexis' POV Isang buong araw ang nailan namin sa paglalakbay pabalik sa kastilyo. Gabi na no'ng kami ay makarating. Iniwan ko ang bag ko sa gilid ng tarangkahan upang makagalaw ako nang maayos, ang tanging hawak ko lamang ay ang libro at si Kira. Alam ko ang pasikot-sikot dito sa kastilyo kaya hindi na ako mahihirapang makapasok, kailangan ko nga lang mag-doble ingat dahil hindi kami maaaring mahuli ng mga kawal. Alam kong alerto ang lahat ngayon dahil sa biglaang pagkawala ng mahal na prinsipe at ang tagapagsilbi nito—ako iyon. Malamang ako ang unang suspek nila. "Let's do this," mataimtim na binigkas ni Kira. Tumango ako at nagsimula nang pumasok. Medyo may kahirapan nga lang dahil nakakalat ang mga kawal. Pero dahil gabi na nga at dahil maliksi ako, nagawa ko pa ring makapasok sa loob. Maingat akong pumasok sa loob ng kusina; sa lugar kung saan ko mismo unang nagawa ang salamangka. Pumwesto kami sa sulok nito, "Kira, hinga nang malalim," wika ko. "Bilisan mo na." aniya. Huminga ako nang malalim at nagpokus. Dahan-dahang binuksan ang libro at nabigla dahil hindi ko pa rin mabasa ang mga nakasulat. Tiniklop ko ulit ito at muling binuksan, nagbabakasakaling magbago ang mga letra ngunit ayaw talaga. Bakit hindi pa bumabalik sa normal ang mga letra? Bakit ayaw bumalik? Niloloko lang ba ako no'ng babaeng iyon? Nagbibiro lang ba siya? Napasabunot na lamang ako sa sarili ko at halos maiyak na, "Anong gagawin ko?" tanong ko sa sarili. "Anong problema, Alexis?" "H-Hindi ko pa rin po mabasa, k-kamahalan." at tuluyan na ngang pumatak ang aking mga luha. Paano kung hindi ko na talaga siya maibabalik sa dati? Hindi ako papatulugin ng konsensya ko kapag nagkataon. "BILIS!" isang tinig na nagmula sa labas ng kusina ang umagaw ng aming atensyon. Ako at si Kira ay agad na napalingon sa pintuan nang bigla itong bumukas nang pwersahan, "DAKPIN ANG BABAENG IYAN!" utos ng punong kawal sabay turo sa akin. Agad namang rumisponde ang mga kawal at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Ano pong nangyaya—bitawan niyo ako!" pagpalag ko. Pinilit kong kumalas ngunit napakahigpit ng hawak nila sa braso ko at ang lalakas pa nila. "Nasaan ang prinsipe?" nakakasindak na tanong ng punong kawal sa akin. Sumulyap ako sa pusa ngunit wala na siya sa dako niya, ba't ba lagi siyang nawawala? "H-Hindi ko alam! Bitawan niyo ako!" sigaw ko. Kumunot nang husto ang noo ng pinuno at tumango sa mga kasamahan nito, "Isang ulit, nasaan ang prinsipe?" inulit nga niya. Pumatak ang aking mga luha at lumambot ang mga tuhod, paano kung malaman nilang naging pusa ang prinsipe? Paniniwalaan ba nila ako? Matutulungan ba nila ako? Mapapatawad ba nila ako? Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko, hindi ko na alam kung anong gagawin ko, gulong-gulo na ako dahil sa kapahamakan na ginawa ko sa mahal na prinsipe. "Hindi ko alam," nanghihina kong sinagot ang tanong niya. Hindi ako matutulungan ng isang normal na tao, ibang nilalang ang kailangan ko. "Sige, ikulong niyo ang babaeng iyan at huwag pakakainin." utos nito. Agad naman nila akong tinapon sa selda. Isang napakalaking pagkakamali ang nagawa ko sa buhay ko at nadamay pa pati ang mahal na prinsipe. Isa akong mangmang! Ako'y nararapat dito sa selda dahil sa aking kamangmangan. Ayos lang sa akin na mabulok ako rito basta't maibalik lang sa normal si Kira. "Lalalala... lala-lalala," malungkot kong kinanta ang kanta na parati kong kinakanta no'ng ayos pa ang lahat. No'ng wala pang mahika sa buhay ko. "Meow," Biglang lumakas ang t***k ng puso ko, "Kira?" wika ko nang maaninagan ang isang pusa na papalapit sa akin habang kagat nito ang mahiwagang libro. Nagawa niyang makapasok sa nakapilang kabilya dahil maliit lang siya. Inilapag niya sa lupa ang libro, "Paano ba iyan? Nakakulong ka na," sabi niya. Muli akong nalungkot, "Kamahalan, patawad..." wika ko. "I guess, hindi na ako makakabalik sa normal." "Makakabalik ka p-pangako iyan," ako'y nangako kahit walang kasiguraduhan. Ayaw ko lang naman na mawalan ng pag-asa ang prinsipe, kahit siya na lang ang 'di mawalan ng pag-asa... dahil ako? paunti-unti na akong nawawalan ng pag-asa kahit alam ko na hindi pwede, hindi ako maaari mawalan ng pag-asa dahil una sa lahat, kasalanan ko ito at ako ang dapat humanap ng paraan para maibalik siya sa dati. Kahit imposible kailangan ko pa rin gawing posible dahil kasalanan ko. "Hays, na-scam tayo no'ng witch na iyon, umasa pa naman ako na makakabalik na ako sa normal." Biglang nanlaki ang mga mata ko sa biglang pag-sagi ng isang reyalisasyon, "Bakit kaya hindi ka niya binalik sa normal no'ng araw na iyon? Alam kong kaya niya 'yon dahil may kapangyarihan siya, hindi ba?" wika ko. "Oh, bakit ngayon mo lang 'yan naisip? ha? ha? at bakit sa akin mo sinasabi iyan? Anong malay ko? ha? ha?" nandyan na naman ang pagkapilyo niya. Para siyang nanghahamon ng away. Napayuko ako at napanguso, "Akala ko kasi kaya ko na, sorry na," "Nako talaga, ewan ko na lang sa—Hmmm," agad siyang napaisip, "Baka kalaban siya no'ng puting diwata na nagbigay sa'yo ng libro dahil hindi ba nga sa mga teleserye laging magkalaban ang puti at itim. Baka nagbabait-baitan lang siya sa'yo dahil nga may koneksyon ka sa puting diwata na 'yon at kapag napaniwala ka niya sa kabaitan niya, saka ka niya papatayin nang walang awa, kakainin ka niya nang buhay tapos iinumin ang mga dugo mo na parang isang bampira. In short, lahat ng pinagawa niya sa'yo ay isang patibong. Pinaniwala ka lang niya, sinaktan pa niya ang damdamin mo. Ikaw kasi e, bigla bigla ka lang nagpapauto sa hindi mo naman kilala. Nako, alam ko na 'yang mga galawang manloloko, madalas ko 'yan napapanood sa tv." Napakawalang kwentang salaysay na mula sa kaniya. "Ang OA mo naman," "Malay mo, ganiyan naman kadalasang nangyayari sa mga fairytale, vampire, and romance movies." Inikutan ko na lamang siya ng mata, "Pati romance ba naman kasali." "Lagot ka, involve ka sa dalawang magkalaban," pananakot niya, walang kwenta talaga mga sinasabi niya. Hindi ako natakot, sa halip ay napaisip ako kung bakit sila dumating sa buhay ko. Wala na akong pakealam kung magkalaban nga sila o ano, (napakawalang kwenta talaga ng mga sinasabi niya, hindi nakakatulong) ang bumabagabag sa akin ngayon ay kung bakit ako ang naisipan nilang guluhin? Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit ako? Nadamay pa tuloy ang prinsipe. Agad ko namang naalala ang aking panaginip, tinawag akong "Queen" no'ng puting diwata. Samantalang, tinawag akong "kamahalan" no'ng babaeng nakaitim. Isa lang naman ang ibig sabihin ng Queen at kamahalan e, 'di ba? Hindi kaya... Tama ba 'tong naiisip ko? Posible kaya na ako ang reyna nila? Teka, teka, nababaliw na ata ako. Sobra akong nadadala ng pantasya. Napakaimposible naman no'n. "Kung ganoon, edi ang pangit ng reyna nila," nagulat ako sa biglang pagsabat ni Kira. Napakunot ako ng noo, bakit niya nasabi iyon? "Anong sinasabi mo?" kunot noo kong tinanong. Humalakhak siya at sinabing, "Nababasa ko ang nasa isip mo and as what I can see, gulong-gulo ka." Inikutan ko na lamang siya ng mata, walang kwenta talaga mga sinasabi niya. "Umayos ka nga," sabi ko. Huminto siya sa paghahalakhak at saka sumeryoso, "Totoong nababasa ko ang nasa isip mo," aniya. Ayaw ko sanang maniwala pero nakakahatak ang kaniyang mga mata, para bang sinasabi nito na siya ay nagsasabi ng totoo. Ugh. Iba talaga ang nagagawa ng mga gwapo noh? Kaya maraming babae ang naloloko nila. "Sige nga, anong nasa isip ko?" tanong ko. So mag-iisip ako ngayon, AKO AY MAGANDA, AKO AY MAGANDA, AKO AY MAGANDA. Ngumiti siya at sinabing, "Oo na, maganda ka na," Nagsitaasan ang mga balahibo ko dahilan para mapabalikwas ako. Totoo ngang nakakabasa siya ng isip! "P-Paano mo n-nagagawa 'yan?" nauutal kong tanong. Humalakhak na naman siya, "Ewan ko sa'yo, nagsimula 'to no'ng naging pusa ako," sagot niya. "Ibig sabihin matagal mo nang nababasa ang utak ko?" "Oo at alam mo bang gusto talaga akong ipalaman sa siopao ng nanay mo?! Hindi siya nagbibiro." Napalunok ako, "A-Ako ang may gawa niyan sa'yo?" Tumango lang siya. "Ibig sabihin kaya kong magbigay ng kakayahan o kapangyarihan sa isang tao gaya no'ng ginawa ng diwata?" muli kong tinanong. "Iyan ang hindi ko alam, ano ba ang sabi sa'yo no'ng diwata noong binigyan ka niya ng kakaibang taglay at libro?" Napaisip naman ako at inalala ang lahat, "W-Wala naman, sabi niya lang gamitin ko raw ang aking puso at... at tawagin ang pangalan niya!" nabuhayan ako ng loob no'ng maalala ko iyon. Malamang ang ibig niyang sabihin ay tawagin ko ang pangalan niya kapag kailangan ko siya at sa panaginip ko ay inilantad niya ang kaniyang pangalan—Karma. Umayos agad ako sa aking pagkakaupo at nagpokus, hindi na nagtaka o nagtanong si Kira dahil malamang nabasa na niya ang nasa isip ko. "Karma na nagbigay sa akin ng taglay, ang iyong pangalan ay tinatawag ko, iyong tindig sa aming harapan ang kailangan ko," At isang malamig na ilaw ang dumapo sa aking balat, isang imahe ng puting babae ang nailantad. Si Karma! "Ako'y nagagalak sa iyong pagtawag sa akin, kamahalan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD